Chapter 20

483 17 2
                                    

ROAN POV:

Paggising ko ay ramdam ko ang pananakit ng aking mga mata, mugto pa ito dahil sa kakaiyak ko kagabi. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si lola ng makita ko ito sa may mesa na hinihiwa ang mansanas.

Nang maramdaman niyang tumingin ako sa kaniya ay bumaling ito sa akin.

"Okay kana ba apo?" Tanong nito sa akin at hininto muna ang ginagawa.

"Medyo po la," Sabi ko dito at ngumiti ng hindi abot sa tenga.

"Kumain ka muna dito, alam kung gutom ka dahil sa kakaiyak mo kagabi." Sabi nito at tumango naman ako at umupo sa kaharap nitong upuan, may ulam na din doon at kanin.

Habang kumakain ay tinitignan ko si mama, hindi parin siya nagigising, pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin ni lola.

"Magpahinga ka muna apo," Sabi nito sa akin.

Tumango akong ulit sa kaniya at umupo din siya sa tabi ni mama at pinagmamasdan ito, tahimik lang kami sa loob ng kwarto.

Hindi ko namalayang naka idlip na pala ako. Pag-gising ko ay nakita ko sa may sofa si lola na tulog parin. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 5:30 am na, pag-ganitong oras gising na si lola pero ngayon hindi parin, dala narin siguro sa pagod na walang tulog kapag gabi. Panglimang araw ko na dito sa hospital at binabantayan ang kalagayan ni mama, wala paring signs na ma gigising siya, bumuntong hininga nalang ako at tinignan ulit si mama.

"Ma... gising na please, ayaw mo dibang nag aalala ang anak mo?" Sabi ko dito habang bumibigat nanaman ang aking mga mata, naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa aking mata kaya naman ay pinunasan ko ito.

Habang nakatingin sa kaniya at tulala parin, nabaling ang tingin ko sa kamay niyang gumalaw, dali dali naman akong lumapit dito at hinawakan ito.

"Ma!" Tawag ko dito ngunit walang sumagot, naramdaman ko naman ang pag bangon ni lola. "La gumalaw... si mama gumalaw ang kamay niya..." Naluluha kong sabi kay lola habang may mga ngiti sa labi.

Tumawag naman kami ng Doctor para e check yon.

"Ma'am Reca... gumalaw lang po iyong kamay niya dahil po ang kaniyang katawan ay sinisiguradong buhay pa ito." Sabi naman ng Doctor kay lola.

"So it means po buhay pa si mama?... I mean may chance pa siyang mabuhay?" Tanong ko sa Doctor.

"Hindi naman sa gano'n iho... we're still checking her condition kung may chance pa ba, in other term inuobserbahan pa namin." Sabi nito sanhi ng pagbaba ng balikat ko, bumuntong hininga ako at tumingin ulit kay mama.

"So ayon lang, mauuna po muna kami, ma'am, iho" Sabi ng Doctor at tumalikod na.

"La... uuwi po muna ako siguro sa bahay, babalik din naman ako." Sabi ko dito.

"Oh sige mag-iingat ka," Paalala nito sa akin at niyakap na ako bago ako umalis, pagdating ko doon sa Cebu ay madilim na ang kalangitan, tinawagan ko naman si Priam.

"Oh napatawag ka Ro? may problema ba?" Agarang tanong nito sa akin.

"Alam mo ba kung nasaan si Noah?" Tanong ko dito.

"Ahh nasa bar siya Ro," Sabi nito sa akin.

Sinabi naman nito sa akin kung saang bar.

Dali dali akong pumunta doon, pagpasok ko sa loob ay subrang dami ng tao, subrang ingay at ang mga lights na umiikot ay nakakahilo.

Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang table, nakita ko doon si Noah habang nakakandong sa kaniya ang isang babae, nandidiri akong tinignan sila, hindi ko na hinintay pang tumingin sa akin si Noah at lumapit na ako dito.

"Noah." Tawag ko dito at agad namang napalingon siya at ang babae sa akin.

"A-ano 'to?" Nautal kong tanong sa kaniya, tumayo naman siya at hinila ako palabas ng bar.

"Huwag na huwag mo akong ipapahiya Roan." Nagpipigil ang boses nito sa galit.

"B-bakit?... may m-mali ba akong ginawa?" Tanong ko dito habang basag na ang boses.

"What am I to you huh?... a lover or a toy?" Tanong ko dito at nag simula ng pumatak ang mga luha ko.
Nakatingin lang ito sa akin at walang imik.

"Ano Noah sagutin mo ako!" Sigaw ko dito dahil hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko.

"Hindi ka babae Roan!" Galit nitong sabi sa akin at pumatak ang malakas na ulan sabay ng kulog.

"Tao rin ako Noah! nasasaktan din ako..." Basag ang boses ko habang sinasabi iyon sa kaniya. Ramdam ko ang malalakas na patak ng ulan sa balat ko.

"I- I guess the time we spent together was just nothing for you!" Sabi ko dito habang patuloy parin sa pag-iyak.

"K-kung babae lang siguro ako Noah... hindi mo ako ikakahiya ng ganito..." Nakayoko kong sabi sa kaniya.

"Ang sakit mo naman mahalin Noah." Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Hindi ka babae para mahalin ko Roan." Malamig niyang sabi sa akin.

"B-bakit?... kailangan ko bang maging babae p-para mahalin m-mo?" Hindi tumitigil sa pag-agos ang aking mga luha nang sinasabi ko iyon sa kanya.

"Wala, wala kang dapat gawin dahil kahit kailan hindi kita kayang mahalin." Malamig na sagot niya sa akin.

"A-no bang m-mali ko?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Hindi kita tanggap Roan! Hindi ko tanggap ang pagiging bakla mo! Kung alam ko lang noon na bakla ka matagal na kitang nilayuan!" Sigaw niya saakin at umalis sa aking harapan.

Parang batong nahulog sa aking puso ang kanyang mga sinabi. Parang wala lang talaga lahat sa kaniya. 'B-bakit niya ako pinatulan?'Tanong ko sa sarili ko habang umiiyak parin. Ramdam ko ang panghihina ko kaya napaupo ako sa harap ng bar habang basa sa ulan. S-sana alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon Noah, minahal mo rin kaya ako Noah?...

I...I'm sorry for loving you Noah...

Tumayo ako sa pagkakaupo at basa na sa gitna ng ulan. Nakita ko rin ang ibang tao na tumingin na sa akin. Pumara ako ng tricycle at sumakay pa uwi sa bahay ni lola. Pagkatapos kung mag bayad ay bumalik ako sa loob at pumasok sa kwarto ko.

Hindi na ako nag-abalang mag bihis at tinapon ang sarili ko sa kama.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now