Chapter 18

96 12 15
                                    

Chapter 18:

Redion Axel's P.O.V


PAGKARATING namin sa bahay nila Vito ay parang may family reunion bigla. Ang daming tao. Nandito lahat ng mga Solinas.

Curious din ako kung kanino ikakasal si Vito. Walangya. Ito na nga ba ang sinasabi namin, e. Hahahaha.

"Nakabuntis ang walangya." Sabi ni ate Alta nang tanungin namin siya. Nasa loob ang pamilya no'ng nabuntis niya at sila Tito Mario at Tita Malou. Nasa loob din daw si Vito.

"Sino ang nabuntis niya?" Tanong ni ate Gianna. Tumawa pa siya. Kahit ako natatawa rin sa nangyayari na dapat ay hindi namin tawanan kasi malaking responsibilidad 'yon.

"Si—"

"AYO'KO!" napatingin kaming lahat sa loob nang may sumigaw. Si Vito. Anong ayaw niya? Ayaw niyang panindigan?

Nakita namin na diretyo siyang lumabas ng bahay nila. Nilagpasan pa kaming lahat na parang hindi niya kami nakita. Gago?

Nasagot ang mga tanong namin nang lumabas si Rio. "Paninindigan naman daw niya, pero ayaw niyang ikasal sila." Naiiling na sabi niya. Halatang stressed sa nangyayari sa kapatid niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni ate Alta nang mukhang aalis siya. Tumingin pa siya sa'kin na nakangisi saka sagutin ang tanong ni ate Alta.

"May susunduin lang." Sagot niya.

"Babae 'yan 'no?" Tanong ni Zack. Mas lalong ngumisi si Rio. Parang gago.

Tumambay lang kaming lahat sa labas ng bahay nila Vito. Nasa tabi ko rin si ate Gianna na kanina pa ako kinukulit tungkol kay Aviel.

"Ayaw ko nga."

"At bakit? Gusto ko nga makilala!" Bulyaw niya sa'kin. Babatukan pa sana niya ako pero tumayo ako at lumayo sa kan'ya. Hinabol pa ako. Hindi ako nakapalag agad kaya nayakap niya ako para agawin ang phone ko.

"Si Shine!"

Napabitaw sa'kin si ate Gianna at agad na napatingin sa gate nang sabihin iyon ni Gio. Ako rin ay napatingin doon. Nandoon nga siya. Kasama ni Rio.

Nagtama ang mga mata namin, pero umiwas siya ng tingin at sumunod kay Rio. Nilagpasan niya ako at sila Gio ang kinausap niya.

"Siya ba 'yon?" Bulong sa'kin ni ate Gianna. Lumapit siya sa'kin at inangkla ang kamay sa braso ko.

Nagtama ulit ang tingin namin ni Aviel. Nalipat ang tingin niya sa kamay ni ate Gianna na nakahawak sa'kin. Naknampucha. Baka kung ano isipin niya!

Umiwas din siya agad at kinausap si Rio. Hindi ko narinig ang usapan nila. Sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

"Bakit hindi ka pinansin?" Tanong ni ate Gianna. Umalis na siya sa pagkakahawak sa'kin.

"Kasalanan mo." Sagot ko at nakasimangot na umupo ulit.

Nagtawanan sila Gio at Zack. "Boy, nagselos. Gumana ang panggagayuma mo!" Sabi pa ni Gio at lumapit sa'kin para lang yakapin ako. Walangyang 'yan.

"Tara sa loob." Sabi ni ate Alta. Sumunod naman kami agad. Gusto na namin makita kung sino ang nabuntis ni Vito.

Nagulat pa kami dahil kilala namin iyong babae. Kaibigan pala ni Aviel.

Pagkapasok namin sa loob ay lumapit na naman sa'kin si ate Gianna. Kainis. Halatang may pinapatunayan kasi.

Ang sama tuloy ng tingin sa'kin ni Aviel.

Naglabas ng alak si ate Alta. Inuman na naman.

"So, you're Aviel Shine?" Gusto ko na takpan ang bibig ni ate Gianna. Palihim akong napatingin kay Aviel. Tumango lang siya sa tanong ni ate Gianna. "I'm Gianna. Registered nurse. Nice to meet you." Sabi niya.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon