Haharapin mo ba?
Sinong nagsabing hindi kakayanin?
Kahit na ang iba'y taliwas sa gustong makamit
Magbibingi-bingihan sa kanilang pangmamaliit
Dahil balang araw siguradong sila'y walang masasabi at sa mata'y di makatingin
Bakit pa kailangang isipin ang sasabihin ng iba?
Hindi ka naman nila kilala ng lubusan diba?
Natatanaw mo sa malayo na malayo ka pa
Ngunit unti-unti kahit na maliit papalapit ka na
Tila mga patak ng ulan ang pagsubok na hahadlang
Hindi inaasahan at hindi mo mabibilang
Gayunpaman ito ang magdadala sa iyong hangarin
Magpapatatag sa iyong mga adhikain na makamit ang mga mithiin
Panangga mo at kakampi ang iyong sarili
Itapon mo sa kalawakan ang mga gumugulo sa iyong isipan
Harapin at huwag talikuran ang labang iyong nasimulan
Sapagkat ang mga umaatras ay hindi nagwawagi
Ikaw ang bida sa iyong mga kabanata
Ang magdidikta kung ano ang iyong tatahaking landas
Umulan man ng pagsubok, bumagyo man at mangahas kang sumuko
Sa huli, ikaw pa rin ay kahanga-hanga sapagkat walang takot kang sumuong sa digmaan
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala