Kinikimkim
Mahilig ka bang maglihim?
Itago sa pinakatatagong sulok ang iyong sekreto
Magtago sa likod ng mga matatamis na salita
At pilit na nagkukubli sa malalapad na iyong ngiti
Takot ang pangamba ang kadalasang dahilan
Dahil hindi ko kayang tiisin ang sasabihin ng iba
Baka ito ang maging mitsa
Kung saan tuluyan ka nang bumitaw sa kanila
Ang bigat na dumadaghan sa iyong kalooban maging isipan
Na mahirap maunawaan ng iba at minsan pa'y hinuhusgahan
Naitatanong sa sarili kung 'saan ko lulugar?'
Kaya pilit na lamang ikimkim kung kinakailangan
Ngunit hindi mo ba napagtatanto na ika'y nagiging alipin?
Alipin ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang manira at mantapak ng tao
Bakit hindi patunayan na sila'y nagkakamali
Panindigan ang tunay mong saloobin at ipakitang ika'y isang kahanga-hangang tao
Pasok sa isang tenga labas sa kabila
Huwag hayaang lamunin ng mga pananalitang panira
Sapagkat sila'y sawa lamang sa kanilang mga buhay na patapon
Ika'y tumayo, harapin sila, at bumangon
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala