![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Sayaw sa ulan
Saksi ang bawat patak ng ulan
Sa'ting makulay na pagmamahalan
Tila mga ibong sabik na makalaya
Sa hamon ng mundo kung sino ang kayang magparaya
Kumapit, maniwala, at sumabay lang sa pag-indak
Hindi ko namalayang tayo'y hagalpak sa halakhak
Mabigat man ang pasanin sa likod ng ating mga ngiti
Ako'y naniniwalang basta't tayo'y magkasama nariyan ang luwalhati
Oh sinta, ikaw at mananatiling ikaw
Mahirap hulaan ang ihip ng tadhana
Ngunit sa ngayo'y sabik akong ikaw ay maisayaw
Kahit buong maghapon pa ay hindi ko alintana
Marinig mo nawa ang musika sa pagitan ng mga ulan
Damhin at alalahanin ang ating mga pinagdaanan
Kung saan tayo ay tumibay at patuloy na lumalaban
Patunay ang ulan sa'ting wagas na pagmamahalan
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
![](https://img.wattpad.com/cover/359301166-288-k914908.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala