Chapter 17

91 10 14
                                    

Chapter 17:

Redion Axel's P.O.V

"Pota. Ang rupok mo naman."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gio. Parang siya hindi marupok ah.

"Kung kanta siya ng paborito niyang si Taylor Swift, ang title niya ay 'Foolish One'. Isinabuhay mo naman masyado ang kanta ng idol mo." Tawa ni ate Alta.

"I support you, Kaps. Itaas ang bandila ng mga marurupok!" Sigaw ni Zack at inakbayan pa ako kaya agad ko siyang siniko. Napakasiraulo. Hindi naman ako marupok.

Slight lang.

"May pag-asa ka naman na ba?" Tanong ni Gio.

Siguro.

Sana.

Kung bibigyan niya ako ng pagkakataon, sinisiguro ko na sa kan'ya lang ako. Hayaan niya sana akong ipakita sa kan'ya na mahal ko siya. Na kaya ko siyang mahalin ng buong-buo, at pipiliin ko siya araw-araw, habang buhay.

"Naneto. Ang tindi ng tama." Napailing si Zack.

"Dinala ba naman sa Santa Ana kahit na may shift pa bukas." Si Gio.

"Marupokpok." Si Ate Alta.

Mga walang hiya. Lakas mang-asar.

Pagkauwi ko sa bahay ay naligo lang ako saka humiga. Hindi pa nakatulog agad dahil iniisip ko ang napag-usapan namin kanina ni Aviel bago siya bumaba ng kotse no'ng hinatid ko siya sa bahay nila.

"K-kung aalis ka sa susunod na araw." Napatigil siya sa pagbukas ng kotse at tumingin sa'kin.

"Hmm?"

"May pupuntahan ka ba bukas?" Tanong ko.  Bakit kaya sa iba ang dali lang nila nagagawang yayain 'yong mga nililigawan nila sa isang date?! Unfair talaga ang buhay.

"Wala, bakit? Yayain mo ako mag-date?" Sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ampota. Tumawa naman siya at tinuro pa ang mukha ko. Siguro namumula na ang tainga ko ngayon. Naknampucha.

Gusto ko na lang lumubog dahil sa kahihiyan.

Tumikhim ako. Napalunok saka tumingin sa kan'ya ng diretyo. Siya naman ngayon ang halatang nailang kaya pinigilan konang sarili na mapangisi.

"Oo. Museum date. Diba gusto mo 'yon? Nakita ko lang sa ig story mo." Sagot ko. Iyon ang ideal date niya. Art museum date.

"Okay. Bukas. After your shift, date tayo." Sagot niya at mabilis na lumabas ng kotse.

Iniisip ko ngayon kung ano ang mangyayari bukas. Nagpagulong-gulong ako sa kama. Bahala na.

Nakakabaliw. (Nakakakilig).

Kinabukasan.

After ng shift ko ay sinunod ko siya sa office niya at sabay kaming pumunta sa Art museum.

Sobrang saya pa niya habang tinitignan ang iba't ibang mga paintings na naka-display.

Naalala ko na ganito rin siya kasaya noong una ko siyang makita. She always put a smile on her face. Magaan lagi sa pakiramdam sa tuwing nakangiti siya.

"Masaya ka ba?" Tanong ko sa kan'ya habang naglilibot kami. Tumango siya na hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

"Sobra. Thank you." Sagot niya at nakangiting tumingin sa'kin. Para tuloy nahulog ang puso ko. Redion Axel! Lunod na lunod ka naman!

Ngumiti ako pabalik sa kan'ya. "You deserve it."

MABILIS na lumipas ang oras. Nakakainis nga, e dahil gusto ko pa siya kasama. Kaso gabi na.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon