24

1K 27 28
                                    

ROAN POV:

Ilang araw narin ang lumipas noong  bakasyon namin at ngayon nalang ang huling araw namin sa unibersisdad dahil dahil bukas na ang aming graduation. Finally makakapagtapos narin ako.

Naghahanda ako ngayon para pumasok.
"Apo kain ka muna" Tawag sa akin ni lola. Lumapit naman ako at binati ito. "Ako na ang magliligpit niyan pumasok ka na.." Sabi ni lola sa akin. Nagpaalam naman ako sa kaniya at pumunta na sa university.

"Oi Roan!" Rinig kong sigaw ni Priam sa akin. "Bukas na graduation natin, ano na ang plano mo?" Tanong nito. "Ewan di ko alam" Sagot ko naman dito. Hindi niya naman kasi alam na kami ni Noah. Walang nakakaalam na naging kami.

Ang panahong sinagot ko siya ay ang mga taong hindi namin kilala ang nakasaksi sa nangyare. Matagal narin kaming hindi nagkita. Balita ko ay lumapit narin sila.

"Roan" Tawag sa akin ni Priam kaya naputol ang pag-iisip ko. "Sabay na tayo" Sabi nito at inakbayan ako. Tahimik lang kami papunta sa silid ko.

"Salamat" Sabi ko sa kaniya ng makarating na kami.
Tumango naman ito at ngumiti sa akin. "Mauuna na ako" Sabi nito. Pagkatapos non ay pumunta na ako sa aking upuan at umupo.

Mabilis lang lumipas ang mga oras. Wala namang masiyadong sinabi ang aming professor kundi nag paalam lang sa amin. Nagbigay ng message. Nag picture taking namin kami.

"Ayan batch 2024-2025" Nakangiting sabi ng isa naming ka klase at sinama ito sa mga pictures na nakalagay sa mesa ng aming professor.

Pagkatapos namin doon ay lumabas na kami. Tinignan ko ang oras at 3:30 na ng hapon. Bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang kabuuan ng aming unibersidad. Maraming mga alaalang nabuo dito.

Napangiti naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Dumaan muna ako sa mga street foods para bumili ng makakain. May nakita naman akong nagtitinda ng cotton candy sa unahan kaya bumili ako.

Naghanap ako ng mauupuan para kumain. Tahimik kong sinusubo ang aking mga binili at pinagmamasdan ang paligid. Nag uumpisa naring umandar ang mga street lights kaya medyo maganda ng pagmasdan ang paligid.

Habang nililibot ko ang aking paningin ay nahagip ko si Noah. 'Si Noah ba iyon?'. Dali dali akong tumayo para puntahan ito ngunit mabilis din itong sumakay sa kotse. Pinagmasdan ko lang ang kotseng papalayo sa akin habang ako ay nakatayo.

Si Noah ba talaga iyong nakita ko?  Tanong ko sa aking sarili. Oh baka naman miss ko lang siya kaya ako nagkakaganito. Iniling ko nalang ang aking ulo sa mga iniisip. Nang mapansin kung nag-aagaw dilim na ay napagpasyahan ko ng umuwi.

"Oh apo" Bati sa akin ni Lola. Nagmano naman ako dito. "Ito pala invitation" Sabi nito sa akin sabay abot sa akin ng hindi pa nakabukas na sobre. Ngumiti naman ako kay lola at inabot ito. "Sa kwarto po muna ako la" Paalam ko dito. Tumango naman siya. "Sige at maghahanda muna ako ng ating hapunan." Dagdag nito.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay nilagay ko ang bag ko sa aking upuan at ako naman ay umupo sa kama. Binuksan ko ang nasa sobre. Nagulat naman ako sa aking nabasa.

SAVE THE DATE
EUNICE & NOAH

WEDDING
04.15.2024

Nalaglag naman sa aking kamay ang aking hawak na papel. Hindi ako makagalaw sa aking nakita. Unti unti ko nalang naramdamang tumutulo na ang aking mga luha.

"Apo halika na" Narinig ko ang tawag ni lola sa akin sa labas. Pinunasan ko naman ang aking mga luha.
"Oh anong nangyari? Ayos ka lang ba apo?" Tanong kaagad nito sa akin ng makita ako. "Napuwing lang po la" Tugon ko naman dito. Hindi niya naman tinanong kung ano ang nasa loob ng sobre kaya gumaan ang pakiramdam ko. Ayaw ko kasing mabanggit kung ano ang nabasa ko.

Pagkatapos ko doon sa hapag ay pumasok na ako sa kwarto ko. Pinulot ko ang invitation card at nilagay sa mesa ko.

"Oi Roan congrats!" Bati sa akin ng mga kaibigan ni Noah, ganoon narin si Priam. "Halika lola kumuha tayo ng picture" Tawag ko dito. Lumapit naman si lola sa akin. Ngumiti kaming dalawa sa camera. Hawak ko naman ang picture frame ni mama.

Ilang sandali pa ay sumali narin sa amin sila Priam, Erik at ang iba pa. Nakangiti kaming lahat sa camera. Maraming mga pose ang ginawa namin. May isang pic din doon na binuhat pa ako ni Priam. Napatawa nalang ako ng tinignan ang mga larawan namin.

Habang nakaupo sa kama ay napabaling naman ang tingin ko doon sa invitation card na nasa mesa ko. Tumayo ako sa kama at tinignan ito. 8pm...

"Dito lang po salamat" Sabi ko sa tricycle driver.
Tinignan ko naman ang kabuuan ng venue ng kanilang kasal. Ang ganda at ang bungga. Garden Wedding siya pero ang ganda at ang bungga sa paningin. May fountain din sa gilid kung saan walang masiyadong tao. Pinakita ko ang invitation card ko sa nagbabantay.

Pagkatapos doon ay umupo na ako. Marami ang taong pumunta. Hindi na sumama si lola sa akin dahil napagod siya kanina sa graduation ko.

Mabilis lumipas ang oras at nakita ko ng naglalakad ang isang babae suot ang puting wedding gown nito habang diritsong nakatingin kay Noah. Nakangiti ito at ganoon rin si Noah habang nakatingin sa kaniya.

"Mayroon bang tutol sa kasal nila?" Tanong ng Officiant. "Ako." tumayo ako at diritsong nakatingin sa kanila tumingin narin sa akin ang ibang mga tao at nag bubulungan. "Gusto ko. Gusto kong pigilan ang kasal." Napatingin sa akin ang bride at si Noah. Nakangiti itong nakatingin sa akin.

Nakangiti itong nakatingin sa kaniyang bride habang isinusuot niya ang singsing dito. Isa isang bumagsak ang aking mga luha. "You may now kiss the bride" Nakangiting sabi ng officiant.

Tumayo naman ako at pumunta sa madilim na parte dito. Malapit ito sa fountain kung saan walang masiyadong tao. Ilang sandali pa ay nagulat ako ng may umabot sa akin ng panyo.

Napaangat naman ang aking ulo. Bumuhos ang mga luha ko ng makita ko si Noah. Inabot ko naman ang kaniyang panyo. Tumabi ito sa akin at tahimik lamang. "B-bakit Noah?" Namamaos kung tanong dito. "B-bakit ka g-ganiyan?".

"M-minahal mo ba t-talaga a-ako?" Hindi parin humihinto sa pag agos ang aking mga luha. "I... Im sorry Roan... m-minahal n-naman kita" Sabi nito sa akin at medyo bumasag pa ang boses sa huli.

"G-ganito mo n-nalang ba akong i-iwan?" Tanong ko pa dito. Akmang sasagot na ito ng tinawag na siya ng kaniyang bride. "Babe, ang tagal mo...omg sino yan?" Tanong nito habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "Ahh... wala kaibigan ko, napuwing lang kaya tinulungan ko, tara na" Sabi nito habang nakangiti.

Hindi naman iyon pinansin ng babae at naglakad na sila habang hawak ni Noah ang kaniyang biwang. Pinagmasdan ko silang dalawa habang papalayo na ito sa aking paningin. Tinignan ko ang panyong kaniyang pinahiram. "N-Noah ang s-sakit mo m-mahalin... b-bakit i-ikaw pa" Humihikbi parin ako hanggang ngayon.

Umuwi ako ng bahay ni lola at pumasok na sa aking kwarto. Pinikit ko nalang ang aking mga mata habang inaalala ang mga bagay na aming ginawa ng magkasama pa kami.

____

VOTE~COMMENT~FOLLOW

-7 chapters to go bago matapos ang kwentong ito!

Turning The PageWhere stories live. Discover now