25

596 21 10
                                    

Naka upo ako sa isang upuan dito sa parke, tumingin ako sa langit at ngumiti ng malungkot. Miss ko na ang mama ko, sana andito siya ngayon.

Ilang araw narin ang lumipas ng mangyari iyong kasal ni Noah. Wala na akong balita sa kanila at hindi ko rin naman gustong malaman kung okay na ba sila ngayon.

Tinignan ko ang aking relo malapit ng mag aalas tres, kaya tumayo na ako at naglakad. Pansamantala akong nag tuturo ngayon sa mga grade 7 students sa university kung saan din ako nakapagtapos.

Habang naglalakad ako ay may biglang humintong sasakyan sa aking harapan. Napahinto ako sa paglalakad. Bumukas iyong pinto ng kotse at lumabas ang pamilyar na lalaki.

"Oi Roan" Bati sa akin ni Priam ng makababa ito.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin. "Hindi pa, sa bahay nalang ako mamaya kakain" sabi ko dito. "Uh gutom na ako e" Sabi nito sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya na parang nagtatanong. "W-wala akong kasamang kumain...kaya gusto sana kitang yayain...papayag ka ba?" Tanong nito sa akin.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang aking tiyan. Tumingin naman doon si Priam at natawa. "I guess it's a sign na samahan mo akong kumain" sabi nito habang nakangiti. Sa huli ay sumama parin ako sa kaniya.

Dinala niya ako sa isang kainan, nilibot ko ang paningin ko at halatang mamahalin talaga ang mga pagkain dito. "Nako Priam kaunti lang ang dala kong pera dito" Nahihiya kong sabi sa kaniya. "No, it's okay my treat" Sabi nito at hinawakan ang aking kamay at dinala ako sa mesa kung saan kami uupo.

Ng makuha na ng waiter ang aming order ay tahimik naman kami ni Priam. "May pasok ka bukas?" Biglang tanong nito sa akin. "Oo" sagot ko dito.
"Hatid na kita, tamang tama at dadaan rin naman ako sa inyo" Sabi nito sa akin. Hindi na ako tumanggi para naman makatipid sa pamasahe.

Pagkatapos namin doon ay lumabas na kami. Napahimas naman ako sa aking tiyan. Nabusog talaga ako doon kahit mahal. "Salamat pala Priam" Sabi ko dito. "Wala iyon sa susunod naman" Sabi nito. Tumango naman ako. "Mauuna na pala ako dahil dumidilim na ang paligid baka hinahanap na ako ni lola" Sabi ko dito. "Sabay nalang tayo, ihahatid na kita dilikado pa naman sa daan" ani nito sa akin.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse habang binabaybay ang daan. "Nga pala kamusta na si lola?" Tanong nito sa akin. "Okay lang naman" kaswal na sagot ko. Ng makarating kami ay nakita ko si lola sa labas. Bumaba na ako sa kotse ganoon din si Priam. "Salam–" hindi ko natapos ng marinig ko ang boses ni lola sa likod ko. "Oh apo sino yan?" Tanong nito sa akin. Humarap naman ako dito. "Kaibigan ko po la".

"Aba tamang tama at may niluto ako roon, kumain ka muna iho" Sabi ni lola sa kaniya. Akala ko ay tatangihan niya ngunit nagkamali ako. Sumunod siya kay lola at bumaling sa akin at kinindatan ako.

Sumunod naman kaagad ako sa kanila. "Ang sarap naman po nito" Sabi ni Priam sa luto ni lola. Parang hindi pa siya nabusog kanina sa kinain namin o baka pinipilit niya lang. Umabot ng isang oras doon si Priam at ng mapansin niyang madilim na sa labas ay napagpasyahan niya nang umuwi.

"Salamat po sa luto la, Roan mauuna na ako hintayin mo nalang ako bukas" sabi nito habang nakangiti. "Iho mag iingat ka sa pag-uwi" Paalala dito ni Lola.
"Apo saan na iyong Noah? Hindi na siya  pumupunta dito a" Tanong ni lola sa akin. "Bus–" Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ni lola. "Sino nanaman itong tumatawag, anong oras na" Sabi ni lola at umalis sa harap ko. Napabuntong hininga naman ako.

Nauna na akong pumasok sa kwarto at naligo at nag ayos ng sarili. Tinapon ko ang sarili ko sa kama. Subrang pagod ko talaga ngayong araw. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng unan ko at in-off ang alarm.
Bumangon ako sa kama at nag unat ng aking kamay.
Naligo ako at nag ayos. Pagkatapos non ay kumain narin ako. "Mauuna na po ako la" sigaw ko dito dahil hindi ko siya mahanap sa kusina. "Mag iingat ka!" Sigaw naman ni lola sa likod ng bahay. Nagulat ako ng paglabas ko ay nakasandal si Priam sa kaniyang sasakyan at hinihintay ako.

"Ang aga mo naman" Sabi ko dito. Ngumiti naman siya. "Kain muna tayo, hindi pa ako kumakain e" sabi nito sa akin. Pumasok kami sa isang kainan. Nag order lang ako ng makakaya kong kakainin dahil kakatapos ko lang din namang kumain.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabooan ng kainan. Subrang ganda dito may pagka vintage ang style. Habang nililibot ko ang paningin ko ay hindi ko sadyang napatingin sa isang lalaki na nakatingin rin sa akin. Parang tumigil ang paligid ng nagkatinginan kaming dalawa.

"Hey babe!" Tawag ng babae dito. Kaya umiwas ang tingin nito sa akin at binalingan ang kasama.
"Busog narin sa wakas" Sabi naman ni Priam kaya na alis ang atensyon ko sa kanilang dalawa.

Tumayo na si Priam pagkatapos naming mag bayad.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan ng bigla siyang nag salita. "Kanina kapa nagbubuntong hininga may problema ba?" Tanong nito sa akin. "Wala may nakita lang ako" Sabi ko dito. Hindi naman siya nag tanong muli hanggang sa makarating kami sa paaralan.

"Salamat sa paghatid Priam" Sabi ko dito ng sinamahan niya pa ako hanggang sa classroom na pagtuturuan ko. "Hala teacher boyfriend niyo po ha iyan?" Tanong ng isa kong studyante. Natawa naman si Priam doon. "Hindi Janel, kaibigan ko lang siya" sabi ko dito at ngumiti, hinimas ko rin ang buhok ng bata na nakatingin parin kay Priam.

"Mauuna na ako" Paalam nito sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at pumasok na sa silid. "Good morning teacher Roan" bati sa akin ng mga students ko.

____

VOTE~COMMENT~FOLLOW

-Hi lutang ako ngayon, kakatapos lang ng exam namin huhu

Turning The PageWhere stories live. Discover now