Chapter 2

1.2K 31 2
                                    

ROAN POV:

Gumising ako ng maaga para tulungan si lola at para makapag handa narin ako sa pagpasok sa bagong unibersidad. 2nd year na pala ako at guro naman ang aking kinuhang kurso. Paglabas ko sa aking kwarto ay bumungad kaagad sa akin si lola.

"Magandang umaga po laaa..." Maligayang bati ko sa kaniya.

"Magandang umaga rin apo, osya tara na sa kusina at tulungan mo na ako sa pagluluto." Sumunod ako kay lola at kinuha na ang mga kakailanganin namin para sa pag luluto.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na at hinugasan ang mga pinggan. Nag-ayos narin ako sa aking sarili at iba pa.

"La, aalis na po ako." Paalam ko kay lola.

"Oh sige mag iingat ka ah." Tugon niya sa akin. Pumura ako ng tricycle patungong unibersisdad.

"Hi, good morning everyone, I am Roan Lee Benson your new classmate." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Thank you Roan, you can now find your sit." Saad ng aming professor. Nilibot ko ang aking mata at nakita ko ang isang bakanteng upuan sa likod. Umupo ako at hindi pinansin ang aking katabi. Pero nagulat ako ng magsalita ito.

"Ay kabayo!" gulat kong sabi, medyo malakas 'yon kaya naman napatingin saakin lahat ng aking kaklase.

"What's wrong Roan?" Tanong ng aming professor.

"W-wala po p-pasensya na." Hingi kong tawad, bumalik naman sa normal ang lahat na para bang may mga sarili silang mundo.

"We met again Roan." Saad muli ng malalim na boses ng katabi ko. Tumingin ako sa kaniya at naalala ko kaagad ang nangyari kagabi.

"A-ah ikaw pala yan..." Medyo awkward kong sabi sa kanya.

"Salamat ulit kagabi..."

"Tsk walang problema 'yon, hindi ka ba busy mamaya?" Tanong nito sa akin.

"Hindi." Sagot ko sa kanya.

"Kain tayo doon sa bagong tayong kainan sa labas, don't worry libre ko na." Alok niyapa sa akin. Pumayag naman agad ako siyempre libre nayon e. Walang joke kasi pumayag talaga ako.

Natapos ang aming schedule sa umaga at lumabas na kami ni Noah. Ang gwapo niya kapag nakatalikod lalo na pag nakaharap. Hindi ko namalayang huminto pala siya kaya nabunggo ako sa kaniyang likod.

"Ay p-pasensya na, h-hindi ko alam na huminto ka." Nauutal kong paghingi ng paumanhin sa kaniya. Nakakahiya.

Tumawa lang siya at sinabing baka gutom lang daw ako. Umupo kami sa pangdalawahang upuan.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin.

Tinuro ko sa kaniya ang gusto ko at umorder na kami. Ilang minuto pa ang aming hinintay bago dumating ang aming pagkain. Habang kumakain kami nagulat ako nang dumapo ang kaniyang kamay sa aking mukha.

"May pagkain ditong dumikit..." Sabi nya.
Namula ang aking mukha dahil doon. Iniwas ko nalang ang aking tingin sa kanya. Natapos kaming kumain at bumalik na muli sa loob ng school.

"Salamat ulit, sa susunod ako nanaman ang manglilibre sayo." Sabi ko sa kaniya.

Tumango lang naman siya at sabay na kaming pumasok sa last subject namin dahil parehas lang din kami ng papasukan.

Natapos ang aming klase at masaya ako dahil wala namang problema. Inayos ko ang aking mga gamit at nilagay sa bag. Napansin kong may babaeng lumapit kay Noah.

Maganda ito matangkad at maputi gaya ko. Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan dahil medyo malayo si Noah sa akin. Akmang lalabas na ako ng bigla akong tawagin ni Noah.

"Oi Ro sabay na tayo, hatid kita sa inyo..." alok niya sa akin. Hindi naman ako tumanggi dahil natakot ako sa nangyari sa akin kagabi lalo na 't hapon na din.
Pagbaba namin sa tricycle ay hinatid pa ako ni Noah hanggang sa bahay ni Lola.

"S-sige na Noah dito nalang ako, s-salamat ulit sa pag hatid..." Nauutal kong sabi sa kanya. Hindi ko alam bakit ang lakas ng tibok ng aking puso. May sakit na siguro ako. Nag paalam siya sa akin at umalis narin. Pumasok na ako sa bahay ni Lola at tamang tama naman na naamoy ko ang bagong luto niya. Ginutom tuloy ako.

"Oh apo, gutom ka naba halikana at may pagkain akong hinanda saiyo." Nilagay ko muna sa aking kwarto ang bag ko at pumunta na sa kusina.

"May kausap ka pala kanina sa labas sino iyon apo? Mangliligaw mo? Aba ang lakas naman talaga nitong aking apo." Pang-aasar ni lola sa akin. Alam ni lola na bakla ako kaya naman ay walang kaso iyon sa kaniya.

"Lola naman si Noah lang po iyon..."

"Ay si Noah nako sa susunod imbitahin mo siyang kumain dito, apaka bait no'ng bata na iyon boto ako sa inyo apo hehe..." Kinilig naman ako doon sa sinabi ni lola.

Habang kumain ako ay tumunog ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ni mama doon at agad ko namang sinagot.

"Hello anak? Kamusta ka diyan? Okay ka lang ba?" Paulang tanong ni mama sa akin, kahit kailan talaga ay tinuturing akong prinsesa ni mama, parang akala niya ba ay hindi ko na kaya ang sarili ko.

"Ma naman e, okay na okay po ako dito, kami ni lola... e ikaw ba diyan ma? Kamusta ka? 'Yong mga gamot mo pala ma ha, wag mong kalimutan baka lumala ang sakit mo." Paalala ko sa kaniya.

"Okay naman ako dito anak. Mag aral ka ng mabuti ha... osya papatayin ko na ang tawag dahil may gagawin pa ako." Paalam ni mama sa akin. Nagpaalam narin ako sa kaniya at pinatay ang tawag.
Tinulungan kong mag ligpit si lola sa hapag at nag linis ako ng aking katawan at humiga na sa kama.

Bago ako natulog ay inopen ko muna ang aking Facebook. Nagulat ako nang makita ko ang pangalan ni Noah sa friend requests ko.

NOAH CLEMONTE sent you a friend request.

Inaccept ko ito at nag chat naman kaagad ang kaniyang account sa akin. Ilang sandali pa ang tinagal ng pag-uusap namin hanggang sa nag good night na siya sa akin dahil matutulog na daw siya. Kinikilig akong tumalakbon ng aking kumot. Haha ang lakas ng tibok nang aking puso.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW.

Turning The PageWhere stories live. Discover now