Chapter 14

80 12 17
                                    

Chapter 14:

[3 Years later]

Redion Axel's P.O.V

"Axel, may duty ka?" Sigaw na tanong ni Zack nang makita niya ako. Nasa labas siya ng bahay nila, nakatambay. Wala bang trabaho 'to?

Kumunot ang noo ko, "Naknampucha, hindi ba obvious? Naka uniform ako, 'di ba?" Inis na sagot ko na siyang ikinatawa niya.

Minsan tanga rin 'to, e. Alangan naman maglakwatsa ako na suot ang uniform ko? Umay. Tumanda na lahat-lahat, tanga pa rin.

"Paalala ko lang ulit, baka makasalubong mo si forever mo." Tawa pa niya. Laging gan'yan ang sinasabi. Nakababanas. Hindi ko siya pinansin. Wala naman siyang dulot. Puro kalokohan lumalabas sa bibig, e. Sarap busalan.

Wala namang forever.

Napailing na lang ako at binilisan ang lakad. Baka sa traffic ako ma-stuck forever kung hindi ko binilisan. Kung kailan naman kasi tag-ulan ay saka pa nasira 'yong kotse.

"Axel baby, hatid na kita." Napatingin ako kay Gio. Hindi ako tumigil sa paglalakad at naka-sunod lang naman ang kotse niya sa'kin. "Nagtatampo ka naman agad, baby. Sige na sumakay ka na." Rinig na rinig ko ang nakaiinis niyang tawa kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Tangina, Gio. Paurong ba 'yang takbo ng utak mo?" Sa sinabi ko kay napahawak pa siya sa dibdib niya na parang sinaktan ko siya ng malala. Naknampucha. Bakit ba ganito sila? Puro isip bata.

Dahil feeling ko male-late ako ay sumabay na ako sa kan'ya. Madadaanan din naman niya ang Hospital kung saan ako nagtatrabaho. Papasok na rin siya sa trabaho.

Kumunot ang noo ko dahil puro kanta ng Ex-b ang nagpe-play sa radio. Hayaan Mo Sila pa 'yon.

"Twenty-twenty six na pero ex-b enjoyer ka pa rin. Palitan mo nga ng Taylor Swift!" Sabi ko at hindi na siya hinintay na pumayag. Pinalitan ko na.

"Tang ina. Umay na umay na ako sa All Too Well ten minutes version, paawat ka naman." Angil niya, pero hindi ko siya pinansin. Kaysa naman sa Hayaan Mo Sila na music taste niya.

Now playing... Begin Again by Taylor Swift.

But on a Wednesday in a café
I watched it begin again.

"Boy, balita ko ang may-ari ng Hos—"

"Alam ko na 'yan. Huli ka na sa balita." Putol ko sa kan'ya. Baka kasi kung saan na naman mapunta ang usapan kapag binanggit pa niya ang pangalan niya.

Ang lakas din kasi mang-asar ang tadhana. Hindi nga ako nag-apply sa Rios Hospital, e. Pero nalaman ko noong nakaraan na sa kanila rin pala ang Hospital kung saan ako ngayon nagtatrabaho.

"Three years na rin pala 'no? Kumusta naman puso mo?" Tanong niya saka tumawa. Nakakasira ng araw 'yong tawa niya. "Wala ka nang kalandian since then, baka mamaya tumanda ka nang binata." Sabi pa niya.

Hindi ko sinagot ang sinabi niya dahil nasa tapat na kami ng Hospital kaya bumaba na ako. Baka kapag nagtagal pa ako sa loob ng sasakyan niya ay baka siya na ang sunod naming pasyente.

"Boy, hindi ka pa ba nakaka-move on?" Habol pa niya. Tinaasan ko siya ng gitnang daliri at hindi na siya pinansin. Diretyo na lang akong naglakad papasok. Narinig ko pa ang mga tawa niyang nakaaasar.

Naka-move on na nga ba ako?

Dapat ay oo. Three years. Three years na 'yong lumipas kaya sure akong wala na. Hindi ko na rin kasi iniisip. Sumasakit lang ang ulo ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga nararamdaman ko. Nag-focus na lang ako sa trabaho kaysa isipin ang sinasabi ng puso ko.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon