THIS IS THE DAY I'm going to meet her. I feel a little bit nervous and I couldn't even calm down myself. Naghihinayang pa nga ako kung bakit ako nag-resign sa dati kung kompanya kung tutuusin mahal ang pasahod doon at malaki ang opurtunidad na nag-aabang sa akin doon.
Samantalang dito? I really don't give a damn care. Magsisimula ako sa umpisa pero hindi iyon ang importante sa akin. Kailangan kung maging malapit kay Jamaica Robles.
"I am so happy to introduce your new workmate, Ms. Elora Elozarte," pagpapakilala ni Ms. Vina sa akin habang nakatayo ako sa kanilang harapan. Pasimpleng nilibot ko ang aking tingin at saktong agad ko itong nakita.
Nakakunot ang noo nito at malalim ang iniisip.
I take a deep breathe as I started calming down. Ngumiti ako saka tumingin sa lahat na nag-aabang sa aking introduction. "Hi! My name is Elora Elozarte, nice to meet you everyone." Masiga kung bati. Nilakihan ko ang aking pagngiti.
Ilang segundo ang lumipas nakarinig ako ng sunod-sunod na palakpak.
"Hello, Elora! Welcome to our team!"
"Hi, Elora! You're so pretty,"
"Thank you!" Sagot ko at pasimpleng nag-bow.
"It's our pleasure to meet you, Elora! You looks so brilliant. Sana hindi ka gaya ni Girlie, masyadong malamya at tatanga-tanga,"Ewan, saglit akong natigilan at napalingon sa babaeng nagsalita.
Nagulat ako ng makita sila Pia at Deane na nakaupo sa swivel chair nila. Nawala ang ngiti sa aking labi ng maalala ang ginawa nila kay Jolly.
"Naka-hunting lang ng AFAM sa dating app, sumama na agad. That girl! Errr," Komento ni Deane sa sinabi ni Pia.
Sa narinig ko, napayuko ako at napangisi. Uh, that girl named Girlie huh? Well, sorry to tell I scammed her. Hindi ko naman kasi aakalain na madaling mauto ang babaeng 'yon.
Ewan ko nalang talaga kung meron bang AFAM ang sasalubong sa kanya ngayon sa NAIA Airport. Ang importante, nag-resign siya at ako ang pumalit sa kanyang pwesto.
"Shut up, guys." Pigil ni Mrs. Vina. "Elora will be your workmate, everyone. She was graduated at Santo Thomas University with her course Bachelor of Accounting Financial Management. Kung hindi niyo itatanong, graduate na Magna Cumlaude itong si Elora kaya pakiusap ko sa inyo sana ay patunguhan niyo siya nang maayos," Pakiusap ni Mrs Vina.
Sa sinabi ni Mrs Vina hindi ko alam kung paano ako mag-react. Kahit siya ay nauto sa impormasyon na binigay ko sa kanya. Well, totoo naman talaga ang lahat ng kanyang sinabi... except sa Magna Cumlaude ako. Nagbiro lang naman ako sa kanya. Sineryoso ba naman.
"El, doon kana sa table ni Girlie." Ani Mrs Vina at tinuro ang walang taong cubicle na nasa pangalawang row.
"Thanks, Mrs. Vina," nginitian ko siya saka ako lumapit doon at umupo. Napahigit ako nang hininga saka napasulyap kay Jica na nasa panghuling row abala ito sa ginagawa.
Pasimple akong ngumiti. SUCCESS.
LUNCH BREAK. To tell the truth, hindi naman masama ang mag-trabaho dito sa kompanya. May maliit na canteen dito kung saan kumakain ang mga employees.
"EL, dito! Dali!"
Napalingon ako sa mga ka-workmate ko na nasa iisang mesa. Tatlo sila na nandoon. Nakatingin sila sa akin habang tinatawag ako.
I smile back at them as I sit next with them. "Hi!" Bati ko. Napatingin ako sa likod at nagulat ako ng magtagpo ang tingin namin ni Jica. Agad itong napaiwas ng tingin.
"Hi, Elora! Nice to meet you in person!" Nakangiting ani ng babae na may suot na hairband na kulay blue. "I'm Marinette, bye the way." Pagpapakilala niya. Tinuro naman niya ang babae na kanyang katabi, medyo matangkad ito at maputi. "Siya si Jean,"
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Mystery / ThrillerTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...