Chapter 16:
Redion Axel's P.O.V
NANG nasa labas na kami ng bahay nila ay roon ko lang napansin ang itsura niya.
She's wearing a white midi lace dress paired with a white sandals. Nakaayos din ang buhok niya. Sobrang ganda niya. Simple but elegant.
"In love ka na naman sa'kin. Tara na." Sabi niya at binuksan ang pinto ng kotse na dala ko.
Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Pero tama naman siya. In love na naman ako sa kan'ya. I mean, matagal naman na.
Napailing at pumasok na lang din ako sa kotse. Bago ko paandarin ay binuksan ko pa ang radio. Naaamoy ko na kasi ang awkwardness sa loob ng kotse.
"Fan na fan ka talaga ni Taylor Swift 'no?" Kunot ang noong tanong niya. Tumango lang ako at in-start ang engine. Tinatahak na namin ngayon ang daan papunta sa venue ng kasal ni Kennedy at Fiona.
'August' is now playing.
'Cause you weren't mine to lose
You weren't mine to lose, no"Anong fav album mo?" Tanong niya. "Ako kasi 'yong Red na album niya." Patuloy niya. Napatingin ako sa kan'ya saglit.
"Buti pa 'yong Red album favorite mo." Bulong ko. "Red din naman pangalan ko. Ako na lang maging fav mo."
"Ano?" Napatingin ako sa kan'ya. Kunot ang noo niya.
"Wala." Sagot ko at pilit na nag-focus sa daan. Kung ano-ano kasi sinasabi ko. Mamaya niyan ma-turn off siya bigla. Paano na lang ang love story namin?!
"So, ano nga ang fav album mo?" Pag-ulit niya sa tanong niya kanina.
"Fearless." Tipid na sagot ko. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango niya.
"Anong fav song mo do'n?" Tanong na naman niya.
"You Belong With Me." Tipid na sagot ko ulit.
"Ah," tumango-tango siya saka awkward na tumawa. "Ako fav song ko ni Taylor ano, Red." Patuloy niya pa.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil hindi makaisip ng sasabihin.
"Fan ka rin ba ng OPM?" Tanong na naman niya. Alam kong itatanong niya 'to. Fan kasi siya ng OPM. Lalo na sa Ppop.
"Not really," sagot ko. May ibang local artists lang akong pinapakinggan ang mga kanta nila. Like Ben&Ben and Cup of Joe.
"Support local artists oyy!" Kunot ang noong sabi niya kaya napangiti ako. Ang cute niya kasi. "Try to listen SB19's songs. Promise maganda." Patuloy niya. I know pero...
"Mas maganda ka." Diretyong sabi ko.
"Ewan ko sa'yo, Redion Axel!" Sigaw niya. Natawa pa ako, pero bigla niya akong hampasin sa braso. Mabuti na lang dahil nakatigil na kami. Nasa tapat na kami ng wedding venue.
"We're here." Napatingin siya sa labas.
"Tara na." Sabi niya at lumabas na kaya lumabas na rin ako.
Halata sa kilos niya na kinakabahan siya. Hindi kasi mapakali ang galaw niya. Nilalaro niya ang mga daliri niya, na lagi niyang ginagawa kapag kinakabahan siya.
"Sabihin mo lang kung gusto mong umuwi na." Sabi ko habang sabay kaming maglakad.
Maganda ang venue ng kasal. Garden wedding. Konti lang ang bisita. Family and friends lang yata ang invited.
"Ano ka ba, okay lang ako. Kararating lang natin uwi agad sinasabi mo." Sagot niya, pero kita ko ang panginginig ng kamay niya at nilalaro niya 'yon.
"Sure ka?" Tanong ko at tinuro ang kamay niya. "Your hands are shaking."
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...