Chapter 28: Present...
Redion Axel's POV
"I told you, it's always you." I assured her.
"E, bakit ayaw mong maging tayo na?" Humikbi siya. Nako po!
"Okay, tayo na."
"Kalmahan mo naman Kaps." Tinapik ni Rio ang balikat ko. Kinakabahan kasi ako. Kanina pa ako hindi mapakali. Panay ang tingin ko sa taas kung nasaan ang kwarto ni ate Alta. Nandoon kasi si Shine, natutulog pa.
"Paano kung bawiin niya 'yong sinabi niya kagabi?" Tanong ko sa kan'ya. Agad naman niya akong tinawanan.
"Overthink ka naman masyado, huwag kang mag-alala, mas hindi 'yon nagsisinungaling kapag lasing." Sagot niya.
Sabay kaming napatingin sa may hagdan nang may marinig kaming pababa.
Si Shine. Halatang inaantok pa. Masakit din siguro ang ulo niya dahil napahawak siya roon. Inom pa kasi.
Suot pa niya ang gray sweat pants ko at ang red hoodie jacket ko. Pinahiram ko kagabi dahil nilalamig siya. Ayaw niya raw buksan ang maleta niya.
Napatingin ako kay Rio nang tumayo siya. Hinawakan ko tuloy siya sa kamay.
Natatawa niya akong tinignan at bawiin ang kamay niya.
"Huwag mo akong iwan, gagi." Bulong ko sa kan'ya.
Parang gusto ko na siyang bigwasan nang ngumisi siya at humarap kay Shine na nakatingin na pala sa'min. Mukhang nagulat pa nang magtama ang mata namin.
"Maiwan ko na muna kayo rito." Sabi niya at mabilis na lumabas ng bahay nila.
Napahawak na lang ako sa batok ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan.
Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kan'ya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin kaya para naman akong hihimatayin sa kaba. Naknam. Kalma lang kasi, Axel!
"About last night," mahinang sabi niya. Umiwas din ng tingin sa'kin. Saglit din siyang tumigil. Parang iniisip niyang mabuti ang susunod na sasabihin.
I took a deep breath.
"It's okay. Alam ko naman na lasing ka lang kagabi kaya mo 'yon nasabi. I understand, Aviel." Sagot ko.
"No, I mean..." huminga rin siya ng malalim at naglakad palapit sa'kin. "Sure ka ba talaga sa'kin?" Tanong niya. Nangungusap ang mga mata niya. Para rin siyang naiiyak kaya hinawakan ko siya sa dalawa niyang kamay para iparamdam ko sa kan'ya na siguradong-sigurado ako sa kan'ya.
"Hindi pa ba halata? Una pa lang sigurado na ako sa'yo, Aviel." Sagot ko, looking straight to her eyes. "I won't promise anything, but I will do everything to make you feel how much I love you. Just give me a chance. Just one chance, Aviel." Patuloy ko.
Tumango siya. Para namang nahulog ang puso ko nang ngumiti siya.
Sa sobrang saya ng puso ko, hindi ko na napigilan na yakapin siya. Para pa akong tanga dahil naluluha pa ako.
Ganito pala kasaya. Worth it pala lahat ng overthink ko noon.
"Ay sorry, sorry." Agad na napahiwalay kami sa isa't isa nang marinig ang boses ni Gio. Bwesit na 'yan. Siya na naman?! Panira talaga ang walang hiya!
Nang masama ko siyang tinignan ay nagpipigil siya ng tawa. Tumalikod pa para itago 'yon, pero rinig na rinig ko naman. Sarap niyang sipain palabas.
"Lumabas na raw kayo, nandoon sa labas ang kainan hindi rito sa loob." Sabi niya na ngumisi-ngisi pa. Nagkatinginan pa kami ni Aviel at sabay ring napaiwas ng tingin dahil sa mga sinasabi ni Gio! "Mamayang gabi pa ang kainan dito sa loob." patuloy niya pa.
"Walangya ka." Sabi ni Aviel at agad na hinabol si Gio dahil sa kalokohan niya. Nang mahabol niya ay agad niyang itong sinakal. Tuwang-tuwa naman ang gago.
Salubong ang kilay ko na lumapit sa kanila at agad na inilayo si Aviel sa kan'ya. Agad naman siyang napahawak sa dibdib niya na parang sinaktan ko siya ng sobra. Nakakainis ampota.
"Oo sa'yo na 'yan, Axel. Hindi ko naman aagawin!" OA niyang sabi. Kung may labanan ng pagiging OA, ilalaban ko na si Gio do'n. Sure win na.
Narinig ko ang pagtawa ni Aviel kaya napatingin ako sa kan'ya. Agad naman niyang tinikom ang bibig, pero halata na nagpipigil din ng tawa.
"Oo, ibibigay ko naman ang sarili ko sa pinsan mo, Gio." Sagot niya at umiwas ng tingin sa'kin at inakbayan si Gio at sabay silang naglakad papunta sa likod ng bahay nila Rio dahil nando'n silang lahat. Hinihintay namin sila Vito galing sa munisipyo.
Tumikhim ako. Napahawak sa batok. Kinagat-kagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Naknampucha.
Pagkaupo ko pa lang sa tabi ni Aviel ay kan'ya-kan'ya na sila ng pang-aasar. Parang gusto ko na lang umalis, pero syempre kasama si Aviel.
"Kunwari walang pakialam si Kaps, pero kilig na kilig na 'yan sha." Sabi ni Zack. Napatingin ako sa kasama niya, 'yong jowa niya pala. Hindi na ako magsasana all kasi mayroon na rin naman ako. Hindi na ako magiging driver nilang dalawa!
"Shine, ngayon pa lang pinapaalalahan na kita, clingy 'yan si Axel." Natatawa pa si Gio. Kapag talaga bumuka bibig nito ang sarap busalan.
"Oo, sa sobrang clingy ko parang gusto na lang kitang yakapin sa leeg." Sagot ko. Ang lakas na naman ng tawanan nila. Naknampucha talaga. Laging ako na lang ang inaasar nila sa mga ganitong may ganap, e.
"Okay lang naman Gio, love language ko naman ang physical touch." Sabi ni Aviel. Ngumiti pa siya sa'kin nang magtama ang mata namin.
Malakas akong sinuntok ni Zack sa braso. Para naman silang mga tanga.
"'Wag niyong saktan!" Napatingin ako ulit sa kanya nang sabihin niya 'yon. Masama pa ang tingin niya kay Zack na natatawa lang naman. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti.
"Tangina, kilig na kilig betlog ni Axel babe." Pang-aasar na sabi ni Gio.
---
Kanina pa dumating sila Vito. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa loob. Halatang may seryosong usapan sila. Nandito pa rin kami sa likod ng bahay nila. Nandito rin ang ilan sa mga kapitbahay namin.
"Axel babes!" Napabuntong hininga na lang ako nang biglang lumapit sakin si ate Gianna. Inangkla pa kasi niya ang kamay sa'kin. "Anong 'yong chismis na nasagap ko? Kayo na raw nung Shine?" Tanong niya.
"Ano naman?"
Agad niya akong siniko. Ang sakit, e. "Where's she? Gusto ko makilala. Hindi niya ako pinansin kagabi." Sagot niya. Nilibot pa niya ang tingin sa paligid. "Oh, there she is." Agad akong napatingin sa pinto nang nakatingin na siya roon. Palabas nga roon si Aviel, kasama ang kaibigan niya na siyang asawa na ngayon ni Vito.
"A-Aviel," napatikhim ako. Ang seryoso kasi ng tingin niya ngayon sa kamay ni ate Gianna na nasa braso ko. Parang gustong kong matawa, pero pinigilan ko na lang dahil parang gusto na niyang hilain si ate Gianna para ilayo sa'kin.
Iisipin ko pa lang na nagseselos siya ay kinikilig na ako. Naknampucha!
"Hi, I'm Gianna." Agad na lumapit si ate Gianna sa kan'ya. Nakangiti pa siya, pero si Aviel ay seryoso lang na nakatingin sa kan'ya. "I'm Redion Axel's beautiful cousin." Nakita ko pagkunot ng noo niya ng sabihin iyon ni ate Gia.
"C-cousin?"
"Yeah? Akala mo ba kalandian ako nitong si Axel? Nah, kung hindi ko man siya pinsan, hindi ko rin siya papatulan. He's too quiet for me." Sagot niya. Para namang gusto ko rin siya kung sakali? Kapal ah.
Para namang nagpipigil na ngayon ng tawa si Aviel dahil sa sinabi ng magaling kong pinsan. Naknam.
"I'm sorry po," sabi niya. "I'm Shine. Aviel Shine po. Girlfriend ni Axel." Tumingin pa sya sa'kin nang sabihin niya 'yon. Napatikhim na lang ako at nailayo ang tingin habang nagpipigil ng ngiti.
____________________
____________________thank you sa 500 reads kahit na puro kasabugan lang naman ito huhu. bawi na lang siguro sa series 2.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [COMPLETED]
RomanceNOT BL Solinas Series 1: COMPLETED! Redion Axel Solinas, a nursing student believed that the word "LOVE" was nonexistent in his life until it unexpectedly appeared, much like a natural disaster, threatening to disrupt his peaceful existence. This is...