Dapithapon
Pumwesto ang buwan sa paglubog ng araw
Namangha sa nakahahalinang tanaw
Payapa sa langit na pinaghalong kahel at dilaw
Habang tayo'y nagbibisikleta na tila mga batang ligaw
Gumihiti ang ngiti sa'ting mga labi na para bang mapupunit
Hagikgik sa kahahalaklak sa mga biro mong walang kapalit
Hiling kong huminto sandali ang pagtakbo ng orasan
Upang pagsasama nati'y matagalan at hindi humantong sa katapusan
Bakit kailangang maglaho ang pagtingin?
Kahit na sabihin ng iba'y tayo ang karapat-dapat na mahalin
Nalilito sa kung ano nga ba ang dapat gawin
Hahayaan ko na muna o dapat kong hintayin?
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala