Chapter 19

428 18 0
                                    

ROAN POV:

Gumising ako ng maaga dahil naalala kong ngayon na pala ang exam namin, pagkatapos kong mag linis ng katawan at mag handa ay lumabas na ako sa aking kwarto.

"La?" Tawag ko pero walang sumagot, wala din akong naabutang nagluluto sa kusino kaya naman nangunot ang noo ko, lumapit ako sa pinto ng kaniyang kwarto at kumatok.

"La?" Tawag ko ulit sabay bukas, nagulat pa ako ng hindi ito naka lock, nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ni lola pero wala parin itong bakas niya, tinignan ko ang oras at malapit na ang time, binaliwala ko nalang iyon at kumuha nalang ng tinapay at maiinom sa refrigerator, hindi na ako nag abalang mag luto dahil mahuhuli na ako sa klase.

"Okay thank you, congrats in advance nalang sa mga makakapasa, good bye class," Sabi ng teacher na tinugunan naman namin, tatawagin ko sana si Noah ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Apo..." Tawag sa akin ni lola.

"Po la? hindi ko po kayo nakita kahapon at kanina sa bahay... saan kayo?" Tanong ko dito.

"Apo umuwi ka muna dito, bumalik ang sakit ng mama mo, andito ako ngayon sa hospital..." Sabi ni lola, randam ko ang pag-aalala sa boses nito.

Nag usap kami tungkol kay mama dahil 50/50 na raw ang buhay nito, habang inaayos ko ang mga gamit ko ay hindi ko maiwasang tumulo ang aking mga luha, habang naglalakad ay pinupunasan ko ito.

Ayaw ko pang mawala si mama, siya ang tumayong ama at ina hanggang sa paglaki ko, sana lumaban siya.

Napagpasyahan kong pupunta ako mamayang hapon doon dahil tapos naman ang exam namin, magpapaalam lang ako kay Noah at baka... baka samahan niya ako...

Naglakad na ako palabas ng school para pumunta sa bahay nila Noah ng bigla nanamang may bumunggo sa akin.

"Ano b—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Priam na nakangiti.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Uuwi ako sa amin." Walang gana kong tugon sa kaniya.

"Ngayon na agad agad?" Tanong nito ulit.

"Oo... wala ka nabang ibang sasabihin? may pupuntahan pa ako."Sabi ko dito.

"Ah, wala na hehe... mag-iingat ka," Sabi nito at umalis naman agad.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumara ng tricycle.

"Ito po manong salamat po," Sabi ko sa driver sabay abot ng aking bayad, kumatok ako sa gate nila Noah.

"Ay iho... pasok," Sabi ng ina ni Noah habang binubuksan ang gate.

"Ay salamat nalang po... tatanungin ko lang sana kung nasaan si Noah?" Tanong ko dito.

"Ay nako hindi parin 'yon nakauwi, kagabi hindi din umuwi sa bahay," Sagot nito sa akin.

"Ah ganon po ba... sige po pakisabi nalang po na tawagan niya ako kung nakauwi na siya, salamat po mauuna na ako." Mahabang linya kong sabi dito at umalis na.

Bago ako pumunta ng terminal ay umuwi pa ako sa bahay ni lola para kumuha ng pansamantala kong damit na susuutin doon, pagkatapos ko ay pumara na ako ng tricycle at dumiretso na sa terminal ng bus, dumidilim nanaman ang kalangitan hudyat na uulan ito.

Hindi pa nakaabot ng 30 minutes ng biglang bumuhos ang ulan, dahan dahan naman ang pagmaniho ng bus dahil sa madulas na daan, nakatingin lang ako sa bintana habang dinaramdam ang lamig at nakatingin sa bintana habang pumapatak ang ulan.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko, si mama ba o si Noah, matagal ng hindi nag paramdam si Noah sa akin, pero... may tiwala naman ako sa kaniya na wala siyang gagawing iba.

Pagdating ko doon sa terminal ng bus ay bumaba na ako, malakas parin ang buhos ng ulan, mabuti nalang at hindi ko nakalimutang dalhin ang payong ko, pumara ako ng tricycle na masasakyan papuntang hospital kung saan naka confined si mama.

"Ah excuse me po, saan po ang room ni Roselyn Benson?" Tanong ko sa nurse na nasa harapan ko ngayon.

"Nasa 2nd floor po, room 19," Sagot nito sa akin.

"Thank you po," Tugon ko dito at umalis na.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si lola na nakaupo sa gilid ni mama habang pinagmamasdan ito, pumasok naman ako sa loob ng dahan dahan at nakita kong nakahiga si mama sa hospital bed habang nakapikit ang mga mata, wala naring buhok si mama hindi katulad noong nagbakasyon kami noong 3rd year pa ako.

Nang maramdaman ni lola ang presensya ko ay tumingin naman ito sa akin at ngumiti, tumayo siya at lumapit sa akin at binigyan ako ng yakap, hindi ko maiwasang mapaluha sa mga bisig ni lola, hindi ko kayang nakikitang nahihirapan si mama, ayaw ko ng ganito, akala ko ba lalaban siya para sa akin.

Alam ko namang nakakasama na sa kaniya ang pagtatrabaho pero hindi ko iyon inisip dahil ang sabi niya ay kaya niya... para sa akin. Para sa amin ni lola.

Pagkatapos kong umiyak ay umupo ako sa upuang nasa tabi ng higaan ni mama, tinignan ko ang kalagayan niya ngayon, subrang payat niya na parang hindi mo na siya makikilala dahil sa sitwasyon niya ngayon.

"Apo lalabas lang ako para bumili ng prutas at pagkain para naman may laman iyang tiyan mo." Sabi ni lola, tumango naman ako at tinignan ang oras 6 pm na pala, paglabas ni lola ay tinignan ko ulit si mama.

Naalala ko nanaman ang sinabi ni lola na 50/50 nalang ang buhay niya.

"Ma... lumaban ka ma..." basag na boses kong sabi sa kaniya kahit alam kong hindi niya parin ito maririnig. "Ma... 'wag mo akong iiwan mama ha..." Dagdag ko habang tumulo parin ang mga luha ko, hinaplos ko naman ang pisngi nito.

Pinisil ko ang kamay niya.

"Ikaw nalang ang tumatayong ama at ina ko... hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka ma... hindi ko kaya... ma gumusing ka na please... ako na ang mag-aalaga sa iyo... ma..." Humihikbi kong sabi dito.

"Ma babawi pa ako sa iyo..." Dagdag ko habang hindi parin nauubos sa pag agos ang luha ko sa aking pisngi.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now