Alapaap
Sa pagdampi ng iyong mga labi aking noo
Nangangahulugan ito na ika'y seryoso
Sa pagpikit ng talukap ng aking mga mata
Madama ang iyong paghinga ay nawawala ang aking taranta
Napakasuwerte kong ika'y nakilala
Ikaw ang bumuo sa nawawala kong piyesa
Pinuno mo ng pagmamahal at kalinga
Ang naliligaw kong puso't kaluluwa
Malaman lang na ikaw ay na sa'king tabi
Tila ako'y lumilipad sa alapaap
Sana hindi lang isang panaginip
Sana hindi lang isang pantasya
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala