Chapter 14

585 23 6
                                    

ROAN POV:

"Ingat kayo Roan, Noah," Sigaw ng kaniyang mga kaibigan ng matapos na ang event at nag hiwahiwalay narin.

"Ingat," Nakangiting sabi sa akin ni Priam at tinapik ang balikat ko sabay tingin kay Noah na masama lamang ang titig dito.

Umalis na si Priam kasama ang kaniyang pinsan at iniwan kaming dalawa doon ni Noah, tahimik lamang akong nakatayo habang siya ay gano'n rin, pasado 11 pm pa naman ng gabi kaya naman mayroon pang dumadaan na mga tricycle dahil nga mayroong event ang school kaya madami din ang mga students na sumasakay.

Pumura kami ng may dumaan at sabay ng sumakay, habang nasa loob kami ay wala paring may nagsasalita sa amin, nang makarating na kami ay hindi na ako nabigla ng bumaba nadin si Noah dahil ang bahay nila ay malapit lang naman sa amin.

"Ito po manong," Sabay abot ni Noah ng bayad.

Kukuha pa sana ako ng akin ng biglang umandar ang tricycle at umalis na, tinignan ko naman si Noah.

"Okay na bayad ka na," Sabi nito at ngumiti.

Naguluhan ako sa mga inasta niya nitong dumaan na mga araw, tahimik lamang itong nakatayo at wala ata itong balak umuwi.

"Noah." Tawag ko dito kaya napatingin ito sa akin.

"Hmm?"

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko dito.

"Ang alin?" Balik nitong tanong na para bang hindi nakuha ang tanong ko.

"Ito... why do you keep giving me mix signals?" Tanong ko dito habang tinitigan siya sa mga mata niya.

Yumuko naman siya at pumagitan sa amin ang katahimikan, bubuka na sana ang bibig ko para mag salita ng bigla ako nitong unahan.

"Gu-"

"Gutom ka?" Putol ko dito na ikinatawa niya, tinignan ko siya ulit na naguguluhan, tumahimik ito sandali at nagpakawala ng buntong hininga.

"Gusto kita Roan." Sabi nito at yumuko.

Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya tila ba nag eecho iyon sa aking pandinig, napansin niya sigurong hindi ako gumagalaw kaya naman napaangat ang tingin niya sa akin.

"Hmm... pwede mo pa namang pag-isipan ang sagot Roan, hindi ako nagmamadali." Sabi nito sa kalmadong tinig.

"Mauuna na ako... Good night," Sabi nito at ngumiti ng hindi abot sa tinga at tinaas ang kaliwang kamay at nagpaalam.

Bumalik ako sa huwesyo ng may kumagat na lamok sa pisngi ko kaya naman sinampal ko ito at pagtingin ko sa kamay ko ayon sapol.

Pagpasok ko sa bahay ay pumasok na ako sa silid ko, hindi na ako nag abalang pumunta sa kusina dahil busog pa naman ako sa mga kinain ko kaya naman nag linis nalang ako ng katawan ko bago ko tinapon ang sarili sa kama, natulala akong tumingin sa kisame at iniisip ang kaninang sinabi ni Noah, gusto niya ako...

Nakuha ko na ang sagot, namula naman ako ng pumasok ulit 'yon sa isip ko.

Gusto niya ako. Gumulong gulong ako sa kama dahil doon, hindi naman ako mahirap kausapin e titignan ko nalang kung ano ang susunod niyang gagawin, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang naka ukit parin sa mukha ko ang saya dahil sa sinabi niya.

Nagulat ako ng tumunog 'yong alarm ko, hala patay late nako, nagmamadali akong naligo at nagbihis ng uniform ko.

"Apo kain ka muna!" Rinig kong sigaw ni lola pero nagmadali lamang akong nagpaalam sa kaniya at sinabi kong bibili nalang ako dahil late na ako sa pasok.

Pagdating ko sa school ay nagulat ako ng makita kong kaunti palang ang mga students at 'yong iba ay nasa gym naglilinis, pumunta ako ng classroom namin at laking gulat ko ng wala parin ang professor namin kaya tinanong ko ang isa naming kaklase.

"Bakit wala pa si sir?"

"Ah, wala daw tayong mga teachers ngayon kasi maglilinis tayo," Sabi nito sa akin at ngumiti, tumango lamang ako at pumunta na sa aking upuan.

Nagulat ako ng makita ko ang tatlong rosas sa mesa ko kaya naman kinuha ko ito at tinignan ako nakadikit ditong papel.

Labas tayo mamaya libre ko wala naman tayong professor na papasok e, tinatamad akong mag linis.

-N

Natawa ako sa nakasulat doon, mabilis lang lumipas ang oras at lunch na namin kaya naman lumabas na ako dala ang rosas na binigay niya sa akin.

"Oh may bulaklak, ano 'yan may nililigawan ka o may nangliligaw?" Tanong sa akin ni Priam ng makita niya ako, kaya naman namula ang aking pisngi, 'may nangliligaw' sabi ko sa utak ko.

"Ah wala may nagbigay lang sa akin nito," Sabi ko sa kaniya, binili niya naman siguro ang sinabi ko at naniwala naman.

"Arg, ginutom ako kakalinis doon, si Noah naman utos ng utos sa akin ayaw tumulong." Sabi nito na parang batang nagmamaktol, hindi nga ako tumulong e.

"Tara Ro labas tayo, gutom narin ako." Aya ni Priam, sasagot na sana ako ng maunahan ako ng lalaki sa likuran ko.

"May lakad kami." Malamig na boses ni Noah.

Napatingin ako dito at namula ang mukha.

"Okay, nagseselos ka nanaman," Sabi ni Priam at tinaas pa ang dalawang kamay nito na hudyat ng pagsuko, hindi na ako nagulat ng bigla akong hilahin ni Noah palabas doon.

"S-saan tayo?" Tanong ko dito habang nakahawak parin siya sa kamay ko.

"Wala namang mga teachers ngayon kaya mag date tayo," Sabi nito habang nakatalikod parin.

"Pumayag ba ako?" Tanong ko dito habang nakangisi.

"Sa ayaw at sa gusto mo mag de-date tayo ngayon dahil nililigawan na kita." Sabi nito at ngumisi t'yaka nag patuloy sa paglalakad, dinala niya ako sa park at hinila sa mga nagtitinda ng mga cotton candy.

"Pumili ka ako na ang magbabayad," Sabi nito, pinili ko iyong bunny ang shape at kumuha rin siya ng isa, pagkatapos namin ay umupo kami sa isang bench at kumain.

"So anong plano mo? Malapit na 'yong exam..." Sabi nito at tumingin sa akin.

"Uh, bibisitahin ko si mama dahil matagal narin kaming hindi nag kita," Sabi ko dito.

Tumango naman siya at tumingin sa malayo, nagulat ako ng may lumapit na bata sa amin, subrang cute nito, tinuro niya ang kinakain ni Noah at lumapit siya dito.

Binigyan naman ito ni Noah at ngumiti naman sa kaniya ang bata, ang cute nila dalawang tignan, kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila.

"Ethan!" Tawag ng isang babae sa kaniya.

"Nako, sorry po sa abala makulit talaga itong alaga ko, halikana dito papagalitan ako ni ma'am pag nawala ka," Nag-aalalang sabi dito ng babae.

"Mauuna na kami mga iho sorry talaga," sabi nito at ngumiti na agad namang umalis.

"Ang cute niya," Sabi ko kaya naman napatingin sa akin si Noah at ngumiti na agad namang ikinapula ng mukha ko.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now