28

792 22 21
                                    

ROAN POV:

Napatakip ako sa aking mga mata ng tumama ang nakakasilaw na ilaw sa aking mga mata. Nang makabawi ako ay dahan dahan ko ng tinanggal ang kamay ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si lola sa gilid ng isang upuan na natutulog.

Tumingin ako sa isang kamay ko ng may maramdaman akong may humahawak doon. Tumingin ako sa isang lalaking mahimbing ang tulog habang nakahawak sa aking kamay. Inalala ko ang mga nangyare ng nakaraan ngunit sumakit lamang ang ulo ko kaka-isip no'n.

Gumalaw ako ng kaunti at naramdaman ata iyon ng lalaki kaya naman ay dahan dahan nitong itinaas anf ulo at tumingin sa akin. Ngumiti ito. "R-Roan you're a-awake" Parang hindi makapaniwala nitong sabi.


Kasalukuyan akong nakaupo sa kama kung saan madami paring mga nakakabit sa aking tubes, mayroon din benda ang aking ulo ng hawakan ko ito.
"Kumain ka muna Roan" Sabi ni lola sa akin habang inihanda ang mansanas na kaniyang nahiwa na.

Sinubuan naman ako ni lola. "L-La s-sino po iyong lalaki kanina?" Tanong ko dito. "Ahh si Priam iyon, siya ang tumulong sa iyo noong na aksedente ka" Sabi nito. Tumango naman ako sa kaniya. Mayamaya pa ay pumasok na ulit iyong lalaki kanina at may dala itong isang supot.

"Ito po la binili ko po sa labas, mainit pa po ito" Sabi nito habang nakangiti. Kumuha naman si lola ng lagayan noon. "Nako Priam salamat talaga" Nakangiting ani ni lola.


Ilang araw din akong nakahiga lang doon sa kama at pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Habang nag mumuni muni ay may kumatok sa labas ng pintuan ng tatlong bese bago pumasok ang isang doctor.
"Iho pwede ka ng magpahangin sa labas, pwede kang magpasama sa nurse na naka assign na mag alaga sa iyo." Sabi ng doctor.

Nag-usap lang kami sandali at agad naman itong umalis. Tinignan ko ang wall clock at nakita kong alas dos na ng hapon. Pumasok ang isang nurse sa aking kwarto kaya naman ay napagpasyahan kong magpasama dito at lumabas muna sa aking kwarto.
Dahan dahan akong naglakad palabas kasama ang nurse ko.

Mayroong munting harden ang hospital dito. Andito rin ang ibang pasyente at nagpapahangin. May binibenta din dito sa labas. Mayroong nag bebenta ng ice cream, cotton candies at iba pa.

Umupo ako sa isang bench dito at nilibot ang aking paningin. "Ah sir may gusto po ba kayong bilhin? Dala ko po dito ang ibang gamit niyo incase po na hanapin niyo o gamitin" Sabi nito habang nakangiti. Oo nga may dala itong maliit na bag. Nandoon ang wallet ko at selpon lalo na ang mga gamot ko.

"Gusto ko iyong ice cream" Turo ko doon sa nag bebenta. Tumango naman ang nurse ko at agad na bumili. Pagkatapos niya ay binigay niya na sa akin iyon. "Sir maiiwan ko po muna kayo, babalik lang ako dito po aasikasuhin ko lang ang isang pasyente ko" Sabi nito. "Sige, salamat ulit" Sabi ko dito.

Habang kumakain ay may biglang kamay na pumunas sa gilid ng aking labi. Dahan dahan naman akong tumingin dito. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala itong lalaki na ito. "A-ah p-pasensya na kong nagulat kita Roan" Sabi nito. Nagulat ako kung bakit alam niya ang aking pangalan. "S-sino ka?" Sabi ko dito habang nakakunot noo.

"Hindi mo ako naaalala?" Tanong nito ulit sa akin.
Napamaang naman ang aking labi. "Roan si Noah ito" Sabi nito ngunit wala talaga akong maalala.
Nanatili parin akong tahimik habang kinakain ang biniling ice cream. "Mabuti naman at nasa maayos na kalagayan ka na, nag-aalala ako sa 'yo" Sabi nito kaya naman napabaling ang tingin ko sa kaniya. Sinuri ko ang kaniyang katawan nakasuot din ito ng hospital gown at may benda rin sa ulo. "Ah okay naman ako" Sabi ko dito at inalis ang tingin sa kaniya. Ramdam ko ang titig nito sa aking kaya naman uminit ang pisnge ko sa paraan ng pag tingin nito.

"Ako pala ang nag hanap ng —" Hindi niya iyon natapos ng biglang sumingit si Priam na tumatakbo papalapit sa amin. "Roan! Andito kalang pala kanina pa kita hinahanap" Sabi nito habang nakangiti sa akin. Ngumiti naman ako ng pabalik dito. Bumaling siya sa katabi kong tao. "Oh Noah andito karin pala?" Tanong nito. "Oo, naaksedente n'ong nakaraan e" Sabi nito. "Pero ayos naman ako ngayon, malapit ng maghilom ang mga sugat ko."

"Priam sino iyong lakaki kanina?" Tanong ko dito ng binabaybay na namin ang daan pabalik sa kwarto ko. Papalubog narin kasi ang araw. "Kaibigan ko, hmm hindi mo ba siya naaalala?" Tanong nito sa akin. "Hindi e" Sabi nito. Tahimik naman si Priam at hindi na ako sinagot. Inayos niya ang aking higaan bago ako inalalayang makaupo. Nakita ko naman si lola sa may lamisa na hinihiwa nanaman iyong mansanas.

"Apo oh hito kumain ka muna nito" Sabi nito at binigay sa akin ang hiniwang mansanas. Mabilis lang naman lumipas ang oras at ako ngayon ay nakahiga na at handa ng matulog. Habang tumitingin sa kisame naalala ko nanaman iyong lalaking iyon kanina. Parang nakita ko na siya at hindi ko lang maalala. Sumakit nanaman ang aking ulo ng pilitin kong alalahanin ang nakaraan.

Hindi ko namalayang dinalaw na pala ako ng antok kaya naman ay dahan dahan ng pumikit ang aking mga mata.


"Oo iho sige ikaw muna mag bantay sa kaniya may bibilhin lang ako sa labas" Rinig ko ang boses ni lola habang may kausap na ibang tao. Minulat ko ang aking mata at nakita kong may dalang isang bouquet ng bulakbulak iyong lalaki kahapon.

"Gising ka na pala... for you" Sabi nito at pinakita sa akin ang bouquet. "T-thank you" Namumula kong saad dito. Inilagay niya naman iyon sa mesa katabi ng aking higaan. May dala din siyang prutas na nasa basket. "Gutom ka na ba?" Tanong nito. "Hindi pa naman" Tumayo ito kaya naman sinundan ito ng aking paningin. Nakita kong binalatan niya iyong orange na kaniyang dala.

Dahan dahan ko iyong sinubo sa aking bibig. Mahabang katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa ng bigla siyang magsalita. "R-Roan?" Tumingin ako dito. "K-Kong liligawan ba k-kita t-tatanggapin m-mo?... k-kahit may n-nagawa ako n-noon?" Nauutal na sabi nito sa akin.

____
VOTE~COMMENT~FOLLOW
-pa share sa mga friends niyo antes hwuah
Ahh lutang HAHAHAHAH

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Turning The PageWhere stories live. Discover now