Chapter 19:
Aviel Shine's P.O.V
"Si Pres Shine at Gov Kennedy na lang isali sa pageant!"
Agad akong napatayo at humarap sa mga kasama ko rito nang marinig ang pangalan ko.
"Bakit ako?!" Agad na sabi ko. Nananahimik ako rito, e.
Natawa naman ang katabi kong si Kennedy sa naging reaksyon ko. Isa pa 'to. Nakakainis.
"Pumayag ka na, presi." Sabi ni Rayu. Kaibigan nitong si Kennedy.
"Ayaw ko! Iba na lang!" Sagot ko.
May meeting kami ngayon. Kasama namin ang ibang strand ng grade 11 dahil malapit na ang foundation week.
"Final. Ikaw na Shine." Napatingin ako kay ma'am Tamayo. Magrereklamo na sana, pero nilista na niya ako at si Kennedy.
Padabog akong umupo at sumimangot. Sumama pa ang loob ko nang tawanan ako ni Kennedy. Kanina pa 'to!
Agad ko siyang siniko kaya napadaing siya.
Hanggang sa matapos ang meeting ay nakabusangot pa rin ako. Plano ko pa naman maging low-key lang this year! Pero ni-elect akong President ng Senior High department at isinali pa sa pageant! Naman!
"Tara sa Begin Again café para mawala na 'yang sama ng loob mo." Pagtawa ni Kennedy at inakbayan ako. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa'kin. Baka ma-issue na naman kami!
Bawal 'yon. Hindi raw bagay ang STEM student at ABM!
"Dapat kasi nagreklamo ka rin kanina para hindi tayo ang sinali ro'n!" Bulyaw ko sa kan'ya, pero tumawa lang ulit. Kainis. Ang pogi kasi niya tumawa. Ayyy! Mali. Pangit niya pala.
Napatigil kami sa paglalakad. Kunot noong napatingin ako sa kan'ya at bubulyawan na sana nang mawala sa mukha niya tawa at nakatingin lang doon sa labas ng gate.
Napatingin din ako roon. May isang lalaki roon na nakatayo at diretyo lang din ang tingin kay Kennedy.
"Bawi na lang ako bukas sa'yo, Shine. Una na ako." Baling niya sa'kin. Nakangiti siya, pero iba iyon sa mga ngiting nakasanayan ko. May mali roon sa ngiti niya ngayon.
Since grade 7, kilala ko na siya. Sa totoo lang, hindi kami magkasundo noon dahil sa acads. We're academic rivals.
May time noon na nakiusap pa siya sa'kin na 'wag ko masyadong galingan. As a competitive shit, bakit ko naman susundin ang sinabi niya? Pero na konsensya rin agad ako noong nalaman ko ang dahilan kung bakit niya sinabi iyon sa'kin.
Malaki ang expectations sa kan'ya ng pamilya niya. Dapat lagi siyang nasa top. Dahil sa'kin, naramdaman niya ulit na parang disappointment siya sa Daddy niya.
Umiyak pa siya noong sinasabi sa'kin na kung p'wede ay 'wag ko masyadong galingan. Akala ko inuuto niya lang ako.
Since the day na nalaman ko ang pinagdadaanan niya sa tuwing ako ang nasa top, ay hinayaan kong mataasan niya ako.
Okay lang naman sa'kin 'yon. Malaking achievement pa rin naman para kay Daddy ang maging top 2. Pero sa kan'ya, disappointment iyon sa pamilya niya.
Since then, naging magkaibigan na kami. Until now kahit na magkaiba na kami ng strand. He even joked one time na hindi ko na kailangan imali ang isang item sa exams namin kasi magkaiba na kami ng strand at hindi na kami magkaklase.
Nang mawala sila sa paningin ko ay dumeretyo ako sa Student council office. Naabutan ko pa roon si Maurio na grade 10 representative.
Hindi niya ako pinansin noong pumasok ako. Gan'yan naman 'yan siya. Masungit. Mga kabataan talaga ngayon. Haysss.
"What?" Kunot ang noong tanong niya nang mapansin na kunot noong nakatingin ako sa kan'ya.
"Wala, uutusan lang kita." Sagot ko at nilagay sa tapat niya iyong mga hindi ko natapos na paper works na dapat ko ipasa sa adviser ng Student council. Mga concerns and some ideas lang para sa mga upcoming events ng school namin 'yon.
"Bakit ako? Hindi ba dapat 'yong secretary gagawa nito?" Sabi niya. Apaka tapang. Akala mo talaga siya 'yong President dito. Charrr.
"Nakikita mo ba ngayon dito si Sec? Diba wala? Kaya ikaw na, may gagawin pa akong report huhu." Sagot ko at umupo sa tapat niya at nilabas 'yong mga libro ko.
"Fine, Pres." Inirapan pa niya ako. Ang sarcastic pa no'ng pagkakasabi niya ng 'Pres'. Itong batang 'to.
Days passed smoothly. Foundation week. Busy na naman tuloy ako kasi ako ang President ng Student council tapos abala pa sa practice sa pageant! Ako na talaga ang isinali. Pero okay lang, kasama ko naman 'tong si Kennedy na kanina pa ako inaasar!
"Tabi naman," Nakatingin ako sa nagsalita. Si atabs Maurio pala. Busangot na naman ang mukha. "Wala kayo sa park para maglandi—"
"Hoy!" Pigil ko sa kan'ya. "Hindi kami naglalandian ah." Patuloy ko. Tumawa naman si Kennedy.
"Aminin mo na kasi, Shine na tayo na—" Siniko ko siya nang sabihin niya 'yon. Ang lakas pa ng boses, e nandito kami sa stage at nandito rin 'yong iba pa naming kasama sa student council.
"Hoy kayo ah, kayo na pala!" Sabi ni Rica. Ang Secretary ng SC.
"Paniwala naman kayo agad kay Kennedy! No way! Hindi pa siya nakakalahati kay Seokmin mylabs ko!" Sagot ko. Agad naman akong sinabunutan ni gaga.
"Delulu! Hindi ka kilala no'n!" Sinabunutan ko rin siya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa baba ng stage. Baka sabihin bad influence pa kami sa mga students, mga naturingan pa namang student body.
"Hindi ko naman lalabanan ang mga idol mo sa pagwapuhan, pero kung pagmamahal lang din naman ang labanan, masasabi kong panalo na ako. Kasi mahal na mahal kita." Nakangiting sabi nitong si Kennedy. Nagsigawan pa ang mga kasama namin na nakarinig doon.
Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Bwesit na Kennedy 'to!
"Ang corny mo!" Kunwaring naiinis na sabi ko, pero napangiti rin naman kaya inasar pa kami nitong mga loko-loko naming mga kasama. Oo na nga, kinilig na ako!
Matapos namin mag-ayos sa stage ay nag-practice na kami para sa pageant. Nakakainis pa kasi ngiting-ngiti si Kennedy sa'kin. Hindi tuloy ako makapag-focus.
Ikaw ba naman kasi titigan ng isang Kennedy Vincent Ojeda habang rumarampa!
After ng practice namin ay sabay kaming papunta sa court. May laro siya sa basketball.
"Kapag manalo kami, payag ka na ba?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang court.
"Payag saan?" Maangan na tanong ko. Alam ko naman kung ano ang sinasabi niya.
"Ligawan ka." Diretyong sagot niya. Napatingin ako sa kan'ya at nagtama ang mga mata namin. Nakangiti siya sa'kin. Sobrang ganda ng ngiti niya. Parang gusto kong protektahan sa kahit na anong sakit 'wag lang mawala iyon.
"Hmmm." Tumango ako. Nakangiti. Agad naman na lumawak ang mga ngiti niya. Yayakapin pa sana ako, pero agad akong tumakbo.
"Shine! Sandali lang naman!" Sigaw niya at hinabol ako. Natatawa pa nga. "Seryoso ka ba?" Tanong pa niya.
"Oo nga, kaya dapat galingan mo na!" Sagot ko. Tumigil na kami sa pagtakbo dahil nasa school court na kami. Maraming tao sa bleachers.
Nanalo nga sila noong araw na iyon. Sobrang saya niya kasi sa wakas pumayag na akong ligawan niya ako.
Sobrang effort niya bilang manliligaw. Minsan binibiro ko pa siya na baka ngayon lang 'yon kasi nanliligaw pa lang siya tapos magbabago na siya kapag nakuha na niya ang mga matamis kong 'Oo'.
Pero ang lagi niyang sinasabi ay, "Ang tanga ko naman kung papakawalan ko 'yong matagal kong hinangad."
And since then, I know he's the one I wanted to be with for the rest of my life. But the destiny is such a player. At isa kami sa napili niyang paglaruan.
__________
__________
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...