Chapter 2:
Redion Axel's P.O.V
Dumeretyo ako sa SC office para hanapin si Rio.
Sakto naman na lumabas siya. Napakunot pa ang noo niya nang makita niya ako.
"Ginagawa mo rito?" tanong niya.
"May naghahanap sa'yo sa labas ng university. Nasa'yo raw ID niya." sagot ko. Tumalikod na ako, pero nagsalita siya ulit kaya napatingin ako sa kan'ya ulit.
"Si Shine ba? Ito ID niya, ikaw na magbigay, babalik na ako sa Senior High department, may klase na ako." sabi niya at ibinato sa'kin ang isang ID na agad kong nasalo.
"Parang wala rin akong klase?" sarcastic na sabi ko. Medyo natawa pa siya dahil sa sinabi ko.
"Thirty minutes pa naman bago first class mo. Sige na, malayo pa ang Senior High department dito." sabi niya at naglakad na.
Gusto ko pang tumanggi, pero may mga kaklase niya yata na umakbay sa kan'ya.
Bumuntong-hininga na lang ako saka napatingin sa ID na hawak ko.
Aviel Shine P. Rios. College of Business Administration and Accountancy.
Napabuntong hininga ako at naglakad na ulit pabalik sa guard house sa gate 1. Gusto ko lang naman pumasok, nautusan pa nga.
Pagkarating ko roon ay nakita kong nakaupo na sa may gilid si Aviel Shine. Para siyang bata na nakasalampak na roon.
Gusto kong tawanan, pero pinigilan ko na lang sarili. Baka masabihan pa akong nasisiraan ng ulo rito.
"ID mo," inabot ko sa kan'ya iyon nang nasa tapat na niya ako. Tumingala naman agad siya sa'kin. Ngumiti siya at tumayo saka kinuha ang ID niya sa kamay ko.
"Thank you, iyon kasing batang pinsan mo, e hindi agad binigay." sabi niya habang sinusuot iyon.
Tumango na lang ako.
Hindi na sumagot at nauna nang pumasok ulit sa loob ng campus.
Nasa pathway pa lang ako na malapit sa guard house nang may mga lalaking humarang sa'kin.
Nakangisi pa sila.
"Kapatid mo pala si Freya?" tumawa 'yong isa. Hindi ko na lang sana sila papansinin at lalagpasan na lang sana nang hawakan no'ng isa ang braso ko para pigilan ako.
Tang ina naman.
Kumunot ang noo ko. Ano na naman ba 'to? Mapapaaway na naman yata ako.
"Napanood mo ba 'yong scandal niya?" tumawa ulit sila. Naiyukom ko ang kamao. Nagtitimpi. Baka hindi na 'yan sila makangiti kapag binungi ko sila.
"Tinitigasan ka rin b—"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinapak ko siya. "Don't you dare disrespect my sister!" Sinuntok ko ulit siya. Ramdam ko ang paghapdi ng kamao ko dahil sa marahas na pagsuntok ko sa matigas na mukha no'ng lalaki.
Tang ina. Lagi na lang akong sinusubok ng mga tang inang 'to.
"Isa ka pa!" sigaw ko sa lalaking humawak sa'kin at inaawat ako sa pagdurog sa mukha no'ng kasama niya. Agad ko rin siyang sinuntok.
Dagdagan ko pa sana ang pasa niya sa mukha niya nang may guard na umawat sa'kin.
"Go to guidance office now!" doon na ako tumigil nang sumigaw ang guidance counselor na kasama no'ng guard na humawak sa'kin.
Marahas kong binawi ang braso na hawak no'ng guard at walang emosyon na naglakad papuntang guidance office.
Sermon na naman ang abot ko kay Sister nito.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...