Chapter 1

2.5K 44 3
                                    

ROAN POV:

"Anak mag handa kana ng mga dadalhin mo baka mahuli ka at gabihin ka papunta doon sa lola mo."

Tumayo ako sa pagkakaupo at kinuha ang malaki kong bag sa aking kwarto at pumunta sa aking lalagyan ng mga damit.

Ililipat na ako ni mama ng University dahil madaming bully sa aking pinapasukan.
Madami silang mga salitang sinasabi sa akin.

Wala na ang aking ama dahil iniwan niya na kami. Tanda ko pa ang huli niyang sinabi sa akin no'ng bata pa lang ako bago ito umalis. 'Hindi ko tanggap ang mga baklang tulad mo Roan. Mga hampas lupa yan sila.'

Alam kong masakit dahil mismo ang aking ama ay ayaw sa akin. Buti nalang at tanggap ako nang aking ina at sinasabing okay lang daw akong maging bakla basta walang inaapakang ibang tao.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha.
Lumapit sa akin si mama at dinaluhan ako sa pag-aayos.

"Ohh anak anong nangyari? Bakit ka umiiyak e bibisita naman ako doon." Pag-aalo niya saakin.

"Mama naman e." Medyo natawa pa ako sa sinabi niya sa akin.

"Sige na at bilisan mo na oh."

Mayamaya pa ay natapos na ang aking pag-aayos at tumayo na ako. Inayos ko naman ang aking sarili kanina at tapos na din akong maligo.

Aalis na ako dahil malapit ng lumubog ang araw mahirap pa naman daw sa daan at maraming basagulero doon kila lola.

"Anak mag-iingat ka ha." Tumulo ang luha ni mama. Oh diba siya nanaman ngayon ang naging emotional.

"Opo ma, ikaw din po mag iingat ka dito, inumin niyo po sa tamang oras ang inyong gamot." Tumango lang si mama at niyakap ako pagkatapos no'n ay hinalikan ko na siya sa kanyang pisngi at umalis.

Pumara ako ng tricycle at sinabing sa terminal lang ako ng bus. Pagbaba ko ay binigay ko na kay manong ang aking bayad at hinanap ang bus ng Cebu.

Bago ako sumakay ay bumili ako ng pagkain incase na gutomin ako sa loob ng bus. Dalawang oras pa bago makarating doon kaya ng makahanap ako ng upuan sa loob ay umupo ako at natulog nalang muna. Nagising ako sa sigawan sa labas. Kahit gabi na ay madami paring tao sa terminal.

"Oh cebu terminal na tayo baba na kayo!"

Tumayo ako at dinala ang aking bag. Paglabas ko ay dumampi kaagad sa aking balat ang malamig na hangin.

Medyo pamilyar na sa akin itong lugar dahil noon ay napasyal na ako ni mama dito kaya alam ko kung saan ang bahay nila lola. Dahil malapit lang iyon dito sa terminal nag lakad nalang ako.

Ilang minuto pa akong nag lakad ng biglang may tumulak sa akin, mabuti nalang at hindi ako natumba.

"Hoi bata, kung ayaw mong masaktan bigay mo sa akin lahat ng pera mo." Sabi ng isang lalaki, dalawa silang nasa aking harapan. Halos tumalon na sa aking katawan ang aking puso sa kaba.

"Aba ayaw mo talaga ha."

Akmang susuntukin niya na ako nang biglang may naunang kamaong tumama sa mukha niya.

"Ugh." tumilapon siya sa malapit na basurahan.

"Oi pare si Noah, tumayo ka na diyan at baka mapuruhan pa tayo" sabi nito sa kasama niya habang tinutulungan sa pag tayo.

Nang makita ng tumilapon na lalaki si Noah, tumayo ito at pabulong na sinabi ang pasensya na at agad na kumaripas ng takbo.

"Ayos ka lang ba?" Nagulat ako ng bigla siyang nag salita.

"O-oo, salamat" nauutal kong sagot sa kanya. Sino ba namang hindi ma uutal e ang lalim ng boses. 'Kala mo ay kakainin ka na niya.

"Saan ba punta mo? at ihahatid na kita." Alok niya sa akin. Pumayag ako sa kaniya at sinabi ko kung saan ako pupunta, dahil baka kung ano pang mangyari sa akin sa daan kung wala akong kasama.

"Bago ka palang ba dito?" Tanong niya sa akin.

"I'm Noah by the way..." Sabi niya sa akin at inabot ang aking kamay.

"R-Roan..." nauutal ko paring sabi sa kaniya.

"Haha Roan wag kang matakot sa akin, hindi naman kita sasaktan." Sabi niya saakin habang natatawa pa.
Ilang minuto pa ang nilakad namin ng makarating din kami sa bahay ni lola.

"Maraming salamat ulit." Sabi ko sa kaniya.

"Walang problema, see you around nalang." Sabi niya sa akin at umalis na sa aking harapan.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha. Ano na 'tong nangyayari sa akin? Teka hindi niya ba halatang bakla ako? Sabagay kung titignan mo ako ay hindi mo naman aakalain na bakla ako dahil hindi naman medyo feminine ang aking pisikal na anyo. Nagulat ako nang may nagsalita sa aking likuran.

"Oh apo andito ka na pala bakit hindi mo sinabi sa akin? Tsaka hali ka na gabi na, 6 pm na malamig dito sa labas." Pumasok kami ni lola sa bahay, hindi naman medyo maliit o malaki ang kaniyang bahay kasya na siguro sa limang tao.

"Tumawag ang iyong mama kung nakarating ka na ba daw kaya naman lumabas ako nang may narinig akong ingay sa labas." Sabi niya sa akin.

"Inayos ko na lahat apo bukas na bukas ay pwede ka nang pumasok sa bago mong unibersisdad mayroon ka naring uniporme doon sa kwarto mo." Sabi niya sa akin.

"Salamat po lola." Nakangiti kong tugon sa kanya.

"Kung gusto mong kumain mayroon akong niluto doon sa kusina, kung gusto mo namang magpahinga ando'n ang kwarto mo." Sabay turo ng isang pintuan malapit sa sala.

"Apo ako 'y magpapahinga na ha dahil pagod ako, pasensya na kay lola kung hindi ka muna masasabayan ngayon." Sabi niya sa akin. Sumagot lang ako ng oo at umalis narin siya sa aking harapan at tumungo sa kaniyang kwarto.

Ramdam kong hindi pa naman ako dinadalaw ng gutom kaya napagpasyahan kung magpahinga nalang sa kwarto. Nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kong gagawin bukas. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-excite. Hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nilalamon ng antok at ilang saglit pa ay nakatulog na ako.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now