05.

1.4K 9 0
                                    

Paano?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Paano?


Paano ko malalaman kung talaga nga bang tayo ay para sa isa't isa?

Hindi kaya pinili lang tayong pinagtagpo ngunit hindi pala kasamang tatanda?

Paano ko masisiguro na ang kapiling ka ay sapat na?

Hindi kaya niloloko ko lamang ang sarili dahil takot akong mapag-iwanan?


Nalilito ang isip at puso sa ngayon

Kung ano ang marapat kong aksyon at desisyon

Hind ba pwedeng kumampi sa'tin ang buong mundo

O sadyang ito ang paraan upang tayo'y ipaglayo?


Hati ang aking emosyon kung ano ang paniniwalaan

Isip ba o aking puso ang siyang pakikinggan?

Tiyak akong may dahilan kung bakit ikaw ay aking nakilala

Baka daan ito upang mas lalo nating mahanap ang tunay na pag-ibig gaya ng sabi nila


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now