23

557 18 5
                                    

Maaga akong nagising. Umupo ako sa kama ko at ginusot ang aking mga mata. Nakita ko namang nakaayos na si Erik sa pangligo nito habang si Priam ay tulog na tulog parin.

"Hays iba talaga pag mayamang anak. Alas dose na nagigising." Natatawang sabi ni Erik kaya naman napatawa din ako.

"Tara Ro sabay na tayong lumabas para mag kape. Hayaan mo nalang muna diyan si Priam magigising din yan mamaya." Sabi nito sa akin kaya tumango naman ako. Nag ayos na ako at nag mugmog bago sumunod sa kaniya. Pagdating namin doon sa cottage na may nakasabit na tarpapel na nakalagay na number 3 ay lumapit na kami doon. Nakaupo na ang iba naming kasamahan at umiinom ng kape ang iba naman ay kumakain na.

"Excited nako sa mga activities natin mamaya" Narinig kong sabi ng isang babae. Nag timpla naman ako ng kape ko. Ganoon din ang ginawa ni Erik. Tahimik kaming umupo sa gilid at pinagmamasdan ang tanawin sa harap namin. Nag tatawanan ang ibang mga kasama namin dito habang kami ay tahimik lang sa gilid.

Mayamaya pa ay ang iba ay niyaya kami para sa group photo. "Tara sali kayo dalii" Katamtamang sigaw sa amin ng beki dito. Lumapit naman kaming lahat na nasa cottage 3. May sasali sanang taga number 1 dito kaso.

"Doon ka sis wag dito. Number 3 lang dito" Sabi nito sa isang binabae din. Natawa naman kami. "Sis f.o ha shuta ka" Sabi nito at inirapan ang bestfriend niya f.o daw kasi e. Umalis naman ito kaya ang iba ay nagtawanan parin.

Nakakuha na kami ng dalawa shoots ng biglang tumakbo papalapit si Priam sa amin. "Hindi niyo man lang ako hinintay" Sabi nito magulo din ang buhok nito halatang kakagising palang. Natawa naman ang iba pati nadin ako.

Tumabi ito sa akin kaya nag sigawan ang iba. "Ayieee" Sabi nila sa amin habang tumitili ng mahina. Bumaling naman ako kay Priam at nakitang nakangiti itong nakatingin sa akin. "Ulol" sabi ko dito at umirap. "Booo" Sabi naman ng iba kaya napakamot nalang si Priam sa kaniyang batok. Umiling nalang ako.

"OKAYY GUYSS HALI NA KAYO DAHIL MAG SISIMULA NA ANG ATING MGA ACTIVITIES NGAYONG ARAW!" Sabi sa amin ng isang Professor. "BAGO TAYO MAG SISIMULA AY SUSUOTIN NIYO MUNA ITO PARA MAKITA AT MABILIS NA MALAMANG GROUP 3 TAYO!" Sigaw ng nasa harap namin Professor. Iba iba ang humahandle sa bawat groupo. Binigyan nito kami ng kulay yellow na t-shirt. Naghubad naman ang iba at sinuot ito habang ang mga babae ay pumunta ng cr para mag bihis. Tumungo narin ako sa panglalaki at nagbihis.

Nagtipon tipon kaming mga group 3 at iba ding mga groupo. "Okay ang una nating gagawin ay pumili kayo ng limang representative niyo sa inyong groupo para sa karerang bangka!" Sabi ng instructor. Naghiyawan naman ang iba. Sumali kaagad sila Priam at Erik para sa groupo namin. Lumapit naman sa kanila ang tatlong lalaki na halatang malakas din pagdating sa ganoon.

Nagtilian ang mga babae mapa lalaki man. Sumakay na sila sa bawat bangka. "Ang unang makaabot doon sa linya at ang unang makabalik dito ay siyang mananalo sa round 1." Sabi ng instructor. Naghanda naman silang lahat. Bumaling si Priam sa akin at ngumiti na ikinagulat ko.

Pumito ang instructor at nagsimula na silang bumalsa. Puno ng sigawan at hiyaan ang nagyayare dito ngayon. Sa ngayon ay nangunguna ang group 5 pangalawa naman ang aming groupo. Pangatlo ang 1  pang apat ang 4 at last naman ang group 2.

Naghiyawan ang aming groupo ng maunahan nila ang 5. Pumito ang instructor at kami ang nanalo. Tumalon talon ang iba naming kasama dahil sa tuwa.

"Okay nanalo ang Group 3, para naman sa ating pangalawang round ay ang banana boat. Kung sino ang matitirang banana boat na walang nahuhulog na ka samahan ang siyang mananalo!" Sabi ng instructor.

Hinila naman ako ng iba naming ka klase kaya nagpatianod nalang ako. Para may ambag rin naman nakakahiya naman. Sampo kaming nakasakay sa banana boat. Naghiyawan ang aming mga kasama at ganoon rin ang ibang groupo.

"Goo Roan!" Sigaw sa akin ni Priam kaya naman iniwas ko nalang ang tingin ko. Hindi ko alam bakit ginagawa niya iyon.

Pumito na ang instructor at nagsimula na malakas ang tibok ng aking puso at medyo kinakabahan. Humigpit ang hawak ko sa harap ng bigla na kaming hinila. Sumisigaw naman ang iba kong mga kasamang babae kaya natatawa nalang ako.

Ang group 5 ay natalo na ganoon din ang group 2. Pagliko ng amin ay biglang nahulog ang babaeng nasa likod ko. Nakahawak ito sa akin kaya naman nahila ako at ganoon din ang hinahawakan ko.

Nahulog kaming tatlo sa tubig. "Wala na ang group 3, ang natitira nalang ngayon ay ang group 4 at 1 sino kaya ang mananalo!" Sabi ng professor, ang iba ay naghihiyawan na at ang iba naman ay natatawa dahil sa nangyayare. Kumukuha din ang iba ng mga litrato at video.

Nangmakabalik kami sa dalampasigan ay subrang basa na naming lahat. Nagulat naman ako ng bigyan ako ni Priam ng towel na kinuha ko naman. Ramdam ko narin kasi ang ginaw. "At yon! Nanalo ang Group 1!" Sigaw ng instructor. Naghiyawan silang ulit.

Nagpatuloy lang ang laro hanggang round 10. Hindi na ako sumali sa kanila at nanood na lamang. Hawak ko parin ang towel kaninang binigay ni Priam. Hindi na muna ako nag bihis at pinanood nalang ang laro nila hanggang sa matapos. Hapon narin iyon ng matapos.

"Okay group 1-2 wins, group 2- 1 wins, group 3- 3 wins, group 4-1 wins, at group 5-3 wins, okay mayroon tayong dalawang groupong panalo congrats sa inyong lahat. At salamat dahil nag participate kayong lahat para sa ating activities." Sabi ng instructor. Isa isa naman kaming bumalik sa aming kwarto at nagbihis dahil nakaramdam narin sila ng ginaw. Na sabi naman sa amin ng instructor kanina na lahat naman daw kami makakatanggap ng primyo.

Ang iba naming kasamahan ay nasa cottage habang nagluluto para mamaya. Ang iba naman ay naliligo parin at ang iba ay nag hahabulan. Papalubog narin ang araw kaya naman ay lumabas ako sa aming room at pumunta doon sa buhangin at umupo.

Tinatanaw ko ang paglubog ng araw habang inaalala ang ginawa namin noon ni Noah na sabay pinanood ang sunset. Hindi ko maiwasang tanungin kung nasaan na siya ngayon at hindi na nagpaparamdam sa akin. Pinapanood ko parin ito habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin habang napapapikit.

Naramdaman ko namang may lumagay ng jacket sa likod ko kaya napabaling ako dito. Si Priam. "Giginawin ka niyan Ro" Sabi nito habang nakangiti at umupo narin sa buhangin katabi ko.

____

VOTE~COMMENT~FOLLOW

-Biting update nanaman tayo nito haha. Siningit ko nalang muna sa script. Malapit na roleplay namin guysiee wish us luck.

Turning The PageWhere stories live. Discover now