01.

3.5K 32 0
                                    

Takbo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Takbo


Sariwa pa sa'king memorya

Paghawak mo saking mga kamay

Sabay nating binagtas ang mga kalye't eskinita

Hanggang sa ang mga tuhod nati'y nangalay


Sino bang magaakala kung anong habol ng tadhana?

Kailangan pala nating tumakbo at makipagsapalaran

Sana tayo ay nakapaghanda

Upang hindi nauwi ang lahat sa hangganan


Ikaw ay ala-ala na lamang ng aking kahapon

Ngunit nangungulila pa rin sa iyo hanggang ngayon

Nais kong balikan ang makulay nating nakaraan

Ang mga araw na hindi tayo mapaghiwalay ng ating mga pusong nagmamahalan


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now