Chapter 26: Her POV 8

65 4 0
                                    

Chapter 26:

Aviel Shine Peres Rios' POV






"Galingan mo naman Redion! Isipin mong naglaan ako ng panahon para rito, ano?" Sabi ko sa kan'ya nang mag-time out.

Pinilit ako kanina ni Rio na manood ng game ng pinsan niya. Ayaw ko nga sana, e.

"Kapag nanalo kayo libre kita." Sabi ko pa. Natulala pa ako nang ngumiti siya. Grabe, hindi talaga ako nasasanay kapag ngumingiti siya, e. Himala lang kasing mangyari 'yon.

"Sure 'yan?" Tanong niya. Nakangiti pa rin. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Oo, para namang sinungaling ako diyan." Sagot ko. Natawa pa nga.

Back to the game. Kanina pa ako kinakabahan. Kitang-kita ko kasi mula rito sa bleacher ang pagyukon ng kamao niya sa tuwing nakakaharap niya iyong isa sa kalaban nila. Halata kasing dini-distract niya si Redion Axel.

Nakahinga lang ako ng magaan nang manalo sila. Nakangiti akong tumayo para lumapit sa kan'ya. Pero napatigil ako nang may humarang sa'kin.

Si Kennedy.

"Can we talk?"

"Para saan pa, Kennedy?" Mahinang tanong ko.

"Hindi ko kaya, Shine." Sabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil nadudurog ang puso ko nang makita ko ang pagtulo ng luha niya.

Hindi ko rin naman kaya, pero ayaw ko na lumaban. Alam naman naming talo na.

Pero lahat 'ata ng pagod na nararamdaman ko nawala nang yakapin niya ako.

Siguro nga tanga ako. Ibigay niyo na sa'kin 'to. Lubusin ko na. Dahil alam kong hiram lang ulit ang mga araw na 'to.

After that day, lagi na naman kami magkasama. Minsan tumatakas siya. Natapos ulit ang pasko at bagong taon na lagi kaming patagong nagkikita.

Na sana hindi na lang namin pinilit. Dahil mas masakit pala ang kapalit ng panandaliang saya na 'to.

And after that day, hindi ko na rin nakita ulit si Redion. Ni hindi ko na rin siya na-congratulate noong nanalo sila sa volleyball.

Alam kong nakita niya kami noon. At hanggang ngayon naiisip ko na ang sama kong kaibigan sa kan'ya. He always there for me, but I was never there for him.

Nakikita ko naman siya, pero sa tuwing gusto kong lumapit sa kan'ya ay lagi namang may panira. May bago na siyang mga kaibigan.

Inisang lagok ko ang alak sa baso. Nandito ako ngayon sa Tara G. Nang mag-isa.

Alam kong para akong tanga rito na mag-isang umiiyak, pero wala akong pakialam. Hindi naman sila ang nasasaktan.

"S- shine..." Napaatras ako nang makita siya sa isang restaurant dito sa Tuguegarao. Kasama niya ang Daddy niya, at may kasama pa silang isang babae. Hindi naman siya ang ate niya. Dahil kilala ko na ang ate niya.

"Don't get any closer to her, Kennedy. Remember our deal." Sabi ng Daddy niya kaya napatigil siya sa paglapit sa'kin.

Inaasahan ko naman 'yon. Pero masakit talaga. Kailan niya ba ako pinaglaban? Wala. Wala ni isang pagkakataon na inilaban niya ako sa Daddy niya.

"Aviel,"

Natigil ang pag-iisip ko, at ng paghikbi ko nang marinig ang boses ni Redion Axel. Nagulat pa ako, pero alam ko naman agad na siya 'yon dahil siya lang naman ang tinatawag sa'kin sa first name ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko nang mag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Nakatingin kang kasi siya ng diretyo sa'kin.

"Redion? A- anong ginagawa mo rito?' Tanong ko.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon