Chapter 17

536 20 2
                                    

ROAN POV:

Nagising ako ng may maramdaman akong mabigat na kamay at paa na nakadagan sa akin, bumaling ang tingin ko sa katabi ko at nakita si Noah na mahimbing ang tulog.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay at paa niya sa akin at bumaba na, pagbukas ko ng pinto ay bumungad kaagad sa akin ang mabangong amoy ng niluto ni lola.

"Magandang umaga apo," Bati nito sa akin.

"Magandang umaga rin po," Bati ko pabalik at tinulungan siya sa paghahanda.

"Tumawag pala ang mama mo kanina kung kailan mo siya bibisitahin doon, sinabi mo daw na pagkatapos ng exam niyo pupunta ka doon," Sabi ni lola sa akin.

"Hmm... siguro mamaya la, aalis ako, wala naman kaming pasok e 1 week," Sabi ko dito ng maalala ang chat nila sa gc.

Habang inaayos ko ang mga pinggan ay lumabas naman si Noah sa kwarto ko habang kinukusot ang mata niya.

"Aw... hindi mo sinabi sa akin na may bisita ka apo," Sabi sa akin ni lola habang nakangiti, namula naman ang pisngi ko habang tinignan si Noah.

"Halikana iho kakain na tayo," Aya sa kaniya ni Lola.

"Magandang umaga po," Nakangiting bati ni Noah at lumapit na sa hapag.

Tinanguan lamang siya ni Lola, tahimik kaming kumain hanggang sa natapos.

"Ako na diyan la," Sabi ko kay lola ng akmang huhugasan niya na ang mga pinggan, hinayaan naman ako ni Lola at pumasok siya pabalik sa kwarto niya, habang si Noah naman ay nakasandal sa mesa habang nakatingin sa akin.

"Bibisitahin ko pala si mama mamaya, sasama ka ba?" Tanong ko dito.

"Okay sige ba, para naman makilala ko rin si tita," Sabi nito at ngumiti.

Wala ata itong balak umuwi e, nang matapos na ako doon ay bumalik na ako sa kwarto ko at sumunod narin siya.

"Wala akong damit dito Noah na magkakasya sa 'yo," Sabi ko.

"Uuwi naman ako sa bahay, what time ka ba aalis?" Tanong nito sa akin.

"8am pa naman, mamayang 9," Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Okay uuwi na muna ako para maligo at mag bihis," Sabi niya, tumango naman ako habang pinanood ang pag-alis niya.

Nag ayos narin ako at naligo, mag e-stay muna siguro kami doon ng tatlong araw para ma bantayan ko si mama, mabilis lang lumipas ang oras at malapit na rin mag 9 am, paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Noah na nakaupo sa sala.

"La! mauuna na po kami!" Sigaw ko, lumabas naman si Lola dala ang wallet niya.

"Heto oh, mag-iingat kayo ha, bago kayo pumunta doon bilhan niyo muna ng pasalubong si mama mo... sige na mag-iingat kayo," Sabi sa amin ni lola at niyakap kaming dalawa.

"Akin na yang dala mo," Sabi sa akin ni Noah at kinuha ang bitbit kong bag, hindi ata to nabibigitan e ang laki din ng bag na dala niya, habang nasa tricycle kami papunta sa bilihan ng pasalubong ay sinabi ko naman sa kaniyang mananatili kami doon ng tatlong araw at sumang-ayon naman siya.

"Noah saan ang maganda dito?" Tanong ko sa kaniya habang hawak ang dalawang pagkain na chicharon at hopia, tumingin naman ito sa hawak ko.

"'Yang dalawa nalang, ako na magbabayad sa hopia," Sabi nito at tumango naman ako, marami ang binili naming pasalubong katulad na lamang ng puto, put-put, bibingka at iba pa, 11am na kaming nakapunta ng terminal para sumakay ng bus.

Malapit lang ang Toledo sa cebu, 1hr and 25 mins lang naman, pag dating namin doon ay sumakay kami ng tricycle papunta kila mama.

"Dito lang po salamat," Sabi ko sa driver at bumaba na kami.

Turning The PageWhere stories live. Discover now