Chapter 10

128 15 19
                                    

Chapter 10:

Redion Axel's P.O.V


"Red," nawala ang tingin ko sa kanilang dalawa nang may humawak sa balikat ko. Si Cassie.

Nag-aalala ang tingin niya. Tumingin din siya sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. Nang tignan niya ulit ako ay bahagya siyang ngumiti.

"Gusto mo sumama sa'kin?" Tanong niya. "Don't worry, this is not a date." patuloy niya saka marahang tumawa. Natawa rin ako ng bahagya.

Napatingin ulit ako sa kinaroroonan ni Aviel at Kennedy. Bumuntong hininga na lang ako at tumingin na ulit kay Cassie.

"Tara na, 'wag mo na tignan kasi." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng gymnasium.

"P'wede ba ako magtanong?" napatingin ako sa kan'ya nang magsalita siya. Doon lang ako natauhan. Nandito na pala kami sa isang shop.

Hindi ko alam kung bakit nandito na kami.

"Ano 'yon?" sagot ko.

"Obvious naman na 'to, pero you like Shine?" Tanong niya. Nang tignan ko siya ay yumuko siya.

"No," Hindi naman talaga. Hindi ko lang siya gusto. Hindi naman ganito kasakit kung gusto ko lang siya.

"Kita ko nga. Hindi mo lang siya gusto." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko nang sabihin niya 'yon. Nakababasa ba 'to ng isip? O, sadyang madali lang akong basahin?

Tumawa siya, "it's obvious, Red. Masyadong halata sa mga galaw mo." sabi pa niya. Napailing pa siya.

Naglibot kami sa loob ng shop. Mga lumang gamit ang mga binebenta nila rito. Mga gamit noong 90's pa yata ang mga 'to. Hindi ko rin alam kung anong trip niya

"If you like her, I mean love her naman pala. Bakit hindi mo sabihin?" tanong niya habang nagtitingin sa mga tinitinda nila rito. Hindi ko alam ang tawag doon dahil hindi ko naman panahon 'to.

"Ayaw ko." Tipid na sagot ko.

"Bakit ayaw mo? Are you afraid na baka mawala ang friendship niyo or baka you're afraid of rejection?" Kunot ang noong tinignan niya ako.

"Mag change career ka na. Hindi yata maging nurse ang gusto mo." sagot ko. Tinawanan niya ako. Hinampas niya ako sa braso na parang tropa kami.

Hindi naman siya ganito kapag nasa school kami. Kilala siya bilang mahinhin at tahimik na tao, pero ibang-iba naman sa pinapakita sa'kin ngayon. Naknampucha. May saltik din naman pala siyang tinatago.

"I'm just curious, you know? Matagal na kasi kitang ino-observe." ako naman ngayon ang kumunot ang noo sa sinabi niya.

Hinampas niya ulit ako sa braso, "for your information, wala akong gusto sa'yo." agad na depensa niya. "My friend, Jessa just assume na may gusto ako sa'yo dahil lagi kitang pinagmamasdan. Tho, I'm just curious about you. Gusto kita maging kaibigan." Patuloy niya pa.

"Wala naman akong sinabi." Masyado siyang defensive. Pero halata naman na totoo ang sinasabi niya.

Madilim na nang lumabas kami sa shop. Nagyaya siya na kumain dahil nagutom na raw siya. Sa may malapit na karinderya na lang namin napagdesisyunang kumain.

"So, ano nga? Bakit ayaw mong umamin?" Ang kulit! Kanina pa niya 'yan tinatanong.

"Basta ayaw ko. Wala nang dahilan." Sagot ko. "Kumain ka na lang diyan."

"Alam mo, hindi p'wede na walang dahilan. Dahil kapag may dahilan ka para hindi umamin, mas madali kang makaka-move on." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon