Bunga
Marupok at mapusok na pagmamahalan
Dahilan upang sumibol ang isang kababalaghan
Sa murang edad paano paninindigan?
Ang bunga sa maling paraan?
Tunay ngang sa huli ang pagsisisi
Ngunit tulay ito na may matututunan sa huli
Pagbaliktarin man ang langit at lupa
Batid kong ang nilalang sa'king sinapupunan ay isang biyaya
Nasa mga palad ang iyong landas na tatahakin
Isaisip ang mga dapat alalahanin
Hindi maibabalik ang nakaraan at kahapon
Ngunit kayang mabago ang takbo ng oras ngayon
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoesiaTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala