26

724 26 9
                                    

Madilim na ang paligid ng napag pasyahan kong umuwi na. Habang nag lalakad pababa sa hagdan ay nagulat ako ng biglang sumulpot si Priam.

"Hi" Bati nito sa akin habang nakangiti. "Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko dito. "Sinusundo ka" Sagot nito sa akin.

"Tara na madilim na" Sabi ko dito at nauna ng maglakad. "Sandali" Sabi nito at hinawakan ang isa kong kamay. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Nilahad niya sa akin ang isang bouquet ng bulakbulak na sunflower. "Heto alam kong gusto mo ito" Sabi nito sa akin at ngumiti.

Tinanggap ko naman iyon at ngumiti rin sa kaniya. "Salamat" Sabi ko rito. "Uuwi ka naba?" Tanong nito sa akin. "Oo" Maikli kong sagot dito habang nakatingin parin sa bulaklak.

"Hatid nakita pauwi" Sabi nito. "Huwag na, baka nakakaabala na ako sa'yo" Sabi ko dito at parang nahihiya narin. "Okay lang" Tugon nito.

Naupo kami sa kaniyang sasakyan. Pinaandar niya naman ito at umalis na kami sa university. Medyo nagulat pa ako ng hindi bahay namin ang rutang dinaanan niya. "Saan tayo?" Tanong ko dito. "May gusto akong ipakita sa iyo" Sabi nito sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaunting kaba.

Ilang sandali palang ay huminto na kami sa isang tahimik na parke. Mayroong naka latag doon na tela sa maliliit na damo. May pagkain at ilaw din doon na hindi masiyadong maliwanag.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Priam. Bumaba ako at pinagmasdan ang paligid. Ang ganda dito ang tahimik at ramdam mo talaga ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap naman ako sa aking sarili.

Napaigtag ako ng biglang inilagay ni Priam sa aking balikat ang kaniyang dalang jacket. "Halika umupo ka muna" Sabi nito sa akin at inalalayan pa talaga ako.

"Kumain muna tayo alam kong gutom ka" Sabi nito at dahan dahang inilibas ang mga pagkaing nasa basket. Mayroong adobo roon na paborito ko.

Tahimik kaming kumakain habang pinagmamasdan ang kalangitan. "Roan" Tawag sa akin ni Priam kaya napatingin ako rito. "I...I want..." Putol na sabi nito. Hindi ko masiyadong malunok ang aking kinakain kaya uminom ako ng tubig.

"I want to court you" Diritsong sabi nito kaya ang tubig na nasa aking bibig ay nabuga ko. Napaubo naman ako dahil doon. "Sh*t, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Tumango naman ako dito. "Sorry kung biglaan. It's okay if you can't answer me now I can wait." Sabi nito sa akin. Tahimik kong pinunasan ang aking bibig. Sumagi sa aking isipan si Noah. Alam kong siya parin ang laman ng aking puso. Alam kong siya parin ang hinahanap ng aking puso. Na kahit alam kong hindi niya kayang ibigay ang pagmamahal na gusto ko.

Nawala ang gana kong kumain kaya naman inayos ko nalang iyong pinagkainan ko. "Umuwi na siguro tayo Priam. Malalim na ang gabi" Sabi ko dito. Nakita ko naman ang pag aalinlangan sa kaniyang mga mata ngunit sumang-ayon nalang ito sa akin.

Tahimik kami buong byahe. Bumaling ako sandali kay Priam at nakita kong malalim ang iniisip nito. Iniwas ko ang tingin ko dito at tumingin sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ko ang mga buildings na aming nadadaanan. Bumuntong hininga ako.

Kung si Noah lang siguro ang gumawa nito sa akin ngayon kahit na hindi na siya dumaan sa ligaw ay tatanggapin ko. Pero malabo namang mangyare iyon lalo na at kasal na siya.

Pagkarating namin ay bumaba na ako sa kotse. "Salamat Priam" Sabi ko dito at tipid na ngumiti. Tumango ito sa akin at ngumiti rin pabalik.

Naglakad ako patungo sa aming pintuan. "La!" Gulat na tawag ko ng makita ko si lola na gising parin. "Saan ka galing apo?" Tanong nito sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin. Ngayong gabi lang kasi akong late na talaga umuwi. "May tinapos lang po la" Pagsisinungaling ko dito.

"Osya sige, mag pahinga ka na roon at ako'y matutulog na" Sabi nito sa akin at naglakad na papunta sa kaniyang kwarto. Pumasok ako sa silid ko at naglinis ng katawan. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng banyo. Humiga ako sa aking kama at tumingin sa kisame. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin nito si Priam.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa katok sa aking pintuan. "Apo gising na may pasok ka pa diba" Rinig kong tawag ni lola. "Opo" Sagot ko dito at bumangon na. Inayos ko muna ang aking higaan bago pumunta sa banyo para maligo. Naka gray polo shirt ako ngayon at slacks. Lumabas ako ng aking kwarto at nakita kong naghahanda na ng pagkain si lola.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang aming pinagkainan. "Ako na ang mag huhugas niyan apo, pumasok ka na" Sabi nito sa akin. Ngumiti naman ako kay lola.

Paglabas ko ng bahay ay nagulat ako ng may nakaparadang sasakyan sa harap ng bahay. "Halika na baka mahuli ka" Sabi ni Priam sa akin. Pumasok naman ako doon sa sasakyan. Parang wala lang nangyare kagabi ah.

Pagbaba ko ay nagpasalamat ako kay Priam. Hindi niya daw ako mahahatid sa aking silid dahil may pupuntahan pa daw siya. "Good morning po" Bati sa akin ng isang studyante ng mapadaan ako sa hallway. Ngumiti ako dito at binati rin.

Pagpasok ko sa aking silid ay may nakita akong bouquet sa aking mesa, kumpol ng mga rosas iyon. Napatingin ako sa mga studyante kong tahimik lamang. "Sino ang nag-iwan nito?" Tanong ko dito.
"Teacher iniwan po iyan ng kuyang pogi dito kanina. Sabi niya ibigay raw po namin sa inyo" Sabi nito sa akin. Napakunot naman ang aking nuo. "Anong pangalan niya?" Tanong ko dito. "Secret daw po" Sagot ng isa kong estudyante at tinakpan pa talaga ang bibig at humagikhik.

Natapos ang pagtuturo ko ng wala namang masiyadong nangyare. Niligpit ko ang mga gamit ko at tinignan ang bulakbulak. Tumunog ang aking cellphone at tinignan kung sino ang nag text.

PRIAM:
Hindi muna kita masasabayan ngayon. May importanteng bagay lang na aasikasuhin.

Basa ko dito. Tumayo na ako at lumabas ng silid dala ang bulakbulak.

____
VOTE~COMMENT~FOLLOW

Turning The PageWhere stories live. Discover now