27

560 18 7
                                    

ROAN POV:

Paglabas ko ng gate ay tumingala ako sa kalangitan madilim ito at parang mayamaya nalang ay babagsak na ang malakas na ulan malakas din ang simoy ng hangin.

Pumara ako ng tricycle at sumakay dito. Tinignan ko ang bulakbulak na rosas na hawak hawak ko. Kumunot ang noo ko at nag isip kung sino ba ang nag bigay nito sa akin. Impossible namang si Priam.

Mayamaya pa ay tumulo na ang maliliit na tubig mula sa langit. "Ay kuya pwede po bang huminto kayo doon sa may bakery may bibilhin lang po" sabi ko sa driver. Akmang liliko na ito ng biglang may malakas na sasakyan ang sumalpok sa gilid ng tricycle na sinasakyan ko. Sa gulat ko ay hindi ako nakakapit at tumalbog ako palabas ng tricycle.

Napadaing ako sa sakit na naramdaman, hinawakan ko ang aking ulo at tinignan ang aking kamay, puno ito ng dugo. Nakita ko ang mga pulang rosas sa gilid ko nagkawatak watak ito kasabay ng pag buhos ng malakas na ulan ay ang dahan dahang pag pikit ng aking mga mata.

PRIAM POV:

Nadaanan ko ang mga taong nag kukumpulan doon sa gilid ng daan. Nakita ko ang isang itim na sasakyan at isang tricycle na sirang sira na. Parang may aksidenteng naganap. Huminto ako sa gilid ng daan at kinuha ko ang payong na nasa backseat. Bumaba ako at tumingin doon.

"Hala kawawa naman 'yong lalaki at 'yong driver" Rinig kong bulong bulongan ng mga tao. Habang papalapit ay may nakita akong pulang rosas na nadadaluyan na ng dugo. Tumingala ako at laking gulat ko ng makita ko si Roan. Naliligo na ito sa sariling dugo. Dali dali akong lumapit dito at nabitawan ko pa ang payong na dala. Wala na akong pakialam kong mabasa ako. "Tumawag kayo ng ambyulanysa bilis!" Sigaw ko sa mga taong nakapaligid sa amin."May papunta na raw dito" Sabi ng isa sa likod ko.

"Sir dito lang po kayo"  Pigil sa akin ng isang nurse ng akmang susunod din ako doon sa kanila sa loob ng emergency room. Nakita ko rin ang pamilya ng tricycle driver at inaalo ng anak nito ang asawa nito. Bumalik ang tingin ko sa pintuan ng emergency room. "Ang apo ko!" Rinig kong sigaw ng isang matanda kaya napabaling ako dito. Lola ni Roan.
"La" tawag ko dito. "Jusko ang apo ko iho" Umiiyak na sabi nito. Inalalayan ko naman ito dahil parang matutumba na ito ano mang oras.

May mantsa pa ng mga dugo sa aking damit ngunit hindi ko na iyon pinansin. Nag aalala ako ngayon sa kalagayan ni Roan. Tinignan ko ang relong nasa kamay ko 6:25 pm na pero wala paring lumalabas na doctor doon sa emergency room. Tumayo ako at inayos ang kwelyo ng damit ko. "Mauuna po muna ako la, babalik lang ako mamaya dito mag bibihis lang ako" Paalam ko dito. "Mag iingat ka Priam".

Habang binabaybay ko ang daan ay hindi parin tumigil sa pag buhos ang malakas na ulan. Pag dating ko sa unit ko ay agad akong dumiritso sa shower room. Pagkatapos kong mag linis ay lumabas na ako at nakahubad lamang na naglalakad papunta sa closet ko. Nag lagay ako ng pabango bago kinuha ang susi sa lamisa at lumabas na.

Bumalik ako ng hospital, nakita kong wala na doon si lola sa labas ng emergency room kaya naman ng may lumabas doon na nurse ay nag tanong ako. "Excuse me miss, alam mo ba saan dinala 'yong sinugod dito kanina?" Tanong ko dito. "Nasa room 30 po siya second floor" Sagot nito sa akin. "Thank you".

Umakyat na ako sa hagdanan papuntang second floor at hinanap ang kwartong iyon. Pag pasok ko ay kausap ng lola ni Roan ang doctor. "La na apektuhan po ang utak ng inyong apo at magkakaroon po ito ng pansamantang amnesia at..." Tumigil an doctor saglit sa pagsasalita. "At kailangan po ng heart donor  ang inyong apo sa lalong madaling panahon." Sabi nito. Napaiyak naman ang lola ni Roan kaya agad ko itong nilapitan at inalo.

"Ayon lang po Ma'am, iho mauuna na ako" Paalam ng doctor at lumabas na. Inalalayan ko ang lola ni Roan para makaupo. Binigyan ko ito ng tubig na nasa misa. "Saan ako makakahanap ng heart donor para sa aking apo." Nag aalalang sabi ni lola habang hawak ang kamay ni Roan. May binda pang nakalagay sa ulo ni Roan at maraming tube rin ang nasa katawan nito.

"Iho uuwi muna ako sa bahay namin may kukunin lang ako, ikaw muna mag babantay kay Roan ha" Sabi ng lola niya at tumayo na. Ngumiti ako dito at tinignan ito habang palabas. Bumaling naman ang tingin ko kay Roan. Ang ganda niya talagang pag masdan at gwapo rin. Ganito na ata ako ka hulog kay Roan. Sumagi nanaman sa isipan ko ang gabing sinabi ko sa kaniya kung pwede ko siyang ligawan. Alam ko na may pag tingin parin siya kay Noah.

Siyempre kaibigan ko 'yon at alam ko talaga kong paano iyon ka mapaglaro. Tutulong ako sa paghahanap ng heart donor ni Roan at liligawan ko siyang muli. Habang nakatingin sa kamay ni Roan ay naalala ko na pamilyar iyong sasakyang naka bunggo sa kanila kanina. Naputol ang pag iisip ko ng biglang kumatok at pumasok ang isang nurse dala ang isang tray ng pagkain.

"Tham you" Sabi ko dito ng mailapag na nito ang pagkain sa misa ngumiti ito sa akin bago umalis. Tumayo ako at tinaas ang kumot sa katawan ni Roan.
Kinuha ko ang upuan at nagsimulang kumain.
Pasado 8:30pm na ng napagpasyahan kong lumabas muna para magpahangin. Tumila na ang malakas na ulan kanina. Tumingala ako sa kalangitan at nakita kong madilim parin ang kalangitan at walang nagpapakitang mga bituin. Pumasok ako sa malapit na convenient store at bumili ng maiinom. Kinuha ko iyong sprite na nasa can at pumunta na sa counter.
Pagkatapos kong mag bayad ay tumambay muna ako sa labas ng store. Umupo ako sa isang upuan at binuksan ko ang sprite. Ininom ko ito at tinignan ang mga sasakyang dumadaan ng maubos ko ito ay napagpasyahan kong bumalik na sa hospital.

____

VOTE~COMMENT~FOLLOW

-Halaa lutang HAHAHAHAH, hayaan niyo na pag natapos ko itong story e eedit ko ulit daming errors ni madam haha

Turning The PageWhere stories live. Discover now