Chapter 30

111 3 0
                                    

Chapter 30:

Redion Axel Solinas' POV





"Teka lang," tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Nang tignan ko siya ay halatang kinakabahan siya.

Lumapit ako sa kan'ya para hawakan ang kamay niya. Nanlalamig 'yon.

"It's okay. Mabait si Mama." I assured her. Halatang may takot siya kapag usapang meet the parents. Siguro dahil sa nangyari noon sa kanila ni Kennedy.

"I—I know... kinakabahan lang ako." Mahinang sagot niya. Ngumiti ako sa kan'ya saka halikan ang ulo niya.

"Ako rin, e. Tara na." Sagot ko. Huminga naman siya ng malalim saka tumango.

"Okay, tara." Sagot niya at sabay na kaming pumasok sa bahay namin.

"Oh, pupunta na sana ako sa bahay nila Rio." Nagulat pa si Mama nang buksan niya ang pinto at nakita kami roon.

Napangiti siya nang makita niya ang magkahawak naming kamay ni Aviel. Napalunok pa ako. Kinakabahan din. Hindi ko alam kung 'yong kamay ba niya ang nanlalamig, o yung kamay ko, e.

"M—ma, si Aviel." Napalunok ulit ako. Parang namamaga ang lalamunan ko. "G—girlfriend ko po." Patuloy ko.

"H—hello po."

Hindi naman nawala ang ngiti ni Mama. Nagulat pa ako nang bigla siyang lumapit kay Aviel at niyakap niya.

Halatang nagulat din si Aviel nang gawin 'yon ni Mama.

Kahit may duty na si Mama, nanatili pa siya saglit sa bahay para lang sabayan kami ni Aviel kumain. Kanina pa sila nagkukwentuhan. Hinayaan ko na lang muna sila at nagpaalam na maliligo muna.

Pagbalik ko ay nagpaalam na rin si Mama dahil tinatawagan na raw siya sa hospital.

"Gano'n pala ang pakiramdam na tanggap ka ng magulang ng mahal mo." Sabi niya.

Naiwan naman kami ni Aviel dito sa bahay. Nandito kami ngayon sa labas at nakaupo habang nakatingin sa palubog na araw.

Nakangiti siya. Halatang masaya.

"Thank you," sabi pa niya. "Thank you sa lahat, Axel." Nakangiti siya, pero may pumatak na luha sa mata niya.

"Hindi ko alam kung ano ba ang nakain mo at nagustuhan mo ako, pero kung ano man 'yon, salamat din doon." Sabi pa niya at pinunasan ang luha niya, medyo natawa pa dahil sa huling sinabi. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang nagsasalita siya.

"I won't promise anything, but I will love you the way you deserve it." She added. "Hindi ko pa nasasabi sa'yo 'to, pero Redion Axel, I love you. Not because you love me, but because you deserved to be love. S—sana hindi ka magsawa na mahalin ako—" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Agad ko siyang niyakap.

"Shhhh. Huwag mong iisipin na magsasawa akong mahalin ka, Aviel. Dahil hindi 'yon mangyayari. Mahal din kita. Mahal na mahal."



----




Birthday na niya bukas. December 12.

Kanina pa ako tambay rito sa X. Sumali kasi ako ng SB19 concert ticket giveaway.

Gustong-gusto kasi ni Aviel na pumunta sa concert nila sa birthday niya kaya gumawa talaga ako ng paraan para makahanap ng ticket.

"Hoy, may utang kang tsismis sa'kin." Napahawak ako sa braso ko nang hampasin ako ni ate Gianna. Nandito ako ngayon sa hospital kung saan kami nagtatrabaho. Nag apply rin kasi siya rito. Break time namin ngayon kaya nandito kami sa canteen.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon