"KAYA KO BA 'TO? Sh1t! Kinakabahan ako, Emai. Pangalawang beses ko na 'tong ihi sa inidoro, e." Sabi ko kay Emai sa kabilang linya. Nandito ako sa CR. Hindi mapakali at kinakabahan. Paano ba naman kasi ito ang araw na makipag-date ako kay Vincent.
"Huwag kang kabahan, okay? Just think about it. It just a simple task. Sasagutin mo lang si Vincent at viola! Problem solve na!" Aniya.
"Okay, okay." I tried my best to calm down myself. "Hindi ako pwedeng kabahan. Relax. Inhale. Exhale." Sabi ko sa sarili ko at napahugot ako ng hininga saka binuga ko 'yon.
"Don't be nervous, Jica. Si Vincent lang 'yan." Sabi ni Emai sa kabilang linya. "Basta, alam kung kaya mo 'yan. This isn't your first time to meet him."
"Pero iba 'to ngayon." Ani ko.
"Walang kaba sa taong nagigipit, Inday." Biro niya na ikatawa ko naman ng mahina. Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok. "O, siya, ibaba ko na 'to." Paalam ko kay Emai.
Hindi rin kasi ako pwedeng magtagal dito sa loob ng cubicle lalo't nandoon na si Vincent sa labas.
"Take care of yourself, Jica. I know you can do it! May tiwala ako sa 'yo. Basta, no segss muna ha?"
Napairap ako. "Walang nangyari sa 'min, Emai-" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay binabaan na ako ni Emai habang narinig ko ang malakas niyang tawa.
Siraulo.
Saglit na inayos ko muna ang sarili ko saka ako lumabas sa banyo. Mula sa malayo ay nakita ko si Vincent na naghihintay sa table namin na siya pa ang nagpa-reserved para sa aming dalawa. At siya rin ang pumili na dito kami kumain sa mamahaling restaurant.
"Hi," Ang nahihiyang bati ko kay Vince ng makalapit ako. Agad naman umangat ang kanyang tingin at nang makita niya ako initial niya ako ng matamis.
Napaiwas naman ako ng tingin.
Ugh, makita ko lang ang pagmumukha niya ay naiilang ako. Sa isip ko, pilit pinapakalma ang aking sarili. "Uhm, how are you?" Mukhang ako na siguro ang mag-first move nito.
Ayaw ko naman maupo dito at maging yelo. Sa sobrang lamig ay magiging tuod ako.
"Well, I'm doing good. How about you?"
Napalunok ako. "I'm fine, thank you."
"Nice." Agad niyang sabi.
Tapos? Ako ulit ang magbubukas ng topic namin? Ah! Grabe na 'to, a! Wala ba siyang humor? Dapat siya ang mag-first move kasi lalaki siya! Eh, kaasar!
"Anyway, balita ko ay pumunta kayo sa Tagaytay kahapon." Wait? Bakit nagmukha akong stalker sa sinabi kung 'yon? Nataranta naman ako saka napatingin kay Vincent. "Hey, hindi kita inistalk ha! Nabalitaan ko lang kay Emai, uhm, alam mo na- may pagka-tsismosa din 'yon." Hindi naman halatang defensive ako noh?
Narinig kung napatawa siya. Eh? May nakakatawa ba doon? Hindi naman ako nag-jo-joke, 'di ba? Mukha ba akong nagpapatawa? "You looks so funny, Jai."
"I'm not clown, Vincent." Diretso kung sabi. Hindi ko alam kung paano ako mag-react. Eh, clown daw ako? "Sa ganda kung 'to, magiging clown ako? No way." Dagdag ko.
"That's not what I mean—"
"Okay, enough. I understand. You didn't mean it. Sorry." Pagtatapos ko sa kanya para matigil na. Baka hindi ako makapagpigil 'e masapak ko siya. Knowing myself kasing ikli lang ang pasensiya ko sa butas ng karayom kaya mas mabuti ng maging aware ako.
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Mystery / ThrillerTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...