Chapter 13:
Redion Axel's P.O.V
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ulit ako sa sala, pero wala na sila sa sala. Pumunta raw sila kila Vito.
"Sumunod ka raw roon." Sabi ni Mama. Umiling ako saka umupo sa sofa. Binuksan ang TV para roon mag-play ng Spotify.
"Dito na lang po ako." Sagot ko. Nang tignan ko siya ay nang iintriga ang tingin niya sa'kin.
"You like that girl, right, Axel?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin. Wala talagang duda, nasa lahi ng mga Solinas ang maging tsismosa.
"Hindi lang gusto Tita," biglang lumabas mula sa kusina namin si Gio kaya napaayos ako ng upo. Akala ko ba nando'n na sila sa bahay nila Vito? "Mahal niya po, Tita." Patuloy niya kaya hinahis ko sa kan'ya ang throw pillow.
"Totoo ba 'yon, Axel?" Nakangiti na ngayon si Mama. Tumaas-baba pa ang kilay niya.
"Tita, hindi ako nag—"
"Tigil mo na nga 'yan, Gio. Ma, 'wag kang maniwala diyan." Kunot ang noong sabi ko. Tumawa silang dalawa.
"O'sige, sabi mo, e. Maiwan ko na kayo at may duty pa ako. Nag luto ako roon, Axel. Kumain ka na lang kung gusto mo. Alis na ako." Sabi ni Mama at mabilis akong halikan sa pisngi kaya kumunot ang noo ko. Tumawa pa si Gio nang makita iyong ginawa ni Mama. Haysss.
"Inuman daw, Kaps. Tara roon." Sabi ni Gio nang makalabas si Mama.
"Umagang-umaga inuman." Sagot ko. Tumawa naman siya.
"Well, hindi kompleto ang araw na hindi umiinom ng alak si Vito." Sabi niya. Totoo naman nga. Kakambal na ni Vito ang alak.
Bilib talaga ako sa atay no'ng hayop na 'yon.
"Pass," Masakit na ang ulo ko sa course na pinili ko tapos iinom na naman? Para ko na rin pinapatay sarili ko.
"Nandoon si Shine, kaps." Agad akong napatingin sa kan'ya. Tumawa siya ng malakas kaya binato ko ulit siya. "Tara na." Sabi niya at lumapit sa'kin para hilain ako.
"Ayaw ko nga." Sagot ko. Hindi pa ako handa harapin siya matapos ang mga sinabi ko kagabi sa kan'ya.
"Bahala ka." Sabi niya saka lumabas na ng bahay. Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako papuntang kusina at kumain na lang.
Mga siraulo rin, e. Sinasabi na kalimutan ko na si Aviel, pero tinutulak-tulak din naman ako sa kan'ya. Kung hindi ba naman mga siraulo.
Nang matapos kong kumain ay tinignan ko ang phone ko na nasa coffee table dahil kanina pa tunog nang tunog ang notification ng messenger.
The Solinas'
Giovanni Lerron
Solinas [Gio]:boy @Redion Axel sunod ka na
HAHAHAHAHAHAHADavion William
Solinas [Dave]:kaps, si bebe mo ang kulit
HAHAHAHAHAHAAltagracia Madeline
Solinas [Alta]:HAHAHAHAHAHAHAHA
@Henrick Gavin kaya pa ba?Henrick Gavin
Solinas [Ricky]:shuta. Ito pala ang type
ni Axel😭Zackary Nolan Solinas
[Zack]:
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...