PASADO tanghali na ng magising ako at una kung hinanap si Vincent ngunit hindi ko siya makita dito sa apartment. Buti nalang nakita ko ang kanyang iniwang sticky note sa ref.
I went Deane's house.
I'll help to arrange her funeral.
Text me if you need anything.
Please, take care always.I love you, babe.
Kinuha ko ang sticky notes sa Refrigerator at itinapon ito sa kung saan. Natigilan ako ng makita ang mga ilang basyo ng alak na nasa loob ng basurahan.
Napailing ako saka binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig na maiinom. Sunod akong nagtungo sa kwarto at hinablot ang aking cellphone saka umupo sa sala.
I got two messages from Emai. Sinabi na niya kung saan kami magkikita. Isa 'yong restaurant na hindi pamilyar sa akin. Nag-reply lang ako sa kanya ng "ok".
Ibinaba ko ang cellphone at napasandal ako sa sofa.
"You should marry him, Jica."
Pumasok sa utak ko ang iniwang salita ni Elora sa akin kagabi.
Nanlaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. "What?!"
Despite of my reaction, she gave me a warm smiled. She nodded as she lean forward towards me. "Yeah, you heard me. You should marry him." Aniya, seryoso ang kanyang boses. "Ginamit mo siya diba? Then, use him as much as you want. Gatasan mo siya, Jica. Sipsipin mo ang nasa kanya. I'll give you a three months to do what your plan to him. Asks him to marry you. Give him a child para may makuha kang mana ng anak mo sa kanya. That's the only way if you want to become a millionaire. Well, if you’re interested, I can’t force you." Pangungumbinse niya na ikapatulala ko.
"T-Tatlong buwan?" Bulalas ko, sunod sunod ang paglunok.
Napatitig sa akin si Elora. "Yeah, three months. Alam kung magagawa mo 'yon. And after that, we'll help each other para maipakulong natin siya at sisiguraduhin mabubulok siya sa kulungan. Ilalabas natin ang ebedensya na pinatay niya si Jolly but first we need to find her body," aniya.
Hinawakan ni Elora ang kamay ko at pinisil niya 'yon. I look at her, nakita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. "So, are you in?"
Naipikit ko ang mga mata ko ng maalala ang mga 'yon. Shit, tatlong buwan? Kaya ko ba 'yon?
I mean, may punto si Elora. Total ginamit ko naman si Vincent bakit hindi ko nalang isagad ng bonggang-bongga? Mayaman si Vincent. Mayaman na mayaman. Kung i-co-consider ko ang suggestion ni Elora na pakasalan ito at bigyan ng anak sa loob ng tatlong buwan, may pag-asang malaki ang makukuha kung pera. May biggest chance pa akong maging mayaman!
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Mystery / ThrillerTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...