Chapter 20:
Aviel Shine's P.O.V
"Ano ba 'yan, bakit kasi na-elect na naman ako!" Reklamo ko. Nandito ulit ako sa student council dahil nagpatawag ng meeting ang President ng SSB. Na-elect naman ako ngayon bilang 1st year representative!
Yes. That's right. Mabilis talaga lumipas ang oras kapag masaya ka. Ngayon hindi ko alam kung magiging masaya pa ako dahil sa rami ng pinapagawa ng mga profs namin. First year pa lang ako, pero pasuko na ata ako. Kung hindi lang talaga required mag-aral ay hindi ko na gagawin. Charrr.
"Reklamo ka nang reklamo, lagi ka naman active kasi as student leader." Sagot ni Kennedy. Yes. Tama kayo, kasama ko na naman siya. Wala naman atang araw na hindi ko siya kasama.
Simula noong grade 11, nililigawan pa rin niya ako. Mag 2 years na. Mahal ko naman siya, pero feeling ko hindi pa ako ready. Lalo pa at may mga bagay na pumipigil sa'kin.
Nalaman ko na Tito niya ang bagong boyfriend ni Mommy. Kadugo niya ang taong isa sa sumira sa dapat ay masaya naming pamilya.
Nasabi ko naman na 'yon sa kan'ya, and he understand din naman. Pero alam kong mahirap din sa kan'ya ang sitwasyon namin. Isa pa sa pumipigil sa'kin ay ang Daddy niya.
We both know na kapag pinakilala niya ako sa Daddy niya ay hindi niya ako matatanggap para sa anak niya.
Our family is not in good relationship. Hindi pabor si Daddy sa pagiging public servant ng Daddy niya.
"Tulala ka na naman." Napatingin ako sa kan'ya. Nagsimula na pala ang meeting. Hindi ko namalayan dahil sa pag-iisip. "Okay ka lang?" May pag-aalala sa boses niya.
Tumango lang ako saka ngumiti ng tipid. Nang matapos ang meeting ay sabay kaming naglakad palabas Student council office para pumunta sa guidance office. Parehas din kasi kaming student assistant doon.
May mga students na naman na pinapagalitan ni Sister Maria. Kilala ko na 'yong isa roon. Si Redion Axel. Pinsan daw ni Kennedy at pinsan din ni Rio.
Minsan ko na siyang nakasalubong sa SC office para sunduin siguro si atabs. Natawa ako dahil sa naisip. Inaasar ko kasi si Rio about doon, na nagpapasundo pa sa pinsan.
"Napaaway na naman siguro siya." Naiiling na sabi ni Kennedy kaya napatingin ako sa kan'ya. Nakatingin din pala siya sa kinaroroonan no'ng pinsan niya.
"Valid din naman ang dahilan niya para makipagsuntukan." Sagot ko. Nasabi na rin kasi ni Kennedy ang tungkol sa kapatid ni Redion Axel.
Lagi na namin nakikita si Redion Axel dito mula noong first day of class. Baka nga any moment ma-suspend na siya, e.
Nawala lang ang tingin namin kay Redion Axel nang tawagin kami ni Sister Anna. May inutos sa'min kaya agad na namin ginawa.
Matapos ang duty namin sa guidance ay sabay na kami ni Kennedy na mag-lunch. Sa food gallery kami kumain, kasama ang mga kaibigan namin sa student council.
"Titig na titig na naman si Master Kennedy kay Boss Shine." Tawa ni Brent. Isa sa mga kaibigan ni Kennedy. Naging tropa ko na rin sila dahil nga lagi ko naman kasi kasama si Kennedy.
"Wala, e. In love na in love ko sa kan'ya." Nakangiting sagot naman ni Kennedy. Agad ko siyang binato ng tissue. Tapos na kami kumain kaya nag-aasaran na sila.
"Grabe lakas ng tama!" Si Rayu. Hinampas-hampas pa niya ang kaibigan na natatawa pa. "Boss Shine, sagutin mo na kasi 'to." Patuloy niya. Natawa lang din naman ako.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...