22

483 19 0
                                    

ROAN POV:

Ilang buwan narin ang lumipas ng pumanaw si mama, hindi parin ako maka move on sa nangyayare at hindi ko na ulit nakita si Noah na pumapasok sa dito sa unibersisdad. Hindi ko naman siya inaalala pero may parte sa akin na gustong malaman kung okay lang ba ang kaniyang kalagayan. Wala parin akung balita sa kaniya.

Napahinto ako sa pag iisip ng pumasok na ang aming professor. "Okay class magkakaroon tayo ng bakasyon, tutal malapit narin naman ang graduation napagpasyahan naming mga professor at nakapag paalam narin sa dean na magkakaroon ng celebration ang ating faculty. Yes atin hindi ko pa alam sa ibang faculties kung magkakaroon din. Sa ngayon ay wala muna tayong pasok, pwede kayong umuwi para maghanda bukas sa ating trip. Okay that's all for today, class dismiss." Mahabang linya ng aming professor bago lumabas ng classroom.

Ang iba naming kaklase ay nag-uusap usap para sa papadating na celebration. Bumuntong hininga naman ako ay inayos nalang ang mga gamit ko. Tumayo na ako at lumabas ng classroom. Hanggang sa naging 4th year ako wala parin akong naging kaibigan sa dito sa university maliban kila Priam at mga kaibigan ni Noah. Gusto ko yung kaibigan na nandito palagi sa tabi ko may kausap ako pero ang malas yata ng buhay ko e.

Paglabas ko ng unibersisdad ay pumunta ako sa cafe para bumili at e take out. Pagkatapos ko doon ay pumara na ako ng masasakayang tricycle. Habang nasa loob ay sumisimsim naman ako sa cape kong malamig.

Pag pasok ko sa bahay ay nakita ko si lola sa sala na nakaupo habang hawak nito ang sinulid at may tinatahi. "Oh apo ang aga mo naman ngayon umuwi.." sabi nito sa akin. Lumapit naman ako at nag mano dito. "Ahh wala po kaming pasok, maaga po kaming pinauwi para daw makapag pahinga. May bakasyon daw kasing magaganap sa aming faculty la." Sabi ko dito. Tumango naman ito. "Hmm mag iingat ka apo." Sabi nito at bumaling sa aking habang nakangiti. "Oh ito tapos na" Tinaas niya naman ang kaniyang tinahi. Jacket ito na gawa sa crochet. Napangiti naman ako.

"Ang ganda la" Sabi ko dito.
"Oh e sukat mo" Ginawa ko naman ang sinabi niya at sinukat ito.

Mabilis lang lumipas ang oras at andito na ako sa kwarto ko nakahiga. Okay narin ang dadalhin ko para bukas. Dapat daw 3 am ay nandoon na sa university para daw maagang makaalis at maagang makarating. Iyon ang sabi sa gc namin.

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Dala narin ng subrang na excite ako ay hindi na ako dinalaw ng antok. Mabilis akong naligo at nag ayos. Simple lang ang aking suot. Brown na polo at pedal lang. Pagkatapos kong mag ayos ay kinuha ko na ang nakahanda kong bag.

Nag double check pa ako sa mga gamit ko kung completo naba at oo naman kaya lumabas na ako. Nag init lang ako ng tubig para sa noodles ko. Habang nakaupo ay tumunog naman ang aking cellphone. Nakita ko dito ang chat ni Priam.

PRIAM MARTINEZ:
Ro are you awake? Nasa labas ako ng bahay niyo."

Basa ko dito. Napatayo naman ako sa gulat. Pumunta ako sa may bintana malapit sa pintuan at sinilip dito kung totoo bang nasa labas nga siya. Nakita ko naman siya sa sasakyan niya na nakasandal habang hawak ang kaniyang cellphone.

Binuksan ko ang pintuan para papasukin siya. Ngumiti naman ito sa akin. "Kamusta?" Tanong nito.
"Okay lang naman" tugon ko at bumalik na sa ginagawa ko kanina nakita ko namang kumukulo na ito. Bumaling ako kay Priam. "Kumain ka na ba?" Tanong ko dito. Umiling naman siya at ngumiti na para bang nahihiya.

Kumuha ako ng dalawang noodles at nilagay sa ininit ko. Pagkatapos non ay kumain na kami ng tahimik.
"Sabay nalang tayong pumunta." Ani nito sa akin. Hindi na ako tumanggi pa dahil wala rin namang silbi lalo na at wala ring dumadaang tricycle sa ganitong oras.

Pagpasok namin sa kaniya ay ramdam ko ang lamig ng aircong nakabukas sa luob ng kotse. Naramdaman namn iyon ni Priam kaya pinahinaan niya ito. Tahimik lang kami sa luob.

Pagdating namin doon ay marami na ang students. Limang malalaking bus din ang naroon. Ang isa ay occupado na. Pumasok kami ni Priam sa pangatlong bus. Inalok niya akong sa kaniya tumabi kaya hindi narin ako tumanggi dahil wala din naman akong kaibigang pwedeng tabihan.

Ilang minuto pa ay naramdaman naming umuusad na ang bus. Naka upo ako sa bintana kaya kita ko ang ikalawang bus na lumiliko na. Madilim parin ang kapaligiran dahil 3:30 am palang.

"Hindi ka ba inaantok?" Tanong sa akin ni Priam.
"Medyo" Sabi ko dito.
"Sumandal ka dito sa balikat ko" Sabi nito sa akin habang inalalayan ang aking ulo. Hindi ko na magawang iwasan yon dahil narin sa antok na nadarama.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na kinumot niya sa aking ang kaniyang jacket. Mayamaya pa ay hinila na ako ng aking antok.

"Roan" Tawag sa akin ng isang lalaki habang mahinang tinatampal ang pisngi ko. Dahan dahan namana akong nag mulat ng aking mata at nakita ko si Priam na nakangiti sa akin. Mabilis naman akong lumayo sa kaniya at inayos ang pagkakaupo. Nakita ko ang iban naming kaklase na bumababa na ang iba naman ay kumukuha ng litrato.

Ilang minuto rin ay bumaba na din kami ni Priam. Dalawang oras din ang byahe. Dumampi sa aking balat ang preskong hangin. Napapikit naman ang aking mga mata at dinama ito. Makikita mo din dito ang pagtaas ng araw at pag iiba ng kulay ng kalangitan.

Sumagi naman sa isip ko si Noah. Nasaan na kaya siya ngayon? Ang tagal niya ng hindi nag paparamdam.

"Ang lalim ata ng iniisip mo ngayon" Natatawang sabi ni Priam sa akin kaya napabaling naman ako sa kaniya.

"Okay guys ang sumakay sa bus 1, 2, 3, 4, at 5 sumunod kayo sa bawat instructor niyo" Sabi ng isang professor.

"Dito number 3!" Sigaw ng isang Professor. Lumapit naman kaming lahat sa kaniya at sumunod. Dinala kami nito sa second floor.

"Okay tatlo tatlo lang ang pwede sa bawat kwarto. Pumili na kayo ng kasama niyo" sabi nito sa amin.
"Sama tayo" Sabi ni Priam sa akin kaya tumango naman ako. "Oh Priam, Roan number 3 din pala kayo?" Bungad sa amin ni Erik. Tumango naman kami.

Mabilis lang lumipas ang oras at andito na kaming tatlo ni Priam ako at Erik sa loob at inaayos ang aming mga gamit bago humiga sa kaniya kaniyang kama.

____

VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now