Chapter 8

600 27 2
                                    

ROAN POV:

Matamlay akong pumasok ngayong araw dahil sa nangyari kahapon.

"Oi, Roan!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses.

"Oh, Priam ikaw pala..."

"Kamusta? Sinabi mo naba sa kaniya?" Tanong nito sa akin.

Hindi ko ito sinagot at napayuko nalang, ayaw kong maalala kong paano niya ako iniwan sa gitna ng ulan at hindi binigyan ng sagot.

"Malapit na pala ang time, tara na sabay na tayo." Sabi nito sa akin ng hindi ko sinagot ang tanong nito at nag lakad na kami.

Nakita ko si Noah na nasa loob na kaya tahimik na lamang akong umupo sa aking upuan, hindi ako maka pocus sa tinuturo ng aming guro, kaya minsan ay sinusulyapan ko si Noah. Gusto kong sabihin ulit sa kaniya ang nararamdaman ko, gusto kong marinig kung ano ang kaniyang sagot pero patuloy niya lang akong iniiwasan.

Mayamaya pa ay natapos na ang isa naming subject kaya isa isa naring nag sitayuan ang aming mga kaklase at nagsilabasan.

Nakita ko si Noah na dinampot ang kaniyang bag at lumabas kaya dali dali ko ring dinampot ang akin, mabilis ang aking lakad para sundan siya ngunit napahinto nalang ako bigla ng makita ko siya.

Nakayakap sa kaniya ang babae habang tumatawa at siya naman ay nakahawak sa biwang nito, mabilis akong umalis doon at nag iba ng direksyon, nararamdaman ko ang mga luhang nagbabadya ng lumabas.

Oo alam kong sandali ko lang siyang nakilala pero hindi ko maiwasang mahulog lalo na at ganoon ang kaniyang trato sa akin. Siguro love at first sight?... hindi ko alam.

Matagal pang mag simula ang aming pangalawang subject kaya naman ay lumabas muna ako at nag hanap ng malapit na cafe, madaming students ang nasa loob ng cafe na pinasukan ko, lalo't malapit lang ito sa university na pinapasukan at bukod pa doon ay maganda rin dito sa loob.

Nag order ako ng simpleng dessert lang na kaya kong ubusin. Mayamaya pa ay may pumasok na dalawang tao paglingon ko ay nagulat ako ng makita ko si Noah at Yuna.

Pumunta sila sa harapan at nag order rin, nilibot ni Noah ang kaniyang paningin para mag hanap ng mauupuan, kaya mabilis ko namang iniwas ang aking paningin sa kanila.

Nang maramdaman kong hindi na siya dito nakatingin ay tinignan ko ulit sila, umupo sila malapit sa akin kaya naman rinig ko ang kanilang usapan. Tumatawa lang ang babae habang nagsasalita si Noah at minsan rin ay tumatawa ito.

"Pupunta ka ba ng bahay mamaya?" Tanong ng
babae sa kaniya.

"Oo naman sabi ni tita bumalik raw ulit ako doon," Tugon ni Noah.

Hindi ko namalayang ubos na pala ang aking pagkain kaya naman ay tumayo na ako at lumabas, bumalik ako sa classroom namin at umupo. Ilang minuto narin at magsisimula na ang klase kaya ang ibang studyante ay pumasok na rin.

Nakita kong pumasok si Noah kaya sinulyapan ko ito.
Nakangiti siya ng pumasok pero nawala rin ito ng napatingin siya sa direksyon ko.

Yumuko nalang ako dahil sa malamig niyang titig.
Mayamaya pa ay pumasok na ang aming sub' teacher, medyo marami ang lessons namin ngayon kaya hindi gaanong boring at minsan din ay nag tatake notes ako dahil malapit narin ang aming exam. Si Noah naman hindi ko alam kong ano na ang nangyari doon sa history niya dahil absent siya.

"Okay class mag kakaroon tayo ng reporting madali lang naman ito. Ako na ang pipili kung sino ang ka partner niyo." Sabi ng aming guro.

Malapit ng matapos mag partner si ma'am kaya ang iba naming ka klase ay subrang saya ng ma partner sila sa matatalino namin classmate.

"Okay last Benson at Noah Clemonte" Sabi ng aming guro. Malakas ang tibok nang aking puso, hindi pa naman kami nag papansinan, siguro ito na ang chance na malaman ko kung ano ang sagot niya.

"Okay class dismiss." Sabi ng aming guro.

Ang iba naming ka klase ay kinakausap na ang kanilang partner, akmang lalapitan ko si Noah ng bigla itong tumayo at umalis ng walang paalam.

Bumagsak ang aking balikat, niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas na. Sa canteen ulit ako kumain dahil wala akong baon, paggpasok ko ay nakita ko si Noah na nakaupong mag isa kaya naman ay nilapitan ko ito.

"N-Noah?..." Tawag ko dito ngunit hindi ito sumagot.

"Sa p-park nalang t-tayo mag usap..." Sabi ko dito at umalis na sa kaniyang harapan, hindi naman siya nag sasalita e.

Nag order ako ng maliit na pagkain ulit dahil baka hindi ko maubos sayang naman kung itatapon, tahimik akong kumain at sumusulyap kay Noah, nakangiti ito habang nakaharap sa kaniyang cellphone.

Siguro si Yuna nanaman ang kausap niya, hindi ko alam bakit ako nag seselos e wala namang kami, pero ang swerte naman ng babae na iyon.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at bumili ng tubig dahil nakaramdam ako ng uhaw, tahimik akong bumalik sa classroom namin at umupo.

Tatlong subjects lang ang mayroon kami ngayon.
Dahil ang iba ay tapos na lahat sa lessons kaya nagpa-review nalang, pagkatapos ng subject namin ay kinuha ko ang cellphone ko at nag text kay Noah.

ROAN LEE BENSON:
Hihintayin kita sa Park.

Text ko dito, hindi naman siya nag reply kaya binalik ko nalang ulit sa bulsa ko ang cellphone ko at naglakad ako ng tahimik, hindi naman gaano kalayo ang park dito.

Nang may nakita ako nag titinda ng cotton candy ay bumili ako, bunny ang design nito subrang cute.
Dumidilim nanaman ang kalangitan ng tignan ko ito, umupo ako sa upuan at kinain muna ang aking binili.

2:30pm palang ng hapon kaya mahaba pa ang oras para mag usap kami ni Noah. Ilang minuto pa ang aking hinitay  hanggang sa  naabutan nalang ako ng 3:30pm, hindi parin siya sumulpot kaya naman akmang tatayo na ako ng makita ko silang dalawa ni Yuna na nag uusap habang nag hahagikhikan.

Yumuko nalang ako at umalis, napagpasyahan kong umuwi nalang muna at sa chat nalang kami mag usap dahil alam kong hindi niya pa gustong harapin ako dahil sa sinabi ko, pumara ako ng tricycle at sumakay pa uwi. Tamang tama naman pagdating ko sa bahay ay bumuhos ang malakas na ulan.

Napaigtad ako ng tumunog ang aking cellphone na agad kong sinagot.

"Oh ma?" Tanong ko dito.

"Anak kamusta na kayo ng lola mo? Raining season daw diyan mag iingat kayo ha... lalo na ikaw madali kapa namang lapitan ng sakit." Sabi nito sa akin.

"Opo ma" Tugon ko dito, ilang minuto din ang tinagal ng pag-uusap namin ng mag paalam na ito sa akin dahil magpapahinga na daw siya.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now