Chapter 9

548 22 7
                                    

ROAN POV:

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong nalanghap ang mabangong luto ni lola. Lumapit ako sa kaniya at binati ito.

"Good morning la," Masigla kong bati dito.

"Hmm, good morning apo..." Nakangiti nitong tugon.

Tinignan ko sa labas at medyo umuulan pa pero hindi na gaano ka lakas, mayamaya pa ay natapos na si lola sa pagluluto kaya naman tinulungan ko na itong ihain ang pagakain.

"Ang sarap talaga," Sabi ko dito ng matikman ito.

Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si lola na mag ligpit, bumalik ako sa kwarto ko para ihanda ang susuotin ko, Simpleng black slacks lang at short sleeve polo.

Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na ang aking bag at nagpaalam na kay lola at umalis, kinuha ko ang payong ko bago sumakay sa tricycle.

Pagpasok ko sa classroom ay kaunti pa lang ang mga classmates kong nandoon, habang nag mumuni muni ako nakita ko sa labas ng classroom si Noah at Yuna.

Dumiretso sila sa direksyon ng nursing department,
hinatid niya siguro, parang kanina hindi ako nakaramdam ng lamig pero ngayon kulang nalang ma istatwa ako sa kinauupuan ko.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Noah at pumasok na sa classroom, hindi ako mapakali kaya naman ay tinawag ko siya.

"O-oi N-Noah hindi ka sumulpot kahapon..." sabi ko dito na nauutal parin, hindi ko alam bakit ako ganito mag salita kung kaharap ko siya.

"Okay naman 'yong report natin, napag-usapan naman sa chat." Sabi nito ng hindi lumilingon sa akin.

"P-pero dapat sinabi mo ng h-hindi ako mag hintay doon kahapon..." Sabi ko dito at yumuko nalang ng hindi siya sumagot.

Dalawang subject lang ang mayroon kami ngayon kaya naman ng matapos ay lumabas na ako, iniisip ko kung paano ako babawi sa kaniya.

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Priam sa gilid ko, sa lahat ata ng kaibigan niya ito lang ang nakilala ko.

"Oi, Roan mayroong laro sila Noah mamaya sa basketball, manonood ka ba?" Tanong nito sa akin.

Ngayon ko lang nalaman na naglalaro pala siya, kaya naman ay tumango ako kay Priam.

"Tabi tayo mamaya ha, sige mauuna na ako may pasok pa ako," Sabi nito sabay kindat sa akin.

Magkaiba kasi ang schedule namin kaya gano'n.
Mabilis lang lumipas ang oras at natapos narin ang pangalawa naming subject.

Inayos ko ang bag ko at nakita ko si Noah sa gilid na tumitingin sa akin, binaliwala ko nalamang iyon dahil nararamdaman ko nanaman na nag iinit ang aking mukha, paglabas ko ay nakita ko si Priam sa labas na naghihintay sa akin.

"Tara na malapit ng mapuno ang gym, matagal pa naman siguro sila Noah," Sabi nito sa akin at nag lakad na kami.

Bago kami pumasok ay bumili muna ako ng tubig para sa kaniya, pagpasok namin sa gym ay umupo kami malapit sa kanilang team.

Mayamaya pa ay pumasok na ang mga players sa unang game, nagsigawan ang mga students lalo na ng tinaas ng isang player ang kaniyang jersey at bumalandra ang 6 pack na abs nito.

Natapos ang dalawang game at sila Noah na ang sumunod, malakas ang tibok ng aking puso lalo na ng lumabas na sila suot ang kanilang mga jersey.

Hindi gaanong maputi si Noah, makapal ang kilay at matangos na ilong, maganda din ang labi nito na mapupula, ngayon ko lang napansin na subrang pogi talaga niya kapag tinuon mo talaga ang pansin mo dito.

Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso ng sumulyap ito sa akin at ngumiti, nabigla ako doon at iniwas na lamang ang tingin at tinignan ang nga kasama niya, mas lalong lumakas ang sigawan sa loob ng mag simula na ang kanilang laro, kung kanina ay malakas ngayon ay subrang lakas na talaga.

"Wooh! Noah tiyan ko nalang lagyan mo ng bula!" Narinig kong sigaw ng isang babae.

"Dito mo nalang e shoot sa butas ko!" Sigaw naman ng isa.

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila, nang matapos ang kanilang laro agad namang lumapit ang kanilang team sa pwesto namin.

"Oi, bro ang galing non ah," Sabi ng isa niyang kaibigan.

"Clemonte tumira ng tress napahiyaw lahat ng girls," Sabi naman ni Priam habang natatawa, natawa narin ang mga kasama nito.

"Iba talaga pag si Noah ang tumira, mahuhulog ka talaga," Sabi ulit ni Priam at tumingin sa akin, iniwas ko nalang ang tingin sa kanila.

"Bro, may tubig ka ba diyan? Nalimutan ko 'yong akin sa locker ko." Rinig kong sabi ni Noah sa kasama.

"A-ah Noah i-ito..." Sabay abot ko sa kaniya, yumuko ako habang nakataas parin ang kamay hawak ang water bottle.

May kinuha siya sa gilid ko at pag tingin ko ay nakita ko si Yuna, sinulyapan ko ulit si Noah at nakita kong umiinom na ito.

"Thank you nalang,"  Malamig na sabi nito sa akin, nabigla ako ng hablutin iyon ni Priam.

"Ako na iinom nito Ro, kanina pa ako uhaw," sabi ni Priam habang naka ngiti.

Pagsulyap ko kay Noah ay nakita ko itong masama ang tingin kay Priam, nang matapos na ang laro ay pumunta ako kay Noah ng matyimpuhan kong wala itong kasama.

"N-Noah congrats kanina, a-ang galing niyo" sabi ko dito at yumuko.

"Salamat." Sabi nito sa akin at umalis na sa aking harapan.

Susundan ko pa sana siya ng biglang may yumakap sa kaniya, napapadalas na yata ang pagkikita nila ni Yuna, sabagay bagay naman talaga sila.  Bagsak ang balikat kong naglakad palabas.

"Roan!" Rinig kong tawag sa akin.

"Tara Street foods," Sabi ni Priam sa akin.

Pumayag naman ako dahil ramdam ko narin na medyo gutom na ako at natatakam narin, nag aagaw na ang dilim kaya naman marami na talagang mga nag titinda ng mga pagkain sa labas ng university.

Medyo marami ang binili ko dahil bukod sa gutom ay hindi rin ako okay sa nakita ko kanina, naghanap kami ng mauupuan ni Priam at pagkatapos ay kumain na kami, maganda ang gabi ngayon dahil marami ang mga bituin, naramdaman kong may humaplos na kamay sa aking mukha.

"Ang kalat mong kumain Roan," Sabi ni Priam sa akin at bahagyang natawa, pagkatapos namin doon ay pumunta kami kung saan niya pinapark ang kaniyang kotse.

Nagpresenta itong ihatid ako dahil wala ng masyadong tricycle ang dumadaan at para tipid nadin daw sa pamasahe.

"Salamat." Sabi ko dito at ngumiti ng makababa na sa kotse niya, tumango lang siya at ngumiti pabalik sa akin, mayamaya pa ay nag paalam na ito sa akin at umalis narin, pag pasok ko sa bahay ay nagulat ako ng makita ko kung sino ang nasa loob kasama ni lola.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now