Chapter 11

574 28 7
                                    

ROAN POV:

Maaga akong nagising at nakaramdam ng sakit sa leeg, naka tulog pala ako sa study table ko, nang makabawi ako ay nag handa na ako para mamayang hapon, dala ko narin ang damit na susuotin ko.

Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ay nagpaalam na ako kay lola, habang tinatali ko ang sintas ng aking sapatos ay may huminto na tricycle sa aking harapan, tumayo ako at inayos ang aking bag at hindi pinansin ang taong katabi ko.

"Good morning," Nagulat ako nag mag salita ang katabi ko, malamang tao e, si Noah lang pala, bumalik nanaman ang tibok ng aking puso, sabi ko nangang iiwasan ko na siya at ano nanaman ito Tandhana? Wtf, kainin mo nalang 'yan ayaw ko na. Masakit.

Hindi ko ito pinansin at bumaling nalang sa mga nadadaanan naming mga bahay, ayaw ko siyang kausapin ako lang din naman ang masasaktan sa huli.

Nakarating kami sa unibersidad at tahimik kong inabot kay manong ang aking bayad at ganoon rin ang ginawa niya, medyo maaga pa naman pero marami ng students ang nandito ang iba ay may mga bitbit na damit para mamaya.

"Oi, Roan!" Tawag sa akin ni Priam.

Nang makalapit ito ay aakbayan na sana niya ako ng biglang tinabig ni Noah ang kamay niya.

"Oh... dude ikaw pala yan," Sabi ni Priam sa kaniya na may ngiti pa sa mga labi. Nang sulyapan ko si Noah ay makikita mo sa kaniyang mukha na hindi talaga siya nasisiyahan.

"Asaan na pala si Yuna?" Tanong ni Priam dito.

"Busy siya." Sabi nito sa malamig na tono at may bahid na galit.

Agad namang tinaas ni Priam ang kaniyang dalawang kamay, nagsasabing suko na, iba pa naman magalit si Noah walang nilulugar, bahagya akong natawa sa ginawa ni Priam.

"Tara Ro, 'hatid na kita sa classroom niyo, dadaan din naman ako doon," Sabi ni Priam sa akin.

Maglalakad na sana kami ng biglang masalita si Noah.

"Priam pinatawag ka ng isang professor, nag chat  sa akin." Sabi ni Noah at agad sinabi kung saang lugar siya pinatawag.

"Mauuna nalang ako Priam," Sabi ko dito at ngumiti.

Tumango naman ito at nag hiwalay narin kami ng direksyon, naramdaman ko namang sumunod si Noah sa akin.

"Hey Roan," Tawag nito ngunit hindi ko parin ito pinapansin.

"You're avoiding me huh..." Sabi nito sabay ngiti.

Hinablot niya bigla ang bag ko na ikinagulat ko at bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas.

"Hoi lalaki, ibaba mo ako!" Sabi ko dito sabay suntok sa likod niya.

Napadaing naman ako sa sakit, ang tigas ah, napapatingin narin ang ibang students sa amin namumula akong nag tabon ng aking mukha, gago talaga 'tong Noah na ito ang lakas ng trip.

Pagkadating namin sa classroom ay binaba niya ako ng dahan dahan at nilagay niya ang bag ko sa aking upuan.

"Gala tayo mamaya doon sa bagong bukas na cafe," Sabi nito sabay balik sa kaniyang upuan dahil dumating na ang aming professor, ang iba namang professor namin pagkatapos ng unang sub' ay hindi na pumasok dahil busy sa gym para sa event, agad akong tumayo ng mapansing nakatulog si Noah, kanina pa siya natutulog habang nag tuturo sa harapan ang aming professor, pinuyat siguro ni Yuna.

Umiling na lamang ako at nag lakad na palabas, gusto ko siyang iwasan pero ngayon siya nanaman itong dikit ng dikit sa akin na parang linta, nakakahiya talaya 'yong ginawa niya kanina, habang nag lalakad ako ay nakasalubong ko si Priam.

"May papasok pa ba sa inyo?" Agarag tanong nito sa akin.

Umiling ako.

"Tara punta tayo ng cafe," Pagyaya nito sa akin, hindi ko naman ito tinanggihan dahil nakakapagod rin naman ngayong araw at madami lang talagang nangyare ngayon, pagpasok namin doon ay medyo maraming students din ang tumatambay.

"Anong sa inyo?" Masiglang bati sa amin ng babaeng kumukuha ng order sa harap.

"Uhh... isang cappuccino nga po," Sabi ni Priam.

"Akin, black coffee, " Sabi ko din na nilista naman ng babae.

Mayamaya pa ay binigay na sa amin ang order namin at naghanap naman kami ni Priam ng mauupuan.

"Hmm, masarap talagang uminom ng kape kapag malamig ang panahon, pero kaninang hindi pa ako naka inom ng kape nakaramdam na ako ng init sa ulo." Sabi nito sa mahabang linya.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Ano bang sinabi ng professor?" Tanong ko dito.

"Wala naman, walang may naghanap sa akin, pinaalis lang yata ako ni Noah kanina," Sabi nito na para bang nag mamaktol na bata, ang cute niya talaga.

"Ngapala samahan mo akong sumayaw mamaya ha," Sabi nito sa akin.

"Eh? Hindi naman ako marunong sumayaw," Sabi ko dito at umiling.

"Sige ka magtatampo ako sayo..." Sabi nito.

"Okay, sige pasalamat ka kaibigan kita," Natatawa kong sabi dito.

"Kaibigan lang?" Tanong nito at umakto pang nasasaktan, nakakunot naman ang noo ko at umiling.

Nag usap kami ni Priam ng mga random na bagay, kung paano siya nireject ng kaniyang nililigawan no'n e ang pogi niya naman daw, paminsan minsan din akong tumatawa sa mga jokes na sinasabi niya, minsan ang corni pakinggan pero masasanay karin naman.

Lumabas kami at nilakad nalang pabalik ang university, subrang init parin talaga, bago kami pumunta ni Priam sa aming classroom ay dumaan muna kami sa canteen para bumili ng tubig.

"Ako na ang magbabayad," Sabi nito.

Aangal pa sana ako pero nauna niya ng ibigay ang bayad niya kaya binalik ko nalang ang pera ko sa wallet ko, naglakad na kami ng biglang may tumawag sa akin.

"Roan!" Sigaw ni Noah na gusto yatang iparinig sa buong campus ang pangalan ko sa subrang lakas no'n.

"Hindi kita mahanap kanina, akala ko ba lalabas tayo?" Tanong nito sa akin.

Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Priam.

"Ay, lumabas na kami kanina Noah, late ka na sigurong nag sabi sa kaniya."

Tinitigan lamang ni Noah ng masama si Priam, habang ako ay tahimik lang sa gilid ni Priam.

"Ako ang nauna sayong mag sabi." Medyo galit nitong sabi kay Priam at tumingin sa akin.

"Ayaw mo na akong kasama?" Tanong nito sa akin, akmang sasagot na ako ng biglang lumapit ang tatlong babae sa kaniya, isa na roon si Yuna na biglang hinawakan ang kabila niyang kamay.

"Oi, Noah tara labas tayo," Sabi nito sa kaniya at hinila na siya pa alis, umiling nalang ako at naglakad narin, naramdaman ko namang sumunod si Priam sa akin kaya hinayaan ko nalang.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now