Chapter 7:
Redion Axel's P.O.V
Hindi ko alam kung ano ang trip ng mga pinsan ko at naisipan nilang mangaroling rito sa street namin at sa kabilang street. Puro mayayaman daw ang nandoon.
Ayaw namin ni Rio sumama sa trip nila pero sinabihan kami ni Vito na ang KJ raw namin. Naknampucha. Paanong hindi magiging-kj, e puro kalokohan lang naman alam nila.
Nakahihiya naman sa kan'ya kaya sumama na kami. Mukhang iyon pa ang dahilan para magalit siya sa'min.
Dala ang mga kinuha nilang mga kaserola at sandok sa kusina nila ay naglalakad kami papunta sa unang biktima ng trip ni Vito. Siya talaga pakana sa lahat ng mga kalokohan na 'to, e.
Napayuko na lang ako nang magsimula silang kumanta. Nagsitahulan pa ang mga aso.
"Joy to da world da lord iskam let ert resib yur kingkiring kingking." Pagkanta nila. Naknampucha talaga. Pr-in-actice pa 'yan nila kanina.
Minsan gusto ko na lang silang itakwil bilang pinsan sa pinaggagawa nila.
Ang napamaskuhan namin ay naisipan nilang ibili ng mga groceries at ibigay sa mga street children. Si Ricky ang nag-suggest no'n. Malaki kasi ang bigayan doon sa kabilang street, tuwang-tuwa ba naman sila sa kalokohan ni Vito kaya malaki-laki rin ang napamaskuhan namin.
Kahit gaano sila kagulo, kasiraulo, at minsan ay nakakaasar dahil sa mga asaran namin, mababait naman sila. Hindi lang halata.
Sometimes, some people na hindi kami kilalang magpipinsan ay nami-misunderstood nila ang mga asaran namin. Pero gano'n talaga ang bonding namin. Gano'n namin pinaparamdam ang pagmamahal namin sa isa't isa.
Hindi man maintindihan 'yon ng ibang tao, pero para sa'min, normal lang sa'min ang mag-asaran sa mga nangyayari sa'min. Pero alam naman namin kung kailan magseseryoso.
Natapos ang pasko. Magbabagong taon na. Nandito ulit lahat kami kila Vito. Dito naman kasi talaga ang tambayan ng buong Solinas kapag ganitong may mga okasyon.
Nagkakantahan sila sa Videoke na ni-rent nila Tita Malou. Mama nila Vito.
Puro mga ilocano songs pa ang mga kinakanta nila at mga kanto songs. Nangunguna si Gio at Zack sa kantahan. Kung hindi ko sila kaano-kaano at narinig ko ang mga boses nila ay baka mai-report ko na sila sa baranggay.
Kinakanta ni Gio ngayon ang 'Classmate' ng Hambog ng Sagpro Krew.
"Unang araw pa lang minahal na kita, ah. Bakit ba ganito ang aking nadama." Pagkanta niya at gumigiling-giling pa. Naknampucha.
Ang sarap batukan dahil tinuturo-turo pa ako na parang ewan. Sinamahan pa siya ni Dave sa paggiling doon. Tawang-tawa naman ang mga magulang namin at ilan sa mga kapitbahay namin na in-invite nila Tita Malou.
Sumunod na kumanta si ate Alta. 'Kisame' by rhodessa ang nagpe-play ngayon.
Pero bakit ba, ang layo mo
Pwedeng sa'yo na lang akoNakatitig sa kisame
Kakaisip kung pa'no sasabihin sa'yoNa gusto
Gustong-gusto kita
Napapikit na lang ako at napailing ng pumasok siya sa isip ko.
Nitong mga nakaraang araw. Lagi ko siyang naiisip. Kahit ayaw ko. Makakita nga lang ako ng pusa naiisip ko na siya, e.
Naknampucha. Ilang beses lang naman na nakasama at nakausap ko siya, pero bakit ganito na ang naging epekto sa'kin?
"Guys may bisita!" Hindi ko pinansin ang sigaw ni Gio. Hindi naman na bago na may bisita rito. Malamang ay mga kakilala ni Vito lang mga 'yon.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...