Chapter 21:
Aviel Shine's P.O.V
"Uy, Redion Axel!" Tawag ko sa kan'ya. Mukhang nagulat naman siya. Tumingin pa nga sa likod niya. Gusto ko tuloy tawanan, pero 'wag na muna. Baka hindi niya ako tulungan, e.
"Pinsan mo 'yon si Rio 'di ba? Pasabi 'yong ID ko nasa kan'ya." Sabi ko. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Kumunot ang noo niya. Magpinsan nga sila ni Rio. Gan'yan din 'yong batang 'yon, e. "Sige na please? Nassa SC office na kasi siya, e." Sabi ko pa.
"Sige," tipid na sagot niya. Natuwa naman ako. Napatalon pa ako at niyugyog ang balikat niya. Hulog talaga siya ng langit!
Nawala lang ang tingin siya sa'kin nang magsalita ang guard. "Ano, hindi ka ba papasok? Mga kabataan talaga ngayon." 'To naman si kuyang guard masyadong judger.
Habang hinihintay si Redion ay umupo na lang ako sa gilid. Sakit na rin kasi ng paa ko sa pagtayo rito. Bahala na kung magmukha akong bululi rito.
"ID mo," Napatingala ako. Napangiti ako nang makita si Redion Axel dala ang ID ko. Agad akong tumayo at kinuha sa kan'ya 'yon.
"Thank you, iyon kasing batang pinsan mo, e hindi agad binigay." Sabi ko habang sinusuot 'yong ID.
Hindi naman siya sumagot at naglakad na ulit papasok sa university. Napailing na lang ako na sumunod sa kan'ya.
Napatigil lang ako nang may tumawag sa'kin.
"Shine!" Si Kennedy. Papasok pa lang siya. "Good morning." Nakangiting sabi niya. Ngumiti rin ako sa kan'ya at sabay na kaming naglakad.
Napatigil lang kami ng may kaguluhan sa may pathway. Kumunot ang noo ko nang makitang si Redion iyon.
"Don't you dare disrespect my sister!" Agad niyang sinuntok iyong lalaki. Lalapit na sana si Kennedy para awatin ang pinsan niya pero agad umawat ang guard. Nando'n na rin si Sister Anna.
"Go to guidance office now!"
Nagkatinginan kami ni Kennedy dahil sa nangyari. "Baka ma-suspend na talaga siya." Naiiling na sabi niya.
Habang kausap ng guidance counselor ang mga kabilang sa gulo kanina ay nakatayo lang kami parehas ni Kennedy sa labas ng guidance office.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Redion. Napatingin pa siya sa'min.
"Napaaway ka na naman?" sabi ni Kennedy. Hindi naman siya pinansin ni Redion. Nilagpasan niya lang kami. Napatingin ako roon sa kamay niya, dumudugo.
"Uy Redion Axel, dumudugo 'yang kamay mo." Sabi ko. Napatingin naman siya roon at parang doon niya lang na-realize na may sugat siya.
"Samahan ka na namin sa clinic —" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Kennedy nang agad siyang tumanggi at naglakad na ulit.
Nawala lang ang tingin namin sa papalayong si Redion nang biglang kaming akbayan ni Rayu.
"Tara canteen!" Sabi niya pa habang hila-hila kami papuntang canteen.
----
Tapos na ang klase ko. Pupunta ako ngayon sa gymnasium dahil nandoon si Kennedy.
Nakita ko pa si Redion na pupunta rin ata sa gymnasium.
"Hoy Redion!" Tawag ko sa kan'ya. Nagulat na naman siya nang makita ako. Parang naman nanonood siya ng horror sa tuwing nakikita ako. Haysss.
"Ano?" Tanong niya. Sungit.
"Sungit naman nito, okay na ba 'yang sugat mo?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya para matignan ang sugat niya. Agad naman niya iyon binawi sa pagkakahawak ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...