Chapter 25:
Aviel Shine P. Rios' POV
"I'm sorry, Shine."
Napapikit ako nang marinig ang pagkabasag sa boses niya. After new year's eve, nagkita ulit kami ni Kennedy. Hindi ko alam kung bakit nakipagkita pa ako sa kan'ya. Gano'n siguro kapag mahal mo ang isang tao, nagiging tanga ka.
"It's okay, naiintindihan ko." Mahinang sabi ko habang pinipigilan ang pagbasag ng boses. Ayaw kong isipin niya na nasasaktan ako dahil sa kan'ya, kahit na gano'n naman talaga ang nangyayari ngayon.
Pagod na rin naman ako, pero sa tuwing iniisip ko mawawala siya sa'kin ay parang hindi ko kaya. Kakayanin ko ba na tuluyan na siyang mawala? Parang hindi. Pero kailangan kong tanggapin, hindi ko siya pag-aari para ipagdamot.
Naiintidihan ko na mas pinili niya ang ate niya kaysa sa'kin. Sino ba naman kasi ako para mas piliin niya? Ate niya 'yon, pamilya niya 'yon. Gustuhin ko mang maging makasarili, hindi ko magawa.
Tumalikod ako sa kan'ya. Hindi ko na kaya pang manatili sa harap niya. Dahil sobang sakit. Hindi pala talaga sapat na mahal niyo lang ang isa't-isa.
---
"Did you know na masama sa kalusugan ang alak?"
Tinignan ko si Redion nang sabihin niya iyon. Napataas ang kilay ko.
Katatapos lang namin magpa-enroll para sa second semester. Si Zack ang kasama ko kanina, pero iniwan niya ako para sa kalandian niya. Kaya si Redion na lang ang isinama ko rito sa Tara G!
"H'wag ka muna magpaka-nurse ngayon future RN." Sa sinabi ko ay napabuntong hininga na lang siya.
Minsan napapaisip talaga ako kung bakit ang pogi nilang magpipinsang Solinas, e. He has that soft facial feature, sobrang gentle ng aura niya. Kaya hindi ko alam kung bakit ang tingin ng ilan dito sa university ay basag ulo siya.
Sa kanilang magpipinsan, siya talaga ang naiiba ng skin tone. He has that fair and radiant skin tone. Mas clear at flawless pa nga 'ata ang skin niya kaysa sakin. Sana all na lang talaga.
He has a well-defined nose, well-shaped eyebrows at ang pinaka gusto ko sa kan'ya ay iyong medyo kulot niyang buhok. Grabe talaga ang lahi nila. Ang pinaka pogi lang talaga sa kanilang magpipinsan ay si Kuya Ricky.
Hindi na siya nagsalita, hinyaan na lang talaga niya akong uminom. Hindi ko na rin alam kung nakailang bote na ako ng whiskey. Ang alam ko lang ay umiiyak na ako sa tabi niya.
Mahina niyang tinapik-tapik ang balikat ko. Para siguro pagaanin ang loob ko, pero mas lalo lang akong naiyak. Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa marahang pagtapik sa likod.
"M-masama ba ako kung sasama ang loob ko na m-mas pinili niya ang p-pamilya niya kaysa sa'kin?" Nabasag ang boses ko. Hindi ko na talaga kayang pihilan pa. Feeling ko, kapag hindi ko nailabas 'to ay mababaliw ako.
Dahil sa sakit na nararamdaman ko, niyakap ko siya. Kailangan ko talaga ngayon ng taong makakaintindi sa nararamdaman ko.
Pagkagising ko kinaumagahan ay nasa condo na ako. Hindi ko na namalayan kung anong oras niya ako hinatid kagabi.
Simula noong gabi na 'yon, lagi ko na siyang kasama. Minsan nagrereklamo siya, pero sinasamahan pa rin naman niya ako. Arte eh. Sinasabi pa niya na baka iyon na talaga ang purpose niya sa buhay, ang samahan akong uminom ng alak.
Simula talaga noon ay mas nakilala ko pa siya. Hindi naman siya talaga 'yong tahimik lang. Ang dami nga niyang reklamo kapag kasama ko siya. Alam ko na nga rin lahat ng mga favorite niya. Sobrang dali niya lang basahin. Maiisip mo agad kung ano ang mga tumatakbo sa isip niya.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...