Chapter 7

829 26 3
                                    

ROAN POV:

Gumising ako ng maaga ngayon para mag handa, paglabas ko ay sumalubong sa akin si lola.

"Oh, apo aga mo yatang gumising ngayon," Sabi nito sa akin at tumawa pa.

"Hehe wala lang po la... good morning po pala..." Bati ko dito at ngumiti.

"Osya, sige hali kana at kumain na tayo." Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag ligpit, pagkatapos ay pumasok na ulit ako sa aking kwarto at nag bihis.

Kinuha ko ang payong kong naka lagay sa aking study table. Sabi ni lola na raining season daw ngayon kaya huwag ko daw kalimutan mag dala ng payong.

Pagdating ko sa university ay agad akong nag tungo sa iniwanan namin ng bag kahapon. Pagtingin ko doon ay wala na ang kaniyang bag.

Kinuha ko ang aking bag na mabigat ang loob, Sana... Sana hindi ko nalang inamin kahapon.
Tumingin ako sa aking relo at nakitang 5 minutes nalang ay time na.

Nagmadali akong pumunta sa aming classroom.
Pagdating ko ay umupo na ako pinagtitinginan pa ako ng iba naming ka klase.

Ilang sigundo pa ay dumating na ang aming guro para ngayong araw. Nagtaka ako kong bakit wala parin si Noah.

Hindi ako makapag focus sa sinasabi ng guro.
Ang nasa aking isip lamang ay si Noah.

'Bakit wala siya ngayon?'
'Maayos lang ba siya?'

Pagkatapos ng aming time ay kinuha ko na ang aking bag at umalis. Hinanap ko ang kaniyang mga kaibigan na kasama noong may event sa university.

Habang naglalakad ako ay namukhaan ko ang isa nitong kaibigan na nakaupo sa isang upuang kahoy kaya naman lumapit ako dito.

"H-hi?..." Tanong ko dito kaya naman napatingin ito sa akin.

"Bakit?" Tanong nito pabalik.

"A-alam mo ba ang n-nangyari k-kay N-Noah?..." Nauutal kong tanong dito. Napayoko nalang ako dahil sa kahihiyan.

"Ah si Noah... nilagnat siya nasa kanilang bahay 'yon nagpapahinga." Sabi nito.

"Ah g-ganon ba... alam mo ba kung s-saan siya n-nakatira?..." Tanong ko dito.

"Oo... sumakay ka sa tricycle tapos baba ka sa may malaking mangga. Malapit lang ang bahay nila sa inyo." Sabi nito.

"P-paano mo nalaman?" Tanong ko dito.

"Habang niyaya kami ni Noah doon na pumunta sa bahay nila no'ng nakaraan ay nakita kitang nasa labas at nag didilig ng mga bulaklak." Sabi nito.

"Ahh... s-salamat." Sabi ko dito at umalis na sa kaniyang harapan.

Hindi na din ako pumasok sa isang subject namin at lumabas na. Naghanap ako ng malapit na butika para bilhan ng gamot, pagkatapos kong bumili ay sumakay na ako ng tricycle papunta sa kanila.

"Dito lang po manong salamat." sabi ko sa driver at binigay na ang aking bayad. Lumapit ako sa isang pulang gate.

"Tao po!" Sigaw ko.

"Tao po?!"

"Sino yan?" Lumabas ang isang babae sa pinto at lumapit sa akin.

"S-si Noah po?..." Tanong ko dito.

"Nasa loob iho, nilalagnat yon." Sabi nito sa akin.

"Pwede ko po ba siyang puntahan?" Tanong ko dito.

"Oo, halika pasok." sabi nito at binuksan ang gate.

"Pumunta ka lang sa kaliwa iho tapos 'yong pinaka huling pinto, ikaw na ang bahala at babalikan ko pa ang niluto ko," Sabi nito sa akin at ngumiti.

"Salamat po"

Pumunta ako sa sinabi ng kaniyang mama, huminto ako sa harapan ng kaniyang pinto at kumatok.

"Argg pasok!" Narinig kong sabi nito.

"Sino ba 'yan?" Tanong nito. Hindi niya ako nakita dahil nakatalikod ito at balot na balot sa kumot.

"A-ah N-Noah g-gamot mo pala..." Sabi ko dito at yumuko. Hindi ito sumagot at nanatilig tahimik.
Nilibot ko ang tingin ko sa kaniyang kwarto.
Ang ganda at ang linis.

Napansin kong parang tatayo si Noah kaya naman lumapit ako dito.

"Wag." Sabi nito.

Pinagmasdan ko lang siyang parang nahihirapan.
Ilang sandali pa ay umupo na ito.

"Bakit ka nandito?" Sabi nito at nakakunot ang noong tumingin sa akin. Galit ba siya dahil sa sinabi ko?

"A-ah na l-laman kong may l-lagnat ka... k-kaya bumili ako ng g-gamot... " Sabi ko dito habang naka yuko. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik.

"Salamat." Napatingin naman ako sa kaniya ng magsalita ito. Bumilis nanaman ang tibok ng aking puso dahil sa sinabi niya.

"Iho, anak halina kayo at kakain na tayo." Tawag ng kaniyang ina sa amin. Nakita kong dinampot ni Noah ang kaniyang cellphone at may parang may tinitipa, mayamaya pa ay huminto ito.

"Sumunod ka na kay mama... at... at ilagay mo nalang diyan ang gamot sa mesa." Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi, at umalis na sa kaniyang harapan.

"Upo ka na dito iho." Sabi ng kaniyang mama ng dumating ako.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Noah. Pero nagulat ako ng dumiretso ito sa pintuan. Binuksan niya ito at bumungad sa amin ang isang magandang babae. Si Yuna.

"Anak hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala ngayon..." Sabi ng kaniyang ina.

"Iha umupo ka na rin dito." Sabi ng kaniyang mama.

Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Kaharap ko ang babae at nasa tabi niya naman si Noah. At ang katabi ko naman ay ang ina ni Noah. Napataas ang aking ulo ng makita ang babaeng binigyan ni Noah ng pagkain.

"Oi, ang dami hindi ko yan mauubos..." Natatawang sabi ng babae.

"Susubuan kita." Sabi naman ni Noah dito na naka ngiti. Napayuko nalamang ako nasasaktan ako sa kanilang ginagawa, normal lang ba ito kay Noah?.

"Anak pakilala mo naman sa akin yan, magtatampo talaga ako." Sabi ng kaniyang ina at tumawa.

"Ma kaibigan ko lang po." Sabi ni Noah at ngumiti pa.

"Friends with benefits po kamo," Sabi naman ng babae at tumawa.

Tumawa narin si tita ngunit ako ay nanatiling tahimik lamang.

"Bakit ang liit ng pagkain mo iho? Tignan mo ang payat payat mo, kumain ka pa." Rinig kong sabi ng kaniyang ina na may bahid ng pag-aalala sa boses.

"G-ganto lang po talaga ako kumain..." Sabi ko naman dito.

Ilang sandali pa ay natapos narin kami.

"Iwan niyo nalang diyan at ako na ang mag liligpit,"
Sabi ng kaniyang ina kaya naman tumango nalang ako, nakita kong papunta silang dalawa sa kwarto kaya napagpasyahan ko nalang na umuwi.

"Salamat po pala..."Huminto ako ng hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya.

"Tita..." Sabi nito at ngumiti sa akin.

"Salamat po ulit tita, uuwi napo ako." Sabi ko dito.

"Aw? Ang aga naman... sige mag-iingat ka, punta ka dito sa susunod ha..." Sabi nito at niyakap ako.

"Opo..." Tugon ko at nikayap din ito pabalik.

"Ang ganda mo talaga iho..." Sabi nito sa akin at kinurot pa ang aking pisnge. Napangiti naman ako dito at lumabas na.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now