Last Chapter(?)

186 2 0
                                    

Last chapter:

Redion Axel Solinas' POV

1 year later...


"Talagang sure ka na kay Shine?"

Kumunot ang noo ko nang itanong iyon sa'kin ni Ate Gianna. Hindi pa ba halata?

"Isang-daang porsyento." Sagot ko. Agad naman akong sinapak sa braso ni Gio at Zack. Naghihiyawan pa. Nakakahiya sa mga tao rito sa resort kung nasaan kami.

Naisipan kasi ng pamilya namin na rito sa resort kami mag-celebrate ng new year. Kasama rin namin si Aviel, nando'n siya sa cottage kasama niya sila Vito, Dave, Kareen, Reeves, Carlsen, Rio, Kate, Ricky at Maureen.

Kasama ko naman dito sa dalampasigan si Zack, Gio, ate Gianna at ate Alta.

"Inang 'yan, bakit mo kasi tinatanong pa 'yan Gia, e lunod na lunod na 'yan kay Shine." Si ate Alta. Natatawa pa. "So, anong plano?" Tanong pa niya.

"Magpo-propose ka na ba?" Tanong ni Zack. Sinapak pa niya ulit ako.

"Tumahimik ka nga!" Ginantihan ko siya. Tinikom naman niya ang bibig, acting like he zipping his mouth. Sana i-zipper na talaga 'yan.

"Ngayon ba?" Usisa ni Gio. Inakbayan pa niya kaming dalawa ni Zack at para kaming may pinaplanong illegal sa puwesto namin.

"Paanong ngayon, e may tampuhan?" Tumawa si Ate Gianna. "Ang babaw, e. Pero ang cute niyo, sarap niyong tirisin." Patuloy niya at kinurot ako sa braso. Naknampucha.

"Oo, mamayang 12 midnight." Nagsitinginan silang apat sa'kin. "What?"

"Next month na kaya? Alam mo naman ang—"

"Nagkataon lang 'yon noon, ate Alta." Putol ko sa kan'ya. "Para na rin makalimutan natin 'yon, e, di gagawa ulit tayo ng masayang memories sa bagong taon." Patuloy ko.

Bumuntong-hininga siya, "okay, okay. So, ano ngang plano?"

"Pero teka, may singsing na ba?" Tanong ni ate Gianna.

Napakamot ako sa likod ng ulo. Iyon lang. Wala pa akong nabibiling engagement ring!

"Wala pa? Shuta. Plano pa wala naman palang singsing." Sabi ni Zack at binatukan ako. "Huwag na natin 'to ituloy—"

"Ikaw kaya tuluyan kong busalan?" Sabi ko sa kan'ya. Ang lakas kasi ng boses, e. Mamaya malaman pa 'tong plano ko. Malakas pa naman makiramdam si Aviel.

"Tangina, so ano na nga ang plano? Kanina pa 'to tinatanong shuta kayo." Parang nawawalan na ng pasensya si ate Gianna.

"Mamaya nga raw 12 midnight siya magpo-propose, bingi ka ba teh?" Sagot ni Gio sa kapatid. Agad naman silang nagbangayan. Napahawak na lang ako sa noo ko. Mas sumasakit ulo ko sa kanila.

"Balik na nga tayo roon." Sabi ko at nauna nang maglakad pabalik sa cottage. Wala naman silang naitulong sa'kin amp.

Naabutan namin sila na nag-iinuman na. Nang dumapo ang tingin ko kay Aviel ay nakatingin din siya sa'kin, pero inirapan niya ako at kinausap na si Maureen. Hindi pa rin niya talaga ako pinapansin.

Paano ba naman kasi, itatanong ba naman kung magiging uod siya ay mamahalin ko pa rin ba siya? E, sinagot kong takot ako sa uod. Ayon nagtampo. E, anong gusto niyang sagot? E, sa takot ako sa uod!

Mga ganitong bagay lang naman ang pinag-aawayan namin sa isang taon na relasyon namin. Wala pa namang mabigat na away namin, at ayaw kong magkaroon ng gano'n.

Kapag alam kong ako ang may kasalanan, nagso-sorry agad ako, at kapag siya naman ang may kasalanan, syempre ako pa rin ang nagso-sorry. Para hindi na lumaki ang away.

"Aviel, that's enough." Inagaw ko sa kan'ya 'yong baso ng alak na hawak niya. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin, pero hindi siya nagsalita. Namumula na ang pisngi niya. Nakailang shot na ba siya? Sabing 'wag siyang mag-iinom ng marami, e.

"Mag-usap nga kayo roon, huwag niyo kami idamay sa LQ niyo." Sabi ni Vito. Halatang bitter na bitter siya.

Napabuga ako ng hangin nang bigla siyang tumayo at lumabas ng cottage. Tumayo rin ako at sinundan siya.

"Aviel," tawag ko sa kan'ya, pero hindi siya tumigil. Tumigil lang siya nang nasa gilid na siya ng dagat.

"You don't love me anymore? You're not calling me love anymore!" Sabi niya. Nang humarap siya sa'kin ay nangingilid na ang luha niya.

Napakagat na lang ako sa labi para pigilan ang pagngiti ko. Ang cute! Lord! Akin na 'to!

"Okay, love. Halika nga." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay saka niyakap siya. "Sorry na, kahit maging uod ka mamahalin pa rin kita. Kahit sino at ano ka pa, okay? Huwag ka na magtampo, hmm?" Hinalikan ko siya sa gilid ng ulo niya saka bumitaw sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Kahit takot ka sa uod?" Natawa ako dahil sa tanong niya. She pouted at tumalikod sa'kin. Ayan na naman. Tampo na naman ang bebe.

"Oo, kahit takot ako sa uod." Nang sabihin ko 'yon ay humarap na ulit siya sa'kin. "Kulang pa ba ang lahat ng pinapakita at pinaparamdam ko sa'yo para maipakita na mahal kita?" Tanong ko.

Agad siyang umiling. "Kung gano'n, sure ka na ba sa'kin?" Tanong ko. "Dahil ako siguradong-sigurado na ako sa'yo, Aviel." Patuloy ko.

"Bakit mo 'yan tinatanong? Are you still doubting my love for you, Axel?" Tanong niya. Natigilan ako dahil doon, "Hindi ka pa rin ba naniniwala hanggang ngayo—"

"Aviel Shine Peres Rios." Putol ko sa kan'ya. "Wala pa man akong maibibigay sa'yo na singsing, pero..." lumuhod ako sa harap niya. Saktong-sakto dahil narinig namin ang fireworks. 12 midnight na. Bagong taon na. "Will you marry me?" patuloy ko.

Halata naman na nagulat siya. Nangingilid na rin ang luha niya. Agad niya iyon pinunasan. Kinakabahan ako. May tiwala naman ako sa pagmamahal niya, pero hindi ko pa rin maiwasan na matakot. Na baka bigla niyang ma-realize na hindi niya ako mahal.

"Redion Axel Solinas!" Sigaw niya. Nagulat pa ako kaya napatayo ako. Pero mas nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi kaya napapikit na lang ako. "That's my answer." Patuloy niya nang maghiwalay ang labi namin.

Ako naman ngayon ang parang maiiyak. Tinawanan pa niya ako saka niyakap. "I love you, Redion Axel."

Mahal na mahal ko rin siya. Hindi sapat ang salitang 'I love you' para ilarawan kung gaano ko siya kamahal.

She's my Daylight.

I don't wanna look at anything else now that I saw you.
I don't wanna think of anything else now that thought of you.

Siya na talaga. Dahil simula noong nagustuhan ko siya, hindi na ako naghanap pa ng iba. Simula noon, kahit ipilit kong ilaan sa iba ang isip ko, siya lang ang laman no'n.

Akala ko noon hindi na ako makakahanap ng mamahalin. Sinukuan ko na ang pag-ibig. Pero bigla siyang dumating na parang isang natural disaster. Hindi ko inaasahan. Hindi ko napaghandaan.

Sa una, masakit. Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako sa hagupit niya. Pero dumating siya ulit, but not as a disaster ready to wreck me again. But a daylight.

It's brighter now, now...

Alam kong una pa lang sigurado na akong siya ang gusto kong makasama. For richer and poorer, for better and for worse, from this day forward 'till death do us part.







______________________
______________________

okay, see you sa epilogue and special chapter/s(?)

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon