Chapter 15

91 11 13
                                    

Chapter 15:


Redion Axel's P.O.V




NAGISING ako na masakit ang ulo. Naparami ako ng inom kagabi? Naknampucha. Paano ako nakauwi?

Wala akong maalala!

"Gising ka na." Napatingin ako sa pinto nang magsalita si Ate Alta. Automatic tuloy na napatingin ako sa buong kwarto. Wala ako sa bahay.

"Ano? Wala kang maalala?" Kunot ang noo niya. Tumayo ako at hindi siya sinagot kaya sinundan niya ako. Nahihilo ako, pero sinikap kong huwag matumba. "Kung ano-ano raw sinasabi mo kay Shine kagabi." Patuloy niya kaya napatigil ako sa paglalakad. Parang nawala ang hilo ko dahil sa narinig.

Shit! Doon lang bumalik sa utak ko ang katangahan ko kagabi!

"Huy," May tumapik sa pisngi ko. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko maidilat ang mata ko. Bwesit na 'yan. Last na inom ko na 'to!

Hindi ko pinansin ang tumapik sa'kin. Masakit talaga ang mata ko. Pati ulo! Inang alak 'to.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit lang. Hanggang sa may marinig akong umiiyak.

Napamulat ako ng mata. Nasa harap ko ngayon si Aviel. Umiiyak.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kalasingan 'to o talagang nakikita ko siya ngayon sa harap ko.

"B-bakit ka umiiyak? Na naman?" Halatang nagulat pa siya nang sabihin ko iyon. Napahawak siya sa mukha niya at doon niya lang yata na-realize na umiiyak siya.

"Is it because of him?" Tanong ko ulit. Ang sakit naman kung gano'n. Hanggang ngayon si Kennedy pa rin?

"Hindi ako umiiyak." Sagot niya at tumayo. "Okay ka na ba? Tara na." Sabi pa niya.

Hindi ako sumunod. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kan'ya.

"Ilang taon na ba, Aviel? Four years?" Tumawa ako. Grabe naman 'yon. Sa mga taon na 'yon, siya lang, e. Tapos siya, mula noon hanggang ngayon si Kennedy pa rin. Ayos naman.

"Lasing ka na."

"Hindi." Sagot ko. "It's still him, right, Aviel? Grabe naman. Hanggang ngayon siya pa rin talaga? P'wede bang ako naman? Hindi pa rin ba p'wede? Gano'n ba ako kahirap mahalin? O kahit magustuhan man lang?"

"What the fuck!" Napahawak ako sa ulo ko.

Drunk confession? Talaga ba, Axel? Tang ina naman. Akala ko ba dapat ay wala ka nang nararamdaman sa kan'ya?

"Ano naalala mo? Mahal mo pa rin ba siya?" Tanong ni ate Alta. Nang lingunin ko siya ay kunot ang noo niya habang nakasandal sa door frame ng kwarto ni Rio.

Hindi ako sumagot at bumaba sa hagdan.

"Redion Axel!" Napatigil lang ulit ako nang tawagin niya ako. Mariin akong napapikit.

"Kung sabihin kong mahal ko pa rin siya, wala namang magbabago ate Alta. She's still stuck to her past." Sagot ko. "Pakisabi na lang sa kan'ya na sorry sa mga nasabi ko kagabi. I didn't mean it. Lasing lang ako." I added.

Hindi ko na hinintay na magkapagsalita pa siya ulit. Naglakad na ako palabas ng bahay nila na may mabigat na dibdib.

It's almost four years, Redion Axel!

Bakit ba hindi ka na lang mag-move on? Hindi lang siya ang p'wede mong mahalin. Maraming iba riyan.

Ano bang mayroon sa kan'ya na wala sa iba? Wala namang kakaiba sa kan'ya, 'di ba? Kaya bakit? Wala ngang kakaiba sa kan'ya, pero tang ina. Siya 'yon, e. Kahit siguro makakita ako ng sinasabi nilang pinakamagandang babae sa buong mundo, sa kan'ya pa rin ako titingin.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon