Chapter 12:
Redion Axel's P.O.V
"Hala gagi, bakit sa sementeryo?! May balak ka ba sa'kin?" Hinampas niya ako sa braso habang sinasabi iyon. Kumunot ang noo ko at napamura na lang ako sa utak nang ma-realize ang nasa isip niya. Naknampucha.
"Aray ko naman." Hinampas niya ulit ako. Napalayo ako sa kan'ya dahil ang sakit. "May bibisitahin tayo. Kung ano-anong iniisip ah." Patuloy ko. Napahawak pa ako sa batok ko. Naknampucha! Ang berde ng utak, e. Ni hindi ko nga naisip 'yon!
Naglakad na kami papasok sa sementeryo hanggang sa tumigil kami sa isang puntod.
"Freyalyn Axis Solinas Ojeda." Pagbasa niya.
"Siya ang ate ko." Sabi ko sa kan'ya. Tumingin naman siya sa'kin kaya ngumiti ako. Siguro narinig na niya rin ang tungkol kay Ate.
"May tanong lang ako." sabi niya. Tumango ako. Umupo ako sa tabi ng puntod at tinanggal ang mga dahon na nandoon.
Mabuti na lang at tumigil na rin ang ulan.
"Bakit hindi mo ginagamit ang Ojeda?" tanong niya at tumabi sa'kin. Nag-hi pa siya kay Ate. Napangiti tuloy ako, pero agad ding nawala nang lingunin niya ako.
"Ayaw ko lang gamitin." Sagot ko. Kumunot ang noo niya, pero hindi na nagtanong. Matagal na simula noong pinalitan ko ang surname ko ng apilyedo ni Mama. Ayaw kong gamitin ang surname ng tatay ko.
Wala na nagsalita sa'min. Ayaw ko rin naman magtanong.
"Bakit ka nandoon kanina?" pagbasag niya sa katahimikan. Nang tignan ko siya ay nakayuko siya. Nilalaro niya ang mga kuko niya.
"Nagkataon lang." Sagot ko.
"P'wede ba akong maglabas ng sama ng loob?" Mahinang sabi niya. Tumawa pa, pero agad na napalitan ng hikbi ang mga tawa na 'yon.
"Ilabas mo lang, makikinig ako." sagot ko.
"Mahal na mahal ko siya, Redion." Hikbi niya. Napatingin na lang ako sa madilim na kalangitan. Parang ilang sandali ay babagsak na naman ang ulan. Parang 'yong luha ko lang, pabagsak na rin yata.
"Nakatatangina lang kasi hindi pala talaga sapat na mahal niyo lang ang isa't isa. Kailangan din pala ay tanggap ka rin ng pamilya niya." Tumawa siya. Mapakla.
"Mahal ko siya. Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, gugustuhin kong hindi ko na lang siya makikilala." Sabi pa niya. Mas bumilis ang pagtaas-baba ng balikat niya.
Hindi ako nagsalita. Nakikinig lang ako sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya na parang mga palaso na tumatama sa'kin.
"Tito niya ang lalaking sumira sa pamilya ko." Doon ako napatingin sa kan'ya. "Dapat doon pa lang pinigilan ko na ang sarili ko. Doon palang dapat umiwas na ako." Patuloy niya.
Napayuko ako. "Ang Tito niya na sinasabi mo..." mahinang sabi ko. Naramdaman ko na tumingin siya sa'kin. "...ay siyang t-tatay ko." Nahihirapang patuloy ko.
Natahimik ulit kami. Tang Ina talaga. Kahit pala walang Kennedy sa buhay niya, hindi pa rin ako pwede dahil tatay ko ang sumira sa pamilya niya.
"Sorry," mahinang sabi ko. "Sorry, dahil ang walang hiyang tatay ko ang sumira sa pamilya niyo." Patuloy ko. Naiyukom ko ang kamao. Mas lalong nadagdagan ang galit ko sa lalaking 'yon.
"Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ikaw ang—"
"Aviel," putol ko sa kan'ya. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ako umiwas. Gano'n din naman siya. "I... I like you. No... I love you, Aviel." Diretyong sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...