Chapter 13

528 27 3
                                    

ROAN POV:

Naiilang na ako dahil sa paraang pagtitig ni Noah sa akin, malapit ng mag 8 o'clock kaya naman nag uumpisa ng mag simula ang event, habang nakikinig kami ay tahimik namang kumukuha ng pagkain si Priam kaya natawa nalang ako, patay gutom nga naman.

Mayroon silang pinipiling magaganda ang mga suot at tintawag ang pangalan para papuntahin sa harap at kuhunan ng picture.

"Ayon 'yong sa table 5, 'yong naka red na babae," Turo ng mc sa harap, mayroong numbers ang tables ng bawat isa para madali lang hanapin.

"Oi, si Alcantara pala 'yan bro," Sabi ng isang kaibigan ni Noah kaya naman napabaling ang tingin ko sa babaeng tinawag, ang ganda niya sa suot niyang dress na kulay pula bagay sa maputi niyang kutis.

"Table number..." Naghahanap pa ng isa 'yong mc at habang nililibot nito ang paningin ay dumapo ito sa table namin.

"Number 9, 'yong naka Green ang suit," Sabi nito, tumayo si Noah at lumapit doon.

"Wow naks, may remembrance na si Noah kay Alcantara," Sabi ng isa niyang kaibigan.

"Ikaw ba naman makapag picture kasama ang isa sa mga hot na babae dito sa university," Natatawang sabi naman ng isa.

Pagkatapos nila doon ay bumalik na siya sa table namin, dito parin nakatingin ang mc kaya nagulat ako ng tawagin nito ako at si Priam.

"Ikaw at 'yong katabi mo," Sabi nito pero lutang yata kami kaya siya na ang lumapit sa amin at kinaladkad kaming dalawa ni Priam sa harap

Natatawa nalang ako habang tumabi kay Priam na naka ngisi din, nagulat ako ng umakbay ito sa akin at ngumiti habang nakatingin sa camera, ngumiti narin ako, nag popose pa kami doon kaya medyo natagalan, habang nag lalakad pa balik ay tumingin ako kay Noah at nakita ang galit nitong expresyon.

Umupo kami ulit at tumingin sa harap habang tumatawag parin ang mc, nakita sa gilid ng mga mata kong nakatingin lang sa akin si Noah, tumayo ako at sinabi kay Priam na pupunta lang ako ng cr kaya tumango naman siya, habang naglalakad ay nakita ko ang ibang students na tumatambay sa labas, nag papahangin siguro dahil medyo mainit na din sa loob.

Pumasok ako ng cr at pumasok sa isang cubicle, pagkatapos ko ay lumabas na ako at nag hugas ng kamay, nagulat ako ng makita si Noah na nandoon at nag huhugas rin ng kamay.

"Ang gwapo mo kanina," Biglaang sabi nito habang pinapatuyo ko ang aking kamay, tahimik lang ako at hindi nag salita.

Nang lumapit siya sa akin ay umatras naman ako, nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at tinutok ang camera ng cellphone niya sa aming dalawa, tumingin siya sa akin at nakakunot naman ang aking noo.

"Ngumiti ka naman, kanina no'ng kasama mo si Priam ngiting ngiti ka tapos sa akin hindi." Sabi nito na para bang nasasaktan.

Hindi ko ito sinagot at bumaling ulit sa camera at ngumiti nalang, marami ang kinuha niyang mga litrato.

"Okay na ba?" Tanong ko dito kaya naman tumango siya, lalabas na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila pa balik doon sa gym.

Lumakas ang tibok ng aking puso na para bang may kuryenteng dumaloy doon, naramdaman ko ding uminit ang aking mukha, mabuti nalang at gabi ngayon kaya hindi halata na namumula ako, bumalik kami doon sa table namin at nagulat ako ng tumabi ito ng upo sa akin.

"Ang tagal niyo naman," Sabi ng isa niyang kaibigan.

"Ay hindi pa pala natin siya kilala... sorry bro hindi namin kayo napansin kanina," Sabi naman ng isa sa mga kaibigan niya.

"Ako pala si Jullian," Sabi ng medyo madaldal na lalaki kanina.

"Erik." Sabay abot ng kamay ko.

"June." Sabi ng isa at ngumiti ng makipag kamay na sa akin.

Nagpakilala lang sila sa akin at ganoon din ang ginawa ko, walo kaming nandoon sa table kaya pagkatapos ng mc doon ay hinayaan na nila ang students na makipag usap sa mga kasama nito sa table, pwede narin mag simulang kumain.

Habang naka play ang sanctuary ni Joji ay kumakain naman kami, paminsan minsan ay nilalagyan ni Noah ng pagkain ang pinggan ko at minsan naman ang pagkain ko ay kinukuha niya at kinakain, naiiling nalang ako dahil sa ginagawa niya, may pagkain naman siyang para sa kaniya, gagalawin talaga 'yong akin.

"Kanina ka pa, may pagkain ka naman diyan," Sabi ko dito na nakakunot ang noo.

"Ehh... masarap 'yong sayo e," Sabi nito at patuloy parin sa pagkain ng akin.

"Tangi, parehas lang naman 'yong mga pagkain," Sabi ko dito at hinayaan nalang ayaw paawat e.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami, nag sisimula naman 'yong sugar ng maroon 5 na kanta kaya ang ibang students ay nasa dance floor na at sumasayaw.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Priam papunta doon, pumasok kami sa madagat na tao at nagsimula siyang sumayaw kaya natawa ako.

"Tara sayaw," Sabi niya sakin at kumindat pa, pagtingin ko sa table namin ay tumayo narin ang mga kasama namin at sumali, nag hiyawan ang mga students.

"So good!" Hiyaw nila at ang iba ay tumatalon talon pa habang nag vivibe sa music.

Nadala narin ako at sumayaw nadin, bumaling ako sa table namin at nakitang nakangiti si Noah habang pinapanood ako, uminit naman ang aking mukha dahil do'n at iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

Biglang namatay ang ilaw na umiikot sa amin at mas lalong dumilim ang paligid kaya biglang tumahimik ang lahat, mayamaya pa ay nagsimulang mag play ang after hours ng the weeknd kaya dahan dahan ding bumalik 'yong ilaw pati narin yong lights na umiikot.

Pagtingin ko sa table namin ay hindi ko na makita si Noah, habang ang ibang students ay nagsisimula nanaman sumayaw ng marahan, habang ako ay nililibot ang paningin para hanapin si Noah, nagulat ako ng bigla itong sumulpot sa harap ko at tumawa, nagpatuloy kaming sumayaw at hindi ko nalamang siya pinansin, nang malapit ng matapos ang kanta ay sinabayan ng lahat ang chorus nito.

"'Cause house is not a home without my baby!"
Sigaw nila habang sinasabayan ang kanta at sumigaw naman si Noah kasabay sa kanila.

"Gusto kita!" Sigaw nito na hindi ko masiyadong marinig, ang narinig ko lang ay kita.

Kumunot ang noo ko.

"Ano!"

"Gusto kita!" Ulit nito pero dahil sa ingay hindi ko siya marinig.

"This time I won't break your heart... no!" Sigaw nilang lahat kaya hindi ko na marinig si Noah.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now