Chapter 11

111 13 19
                                    

Chapter 11:

Redion Axel's P.O.V

"Hoy Red," Tinapik ako ni Cassie sa balikat nang tumigil ako sa paglalakad at nakitingin lang ako kay Aviel na nakaupo sa malapit na table at mag-isang nag-iinom. "Taragis ka, what hap—"

Hindi ko siya pinansin at agad na lalapit sana kay Aviel dahil umiiyak siya ngayon. Mag-isa. Bakit siya umiiyak? Nasaan si Kennedy?

"Red," pigil ni Cassie. Umiling pa siya nang tignan ko siya. "H'wag na, Red. Maawa ka sa sarili mo oyy." Mariing sabi niya.

Napatingin ulit ako kay Aviel na pilit pinunasan ang luha niya. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang tao.

Halos isang taon na wala akong balita sa kan'ya. Halos isang taon na hindi ko siya nakita. Ngayon lang ulit, tapos umiiyak pa?

"Pero mag-isa lang siya, Cass." Mahinang sagot ko. Napailing na lang siya at binitawan ang kamay ko. Hudyat na pumapayag siyang lapitan ko si Aviel.

"Aviel," umangat ang ulo niya nang tawagin ko ang pangalan niya. Mukhang nagulat pa siya dahil mabilis niyang pinunasan ang luha niya.

"Redion? A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Iinom." Sagot ko at umupo sa tapat niya. Kumunot ang noo niya, pero hindi ko siya pinansin at nagbukas ng bote ng beer at ininom 'yon. Napapikit pa ako nang maramdaman iyon sa lalamunan ko. Naknam. Hindi pa rin talaga ako nasanay sa alak.

Hindi siya nagsalita. Hindi ko rin alam ang sasabihin. Kanina pa siya nakatingin sa'kin na naka-krus ang kamay.

Bumuntong hininga ako. Ako na. Ako na ang unang magbubukas ng topic kahit walang kwenta.

"Naglalaro ka ba ng ML?" kumunot lalo ang noo niya at kalaunan ay tumawa. Naknampucha. Sabi na, e. Wala talaga ako kwenta kausap.

"Seryoso ka ba riyan sa tanong mo?" Tanong niya. Halatang nagpipigil ng tawa. Okay na siguro 'yon na isipin niyang wala akong kwenta kausap, at least tumatawa na siya ngayon.

Tumango ako, napakakamot sa batok dahil sa kahihiyan na 'to. Isa na naman 'to sa ten most embarrassing moment na randomly mo maaalala kapag matutulog ka na. Naknampucha.

"Oo naglalaro ako, bakit yayain mo ba ako mag-1v1? Matatalo ka lang, pinalaki ako ni Josh Cullen sa trashtalkan." sagot niya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Sinong Josh Cullen?

Napatitig ako sa kan'ya habang tinatawanan ako. Namumula ang mata niya na halatang kanina pa siya umiiyak. Pati 'yong matangos niyang ilong namumula rin. Sumisinghot-singhot pa siya dahil sa sipon niya. Cute.

"Anong trip mo ngayon?" tanong niya maya-maya lang. Nakataas na ang kilay sa'kin. "Halos buong school year mo akong iniwasan tapos magpaparamdam ka ngayon?" patuloy niya. Namumula na ang pisngi niya. Marami na 'to nainom.

"B—busy lang naman." Sagot ko at umiwas ng tingin.

"Sinungaling. Dahil ba sa'min ni K—kennedy?" napatingin ako sa kan'ya nang sabihin niya 'yon. Bumuntong hininga siya at napayuko saglit.

"Na busy nga lang," tanggi ko ulit. Totoo rin naman na busy na kami dahil may duty na kami sa Rios Hospital, at totoo rin naman na iniiwasan ko silang dalawa.

"Ano man ang dahilan, sana nagsabi ka man lang." mahinang sabi niya saka uminom. "Na-miss ka rin ni Lily. Hindi ka na rin bumibisita sa animal shelter." patuloy niya. Halatang nagtatampo ang boses. Napangiti tuloy ako.

"Si Lily lang ba?"

Parang gusto ko naman batukan ang sarili dahil sa lumabas sa bibig ko. Naknampucha naman, Axel! Nilulubog mo lang ang sarili mo sa kahihiyan!

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon