Chapter 3

840 23 3
                                    

ROAN POV:

Late akong nagising dahil kagabi. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at nakita kong nasa kusina na si lola.

"Oh apo magandang umaga, umopo ka na diyan at mag aalmusal na tayo..." Umupo ako sa malapit na upuan at hinintay si lola.

Tahimik lang kaming kumain ni lola hanggang sa natapos kami. Tinulungan ko nalang si lola sa pag ligpit at pag hugas para maka bawi. Pagkatapos kong mag ayos sa aking sarili ay lumabas na ako at nag paalam kay lola.

"Sige na, paalam mag iingat ka ha." paalam ni lola sa akin na tinanguan ko lang.

Habang naglalakad ako ay may dumaang tricycle. Pinarahan ko ito at sumakay na patungo sa unibersidad.

"Manong ito po salamat." Sabi ko sabay abot ng aking bayad. Naglakad ako patungo sa entrance. Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin.

"O-oi Noah ikaw pala yan." Malakas nanaman ang tibok nang aking puso. Hala jusko ano ang nangyayari sa akin.

"Wala daw tayong pasok bukas kasi may event daw ang school sa susunod na araw, ano pupunta ka ba?" Tanong niya sa akin.

"O-oo, first time kong pumunta ng event dito." sagot ko sa kaniya.

"Mabuti yan sabay nalang tayo, sunduin kita sa inyo." nakangiti nitong sabi sa akin. Mas lalo yatang lumala ang sakit ko haha pati mukha ko parang kamatis na.

"Oh bakit ka namumula?" Tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.

"A-ah m-mainit lang!" Kinakabahan kong sagot sa kaniya, mabuti nalang talaga at naka tayo kami sa medyo mainit na parte ng school kaya may dahilan ako.

"Ay! Gano'n ba pasensya na hehe."
Naglakad na kami patungo sa aming palapag.

Medyo boring ang aming klase ngayon kaya ang iba kong kaklase ay panakanakang natutulog. Tinignan ko ang oras at nakita kong malapit na ang time, binalik ko ang aking cellphone sa aking bag at nakinig nalang ulit. Tahimik lang din si Noah sa aking tabi.

"Class dismiss!" Saad nang aming guro.

"Ah N-Noah gusto mo bang kumain sa labas?... Ako na ang bahala..." nauutal kong alok sa kanya. Pumayag naman siya kaya umalis na kami.

"Asan ang gusto mo?" Tanong ko sa kaniya.

Nagulat ako nang marami ang kaniyang inorder. Mauubos yata pera ko nito. Umorder nalang ako nang slice na cake at juice. Mayamaya pa ay dumating na ang aming pagkain. Nagulat ako nang biglang bigyan ako ng pagkain ni Noah.

"H-huh?" Nalilito akong bumaling sa kaniya.

"Tsss siyempre sinusubuan kita, ang liit ng kinakain mo kahapon ka pa." Sabi nito sa akin dahilan para lumakas nanaman ang tibok ng aking puso.

"Masakit sa kamay Roan." Sabi nito sa akin at narealize kong kanina pa pala nakataas ang kamay niya.

Kinuha ko nalang ang kutsara sa kamay niya at sinubo ko ang pagkain sa aking bibig. Natapos kaming kumain na hindi parin tumitigil sa pagkabog ang aking puso. Jusko papatayin ba ako nito?

Pumasok kami ni Noah sa huling subject namin. Wala naman masiyadong ganap gaya kaninang umaga hanggang sa natapos ang aming schedule.
Nag presenta nanaman sa akin si Noah na ihatid niya daw ako kasi baka mapano ako. I wonder kong halata niya bang bakla ako o hindi. Mahaba ang katahimikan sa amin sa loob ng tricycle.

"N-noah, uhh saan pala ang mga kaibigan mo? Napansin ko lang na nasa akin ka palagi." Biglang tanong ko sa kanya.

"Ahh wala, hindi naman ako masiyadong nakikipag halobilo sa kanila." Boring na sagot nito sa akin.

Hindi ko nalang siya sinagot nang kong ano ano pa. Mayamaya ay narating na namin ang bahay ni lola.
Nagulat ako nang nakita kong nakatayo si lola sa labas. Pag lapit ko sa kaniya ay nag mano ako ganon rin ang ginawa ni Noah.

"Oh, ikaw pala yan Noah..." Nakangiting saad ni lola.

"Hali kayo dito may niluto akong paborito ni Roan." Sabi niya kay Noah. Namula naman ang aking pisngi dahil doon.

"Namumula iyong dalaga ko ah." ani ni lola sabay gulo nang aking buhok. Sinulyapan ko si Noah at nakita kong nakakunot ang noo nito.

Nawala ang ngiti ko dahil sa nakita kaya nag iwas nalang ako ng tingin. Oo nga pala baka hindi niya alam at halata. Nabasag ang aming katahimikan ng tawagin na kami ni lola.

"Hali na kayo dito wag nang tumayo diyan." Sabi ni lola ng makitang nakatayo padin kami. Sumunod naman kaagad si Noah sa akin ng lumapit na ako sa hapag. Bago kami kumain ay nagdasal muna kami.
Nagulat ako nang binigyan ako nang maraming pagkain ni Noah.

"O-oi h-hindi ko 'yan kayang ubusin." nahihiya kong bulong sa kanya.

"Andito naman ako." Bulong niya pabalik.

Lumakas ang tibok nang aking puso dahil sa ginawa niya. Naabutan nang dilim si Noah sa amin dahil nag usap pa sila ni lola.

"Sige po lola paalam napo... paalam narin Roan good night." Sabi nito sabay kindat sa akin. Diyos ko ano to. Nagpaalam na ako sa kaniya at sinara na agad ang pinto. Lalabas na yata ang aking puso.

Bumalik na ako sa aking kwarto at naglinis ng aking katawan bago humiga. Sumagi sa aking isip ang nangyari kanina. At namula ako dahil doon. Ilang oras pang nakamulat ang aking mga mata. Hindi ako makatulog dahil doon. Tsk ano ba ito.

Nagulat ako nangtumunog ang aking cellphone. Kinapa ko ito at tinignan. Nakita ko ang pangalan ni mama doon

MAMA:

Anak nagpadala ako diyan ng pera para sa inyo nang lola mo.

ROAN:

Ma naman meron pa kami dito. Pero salamat padin,  huwag mo pong pilitin ang inyong sarili na magtrabaho.

Paalala ko nanaman sa kanya.

MAMA:
Oo anak sige na, magpahinga ka na diyan at ako rin. Bye anak I love you.

Napangiti ako sa sinabi ni mama sa akin.
Alam kong maraming problema siyang iniisip ngayon pero inuuna niya parin ako... kami ni lola.

Medyo may kaidaran na si mama at ang sakit niya ay cancer... kaya naman higpit na ipinagbabawal sa kaniya ang mag trabaho pero matigas ang kaniyang ulo kaya hinayaan ko nalang ito.

Naramdaman kong tumulo ang mainit na likido sa aking mukha. Umiiyak nanaman ako. Iniisip ko palang ang aking mama na naghihirap ay hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin pag nawala siya.
Dahil sa pag iyak ko hindi ko alam na nakatulog na pala ako.

@Itamalfe
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now