Chapter 4

733 20 0
                                    

ROAN POV:

Lumipas ang isang araw at magsisimula na ang event mamayang hapon 3pm at matatapos ng 11pm ng gabi. Mahaba ang tulog ko ngayon dahil sabi ni lola mag pahinga muna daw ako. Nagising ako ng 12pm kaya lumabas ako ng kwarto ko, mabuti nalang at may lutong pagkain na si lola.

Habang kumakain ako napadaan si lola sa aking harapan galing sa likod ng aming bakuran.

"Apo may pupuntahan ako mamaya ikaw nalang muna mag asikaso ng sarili mo dito, mag-iingat ka mamaya..." Sabi ni lola at lumapit sa akin saka ako niyakap.

"Opo ikaw rin po la..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Umalis si lola at pumasok na sa kaniyang kwarto kaya ako nalang ang naiwan. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ito at hinugasan. Pagkatapos no'n ay nag walis na ako sa labas at diniligan ang mga halaman ni lola. Habang nag mumuni muni ako tumawag sa akin ang pamiliar na boses. Si Noah.

"Oi Roan sabay tayong pupunta mamaya ha..." Naka ngiti nitong sabi at tinanguan ko naman.

"Oh ito pala pagkain binili ko kanina doon sa nadaanan kong kainan baka ma gustuhan mo." At binigay niya sa akin ang isang supot. Namula ako dahil sa kaniyang ginawa.

"Oh ba't namumula ka? Hindi naman mainit ah." kunot noo niyang tanong sa akin.

"A-ah wala to..." Nahihiya kong sagot.

"S-salamat nalang dito." Nauutal kong sabi at umalis na sa kaniyang harapan. Ang lakas ng tibok nang aking puso.

Hindi ko namalayan ang oras at malapit na pala mag 2pm kaya naman pumasok ako sa aking kwarto at umidlip muna ng saglit upang mayroong lakas mamaya.

Nagising ako sa ingay sa sala nila lola kaya napabalikwas ako tinignan ko ang oras at 2:30 na kaya naman ay nataranta na ako.

Lumabas ako nang aking kwarto bitbit ang aking towel at pumunta sa paliguan. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin si Noah.

NOAH POV:

Kumatok ako sa pinto nila Roan ng makarating ako sa kanila. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang lola ni Roan.

"Ay magandang hapon po." Nakangiti kong bati at nagmano.

"Magandang hapon din iho, anong sadya mo dito?" Tanong ng lola ni Roan.

"Ah si Roan po?"

"Ay nako natutulog pa iyon, kong gusto mo hintayin mo nalang muna siya." Sumang-ayon ako sa lola ni Roan at sumunod na dito.

Nag-usap kami tungkol kay Roan kong gaano daw ito ka kulit noon at iba pa. Ilang sandali palang ay lumabas si Roan sa isang mga pinto. Bagong gising yata. Ang cute niya.

ROAN POV:

Nagmamadali akong mag bihis ng aking susuotin at inayos ang aking buhok. Pagkatapos ko ay lumabas na ako. Nagulat ako nang nakita kong nakatayo si Noah sa may pintuan.

"Ano? Tara na?" Tanong nya.

Malakas na kumabog ang aking puso at nagsisimulang uminit nanaman ang aking mukha. Ang gwapo niya ngayon. Lumapit ako sa kanya.

"Ang gwapo mo ngayon..." Mahinang sambit ko sa kaniya.

"Ano?" Tanong nito.

"Ah... wala tara na." Sabi ko dito.

"Oh apo mag-iingat kayo ha, Noah ang apo ko." Paalala ni lola na mas lalong ikinainit ng aking mukha.

"Opo" Nakangiti namang tugon ni Noah.

Nang may dumaan na tricycle ay agad na kaming pumara ni Noah. Pagdating namin doon ay saktong madami na ang mga studyanteng galing sa ibat ibang faculty.

"Oyy broo..." Bati ng isang lalaki kay Noah at niyakap ito.

"Matagal ka nang hindi nag pakita sa amin ah..." Sabi nito sabay tawa. Tunulak naman ito ng mahina ni Noah.

"Ayoko lang makita ang pangit niyong pagmumuka." Sabi nito at parang hindi makapaniwala.

Binigyan ko siya ng sign na doon lang ako sa gilid at tumango naman siya. Habang tinitignan ko siya sa malayo ay kitang kita ko ang kaniyang ka gwapuhan.
Napaisip akong muli kong alam niya bang bakla ako.

Sumulyap si Noah sa akin at iniwas ko naman ang tingin ko dito. Nagulat ako nang lumapit ito sa akin at kinuha ang aking kamay. Pumunta kami sa gitna kung saan may mga taong sumasayaw.

Niyaya niya akong sumayaw at mayroong dalawang babaeng lumapit sa amin. Habang sumasayaw kami ay sa kaniya lang naka tuon ang aking atensyon. Nakangiti siya habang sinasayaw ang babae.

Matapos nang ilang sandali ay nagyaya siyang uminom nanaman daw kaya umuo nalang ako. Ramdam ko ang kaniyang kalasingan habang nakaupo kami sa mataas na upuan. Ilang sandali pa ay lumapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.

Malakas ang tibok nang aking puso ng papalapit na ang kaniyang mukha. Pumikit ako at hinintay ang susunod niyang gagawin. Pero ilang sandali pa ay binuka ko ang aking mata at nakita kong nakasandal na siya sa lamesa at nakatulog.

Kunti lang ang aking ininom dahil mababa lang ang alcohol tolerance ko at ayaw kong mag alala si lola.
Ginising ko si Noah ngunit ayaw nitong imulat ang mga mata.

"Oi Noah tayo ka na diyan, subrang bigat mo." Saad ko dito pero umugong lamang ito saka tumawa.

Ilang sandali ko pang pagkumbinsi ditong umuwi ay tumayo naman ito. Akbay ko siya palabas ng university at pumara ako ng tricycle, mayroon pa namang mga dumadaan dahil madami ang estudyante.

Binayaran ko si manong nang makababa na kami. Nakaakbay siya sa akin habang kami ay nag lalakad. Nabigla ako nang huminto siya. Ilang sandali pa ay humarap siya sa akin at hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ako. Napasinghap ako dahil sa gulat. Ramdam ko ang pamumula nang aking pisngi.

Pumasok kami sa bahay ni lola. Inasikaso ko siya sa sofa bago ako pumasok sa aking kwarto. Hindi ko na ginising pa si lola dahil baka masarap na ang kanyang tulog.

Naglinis ako nang aking katawan bago nahiga sa aking kama. Hindi ako makatulog dahil sa ginawa nyang pag halik sa akin. Malakas ang tibok nang aking puso sa inisip. Nahuhulog na siguro ako sa kanya.

Hindi ko namalayan ang oras na lagpas alas dose na kaya pinilit kong matulog.

Paggising ko ay agad akong lumabas nang aking kwarto para tignan si Noah doon pero bumigat yata ang pakiramdam ko nang makita ko siyang wala doon.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now